---
Tiningnan ko siya nang masama nang matapos ang tawag pero ang bwisit, nakuha pang ngumiti nang nakakaloko.
"Why didn't you tell me that you're her son?"
"Hindi ka naman nagtanong," he said as he shrugged his shoulders.
"Kahit na!"
Bwisit. Ang lakas mang-asar ng pagmumukha niya.
I had no idea he's related to him. Kaya pala ang bilis makahanap nina Mom and Dad ng papalit sa kanya that time ay dahil anak niya ang kinuha. Kaya rin pala kampante sila sa kanya kahit na ka-edad ko lang siya.
"Mag-aayos ka na ba ng mga damit n'yo?" sabay tingin niya sa mga bubwit. "Ako na lang ang mag-i-impake para kina Cza—"
"No!" I said, cutting him off. "Ako na."
Mamaya kung anu-ano ang ilagay niyang mga damit sa bag nina Czanelle at Clark. That one time was a disaster. He doesn't know how to pair clothes and they might look like some kind of bizarre creatures with that terrible fashion sense of his.
After naming mag-lunch ay umakyat ako sa kwarto para magligpit. Actually, hindi pa rin nagsi-sink in sa akin ang katotohanang anak siya ni Nanay Fe at makikita ko na ulit si Nanay Fe bukas. Kalahating taon na rin ang nakakalipas nang umuwi siya sa kanila at mapunta naman dito si Jazer.
According to him, we're going to stay there for a week. Naghanap naman ako ng luggage kung saan magkakasya ang mga gamit ko. I packed my clothes, vanity kit, toiletries and other stuff. Pumunta naman ako sa room nina Czanelle at Clark para ayusin din ang dadalhin nila. I was organizing their clothes when I heard a knock. Paglingon ko, pumasok si Jazer.
"Isama mo na rin 'to," sabay abot niya sa akin ng baby bottles at cereals. Sinama ko na rin ang favorite mini-blanket ni Clark dahil paniguradong magta-tantrums 'yon 'pag na-realize niyang wala.
Tinulungan niya ako sa pag-aayos ng mga gamit ng dalawa at dahil sobrang tahimik ay naramdaman ko kaagad ang awkwardness sa pagitan namin. I suddenly remembered the night when Mom completely lost her memories. He supported me and didn't leave my side until I calmed down. That was also the night I realized he had already became a huge part of my life . . . and it was terrifying.
"Anong ginagawa mo tuwing Pasko?" bigla niyang tanong kaya napatingin ako sa kanya habang tinitiklop niya ang mga nilabas kong damit.
"Movie marathon," sagot ko naman.
"Buti nakakaya mong mag-isa ka lang."
"Sanay naman ako." Pagkasabi ko no'n ay napatingin siya sa akin. "I've been alone on holidays for fifteen years so Christmas and New Year aren't really that special for me."
Even on my birthday, I wanted to add. Naaalala ko lang ang birthday ko kapag nakikita kong may handa na para sa akin sina Nanay Fe, Nanay Meling at Kuya Larry. Holidays don't matter to me anymore. Parang normal days lang sila para sa akin. Habang nag-ce-celebrate ang ibang mga pamilya sa subdivision, ako, nasa kwarto ko at nakaharap lang lagi sa phone o laptop para manood o magbasa.
BINABASA MO ANG
The Forgotten's Envy (Masquerade Girls, #1)
Teen Fiction𝗠𝗮𝘀𝗾𝘂𝗲𝗿𝗮𝗱𝗲 𝗚𝗶𝗿𝗹𝘀 𝗦𝗲𝗿𝗶𝗲𝘀, 𝗕𝗼𝗼𝗸#𝟭 || Formerly known as 𝗕𝗮𝗯𝘆 𝗠𝗮𝗱𝗻𝗲𝘀𝘀 || All her life, Chloe felt abandoned and forgotten by her parents. She lived with their house helpers while her parents would only come home once...