Chapter 16

96.4K 3.7K 487
                                    


"Okay, class dismissed."

Agad naman akong umalis matapos ang klase at pumunta ako sa tambayan ko . . . at ng lalaking 'to. Ni hindi ko nga alam kung paano namin natatagalan ang isa't isa at in fairness, halos two months na simula nang pumasok siya.

"Ang aga mo yata?" tanong kaagad niya pero 'di ko siya pinansin at umupo na lang ako sa tabi niya. Pinatong ko ang ulo ko sa table at pumikit saglit.

Ilang araw na rin ang nakalipas simula nang nangyari 'yon. I don't know if I'm starting to open up my heart to those kids or I was just vulnerable during that time. Tama naman sila Nanay Meling, eh. Wala naman talagang kasalanan ang mga bata pero hindi ko pa rin maiwasang mainggit. I might sound immature to others but can you blame me? My parents left me when I was just a toddler. They would only come home once or twice a year and as time goes by, I can't feel the so-called parental love. I grew up without them and they were fine without me. Matagal ko nang sinukuan ang relasyon ko sa kanila at okay na sa akin na wala sila rito.

"Chloe, alis na ako," mahinang sabi ni Jazer kaya saglit na nawala sa isip ko ang parents ko.

"Go," sabi ko naman.

Ang sakit talaga ng ulo ko. Hindi ko alam kung dahil ba 'to sa quiz namin kanina o magkakasakit ako. Sumabay pa 'tong buwanang dalaw na 'to. Nakakainis talaga.

"Chloe?"

Naramdaman ko namang may umupo sa tapat ko at pagtingin ko ay si Katrina pala. Bigla naman siyang nag-pout at saka ko narealize na ang sama pala ng tingin ko sa kanya. Blame it to my hormones. Damn it.

"Ano?" mahina kong tanong dahil gusto ko talagang matulog.

"A-ah, wala lang. Makiki-table lang sana," sabi naman niya at tumango na lang ako. "Thanks!"

Ugh. Sobrang sakit talaga ng puson ko. Ngayon na lang yata ako nagkaroon ng weekday dahil kadalasan ay natataong weekend ang first day ko kaya nakahiga lang ako sa kama. Ang hirap pa naman dahil sobrang sakit ng puson at likod ko kapag first day. Tipong parang mahahati ang katawan ko sa dalawa.

"Hala tignan mo ang girl na 'yon. Ang cute niya 'no?"

"Ah. Classmate ko siya sa SocSci at marami ngang tumitingin sa kanya kaso nga lang weird siya."

"Hmm. Mukha nga. Mukha rin siyang clumsy."

Narindi na ang tenga ko sa ingay kaya bumangon ako. When I looked at those girls, they were glancing at Katrina. She was looking down with her flushed face so I glared at them. When they saw me, their expressions changed and one of them flinched.

"T-tara na!" bulong ng isa at agad naman niyang hinatak ang kasama niya.

Pagtingin ko kay Katrina ay nakayuko lang siya habang namumula ang mukha niya.

"Don't mind them," I said and I went back to my sleeping position.

Come to think of it, I didn't even know when we became this close. Sa tingin ko ay siya pa lang ang taong nakatagal sa akin at kahit sinusungitan ko siya o binabara, lagi pa rin niya akong kinakausap at pinupuntahan. After Iñigo, I didn't really have a chance to be friends with someone since I tend to push people away and they always get intimidated by me, especially girls.

I always thought that I can survive college without any friends. I mean, three years na akong walang kaibigan dito at buhay pa naman ako. Ngayon lang talaga ako dinumog ng mga tao dahil sa bwisit na issue tungkol kina Iñigo at Queenie, pati na rin sa pagdating nina Jazer at Katrina.

"Chloe," tawag ni Katrina kaya tumingala ako. "Thank you," she said while flashing a smile. I gave her a confused look in return.

"For what?"

The Forgotten's Envy (Masquerade Girls, #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon