"Oh gosh, 'di pa ako nag-aaral sa Comm."
"May Bio elective pa nga ako, eh."
"I'm tired. Ayoko na."
Na-feel ko naman ang mga pinagsasabi ng mga nadaanan kong estudyante dahil Finals week na ngayon. Malas pa dahil sabay-sabay ang dalawang major subject at isang elective ko sa isang araw. Buti na lang at walang class ngayon at makakapag-aral ako nang maayos. Ayaw ko rin namang sa bahay mag-aral dahil paniguradong maraming distractions at ang pinakamalala, matutulog lang ako.
Papunta na sana ako sa library pero may nakita akong ikinataas ng kilay ko. Iñigo and Katrina were together and people were looking at them. I was watching them as they walked towards my direction but Katrina headed to the right wing. Mukhang hindi niya ako nakita.
Nagsimula naman akong maglakad at nang makita ako ni Iñigo ay hinilig ko ang leeg ko sa tagong hallway. After a few seconds ay pareho na kaming nandoon sa sulok.
"What's the real score between the two of you?" tanong ko kaagad at hindi ko rin alam kung bakit nakikialam ako.
"Ni Katrina?"
"Sino pa bang kasama mo kanina?"
"She's just a classmate. Nagtanong siya tungkol sa isang lecture na hindi niya na-attend-an last time. Bakit?"
Naalala ko naman ang sinabi niya sa akin noong umamin siya. I smirked at him and he gave me a curious look.
"Hindi ko akalaing masyado kang dense," I said, returning his words years ago. Mukhang naalala niya pa 'yon dahil sa expression niya ngayon.
That Katrina . . . she really wanted to get him. Bahala nga siya. I already warned her before. It was her choice and I couldn't do anything about that anymore. Ito namang lalaking 'to, ang lakas ng loob na sabihing dense ako dati samantalang siya nga ang hindi makaramdam. He couldn't see the real intention of Katrina and his cordial personality made it worse.
"Continue doing that and you'll really lose Queenie," sabi ko at saka naglakad palayo.
"Wait, Chloe. Alam mo ba kung nasaan siya? Ayaw niya pa rin talagang magpakita sa akin," seryoso niyang tanong. Mukhang hindi pa rin sila nagkakaayos at nagmamatigas talaga ang babaeng 'yon.
"Mukha ba akong hanapan ng nawawalang tao?" I said, raising my brow. "Find her yourself. You're her boyfriend, aren't you?"
Pagkasabi ko no'n ay tuluyan na akong umalis. Dumiretso ako sa library pero nairita ako dahil ang daming tao ngayon. Buti na lang at nasa dulo ang favorite place ko at—damn. May umagaw ng pwesto ko!
I marched towards 'my' place but I halted when I saw who was sitting there. Our eyes met each other and my face turned sour in an instant.
"What an eyesore," she said.
"Talking to yourself, I see," sabay bagsak ko ng gamit ko sa upuan katapat niya.
"Go away, witch," dagdag niya pa habang nakasimangot.
"This is my place," I retorted while knocking on the table. "Leave, bitch."
"May pangalan mo?"
Tinuro ko naman ang side ng table at nakasulat doon ang maliit na 'Chloe' kaya sinamaan niya ako ng tingin. Good thing I wrote that months ago though it could be erased using alcohol since it wasn't a permanent ink.
"Huh. I'll report you to the librarian. Nag-vandal ka," she threatened but I just snickered.
"Go," sabi ko naman. "I don't really care."
BINABASA MO ANG
The Forgotten's Envy (Masquerade Girls, #1)
Novela Juvenil𝗠𝗮𝘀𝗾𝘂𝗲𝗿𝗮𝗱𝗲 𝗚𝗶𝗿𝗹𝘀 𝗦𝗲𝗿𝗶𝗲𝘀, 𝗕𝗼𝗼𝗸#𝟭 || Formerly known as 𝗕𝗮𝗯𝘆 𝗠𝗮𝗱𝗻𝗲𝘀𝘀 || All her life, Chloe felt abandoned and forgotten by her parents. She lived with their house helpers while her parents would only come home once...