Pagdating namin sa bahay ay kinuha agad sa akin ni Nanay Meling si Clark at pareho nilang inakyat ni Jazer ang dalawang bata. Naiwan ako sa sala at nagpahinga ako saglit. Sumandal ako sa sofa at pinikit ko ang mga mata ko dahil napagod ako sa pinaggagawa ko ngayon. This is why I hate going out during weekends. Nakakastress.
"O, Chloe, hindi ka pa ba kakain?" Napadilat naman ako at nakita kong pababa na sina Nanay Meling at Jazer.
"Sige po."
Kahit na inaantok na ako ay tumayo ako at dumiretso sa dining table. Umupo ako sa pwesto ko at gano'n 'din ang ginawa ni Jazer. Naghain na rin si Nanay Meling kanina kaya naman tahimik lang kaming kumain.
Bigla ko namang naalala ang sinabi ng driver kanina. According to him, the father of his daughter's child ran away from his responsibilities, and because of that, he and his wife need to work harder to support her. I really hate jerks like that guy. Gagawa sila ng isang bagay pero kapag may hindi naaayon sa plano nila ay hindi naman kayang panindigan. Buti sana kung siya lang ang maaapektuhan.
"Nagsasalubong na naman 'yang kilay mo," biglang sabi ni Jazer kaya sinamaan ko siya ng tingin. "Ayan, nagdugtong na nang tuluyan."
"Funny ka na niyan?" sabay irap ko at tinawanan niya lang ako. Bwisit na 'to.
"Thank you pala kanina." His expression became serious. "Kung hindi ka dumating, hindi ko alam ang gagawin ko."
"Sino ba naman kasing nagsabing dalhin mo sila sa park?"
"Gusto kasi nilang lumabas at sabi ni Nanay Meling ay may malapit na park dito. At saka para naman maexperience nilang maglaro sa labas."
Pagkasabi niya no'n ay naalala ko ang kabataan ko. I never had the chance to play with kids outside and maybe that was one of the reasons why I grew up like this.
"Ang ganda pala ng park dito sa inyo," he said after finishing his lunch. "May playground para sa mga bata at may matatambayan din ang teenagers. Meron 'ding recreational activities para sa matatanda. Kaya pala ang daming tao lagi ro'n."
Napatingin naman ako sa kanya dahil parang nag-eenjoy siya sa pagkukwento. Actually, last year lang naipatayo ang People's Park kaya marami pa ring pumupunta. Malapit din sa subdivision namin pero hindi pa ako nakakapunta ro'n dahil wala namang rason para gawin ko 'yon.
"Ano ba kasing ginawa n'yo ro'n?" inis kong tanong.
"Wala naman masyado. Tumakbo lang sila nang tumakbo at si Czanelle, nakisali sa mga naglalaro ng langit-lupa."
"Langit-lupa? What the heck is that?"
May gano'ng laro?
He looked at me with a confused expression and when he realized that I wasn't joking, he gave me an amused look. Hindi ko alam kung dapat ba akong maasar dahil sa itsura niya o hayaan na lang. In the end, inirapan ko na lang siya.
"Seryoso? Hindi mo alam ang larong 'yon?"
"Itatanong ko ba kung alam ko?"
"Pagpasensyahan mo na 'yan, hijo," singit naman ni Nanay Meling at siya na ang kumuha ng pinagkainan namin pero agad siyang tinulungan ni Jazer. "Hindi kasi nakapaglaro 'yang si Chloe noong bata siya ng mga larong pambata at larong kalye."
"Nanay Meling!" sigaw ko pero nginitian niya lang ako.
Tss. Kasalanan ko bang walang batang kasing-edad ko sa subdivision noong panahong 'yon? And one more thing, that was the time when Mom and Dad chose to work abroad.
Pagkatapos magligpit ay naglakad ako papuntang sala para sana manood pero napasigaw ako dahil biglang may tumapik sa balikat ko.
"Taya."
BINABASA MO ANG
The Forgotten's Envy (Masquerade Girls, #1)
Teen Fiction𝗠𝗮𝘀𝗾𝘂𝗲𝗿𝗮𝗱𝗲 𝗚𝗶𝗿𝗹𝘀 𝗦𝗲𝗿𝗶𝗲𝘀, 𝗕𝗼𝗼𝗸#𝟭 || Formerly known as 𝗕𝗮𝗯𝘆 𝗠𝗮𝗱𝗻𝗲𝘀𝘀 || All her life, Chloe felt abandoned and forgotten by her parents. She lived with their house helpers while her parents would only come home once...