13 Reason

317 8 0
                                    

Alexandra's POV

Isang linggo na ang nakalipas pagkatapos ng ginawa nina Cindy at Cristina.

Hindi ako makapaniwala kasi ginamit nila ako para lang makapaghigante.

-FLASHBACK-

Nagising ako dahil sa sinag ng araw, napansin kong wala ako sa dorm ko kaya nagtaka ako kung nasaan ako. Umupo ako para komportable ang aking pwesto. Nakita ko si Daniel nakapatong ang ulo nito sa gilid ko.

Natuwa ako kasi kahit sa nangyari ay nandito pa rin siya aa tabi ko. Tiningnan ko ang maamo, inosente, at gwapo niyang mukha. Hinding hindi ko talaga maiwasang mainlove pa sa kanya lalo.

Napansin ko nasa clinic pala ako, buti pinayagan si Daniel dito. Napangiti ako, ang ngiting hindi mo inaasahan sa isang tao katulad ko, ang ngiting inlababo sa isang taong kakakilala ko lang ata. Yes, ata dahil hindi ko pa rin nalalaman ang nakaraan ko.
[A/N: Inlababo means inlove lol hahahah]

Bigla namang pumasok ang nurse sa kwarto.

"Oh, gising ka na pala." Sabi ng nurse.

"Ay opo, kakagising lang po. Ilang oras na po akong natutulog?" Tanong ko.

Bigla namang tumawa ang nurse na ipinagtaka ko. Hala siya, HAHAHAHAHA!! Kahit natatawa ako, binigyan ko pa rin siya ng nakakapagtakang tingin. Siguro naman nagets niya ang gusto kong iparating noh?

"Hindi lang oras kundi days. Natutulog ka na nang tatlong araw." Natatawang sabi niya.

HUWAT??!! WEHHH??!! Pero bakit? Pano? Ano bang nangyari? Shit! Bakit hindi ko maalala??!! Pinipilit kong alalahanin lahat kaya lang sumakit ang ulo ko.

Nang lumabas na ang nurse kasi dapat ichecheck ako kung gising na ba ako or kung okay lang ung lagay ko. Hays buti hindi nagising si Daniel. Tapos biglang naalala ko na ang mga nangyari.

"Tapos mo na ba akong titigan? Baka matunaw na ako ng lagay na yan, ha?" Sabi niya habang nakangisi.

SHIT! Gising na pala siya! Huhubells!!! Nahuli niya akong nakatitig sa kanya!!! Tuloy!! Uminit yung psingi ko. Agad akong tumalikod kasi feeling ko nagblublush ako.

"Tsss. I'm not staring at you, don't be assuming." Sabay irap sa kanya.

Ghe lang Alexandra Athene S. Park!! Deny pa!!! Tssss. Talaga bang mahal ko siya? Feeling ko linoloko ko lang sarili ko ehh, pero bakit ganun? Tuwing kasama ko siya bumibilis ang tibok ng puso ko? Sheteng palaka!!! Huhubells talaga!!! >.< Ano bang nangyayari saakin??

"HAHAAHAHAHAHAHAHAHA!!!"

Luh! Parang may saltik ito sa ulo agad ha?? Parang ewan sarap batukan. Pasalamat siya kakagising ko lang. Tsssssss.

"Ano bang problema mo, ha??!"

"Wala! Sige na!! Magayos ka na ng gamit mo!! Sabi kasi saakin ng doctor na pagkagising mo pwede ka nang pumunta sa dorm mo!!"

Luh!! Bakit siya sumisigaw??! Parang ewan talaga, hmph!!

"Oo na!! Oo na!! Ay! Nga pala, ano bang nangyari pagkatapos kong himayayin? Sino ba ang kumontrol saakin? TagaMCA ba sila? Bakit nila yun ginawa? Bakit? Bakit?" Sunod na sunod na tanong ko sa kanya.

Dimension: Missing PendantWhere stories live. Discover now