Alexandra's POV
Nagtaka ako kahapon kung bakit wala si Cassandra sa buong campus. I spent mg whole day worrying and finding her, at natuklasan ko na lang na nasa dorm lang siya. ANG TANGA KO NGA NA HINDI ISIPIN NA NASA DORM LANG SIYA EH!!
Tapos simula rin kahapon nagtaka na rin ako kasi naramdaman ko na lang na may sumusunod saakin sa corridor kahapon tapos parang nawalan ako ng malay? I dunno tapos nagising na lang ako nasa tapat na ng room. Weird noh?
Ngayon nasa cafeteria lang ako, kumakain sa pinakadulong parte ng cafeteria which walang tao tas doon walang nakakakita kasi nasa dark part ako. Hindi ko nga alm kung bakit these days nagugustuhan ko na ang blood and stuff, eh dati naman takot ako sa mga ganun ehh. Weird...
"Alexandra..."
Huh? Who's that? Palingon lingon ako, hinahanap kung sino yun. Pero ipinagpatuloy ko na lang ang kinakain ko, minding my own business.
Tumayo na ako dahil tapos na akong kumain. Tila nang naglalakad na ako, nagtaka ako dahil parang gulat na gulat ang mga tao nung nakita nila ako. This is getting weird...
"A-a-a-alexxxa-and-d-dra..." nauutal na parang takot na takot na aabi ng nadaanan ko. Huh? Tiningnan ko kung saang direksiyon siya nakatingin.
"Bakit Millany?" Tanong ko tapos namumutla na siya... nakakita ba ito ng Hollowgasts? Pagkakaalam ko namumutla lang siya tuwing nakakakita siya nun ehh... Hollowgasts had tentacles inside their mouth and they have tall figurines.
Napansin ko rin parang namumutla rin yung ibang estudyante dito sa cafeteria at naputla sila lalo.
"Hi-hi-hindi-di mo b-b-a na-na-nakita-ta?" Natatakot na tanong ng katabi ni Millany na si Em. Nagtaka ako lalo.
I gave them the 'anong hindi ko nakikita' look, kumunot ang noo ko dahil hindi ko sila maintindihan. Serioso? Ano ang nakikita nila na hindi ko nakikita?!
"Ano ba yun, Em?" Nagtatakang tanong ko at napansin ko nagulat pero hindi pa rin mawala ang pamumutla nila. Tinuro ni Millany ang likod ko at agad kong tiningnan.
Millany's POV
Nagtaka ako kung saan nakatingin si Em (friend ko) kaya sinundan ko rin. Natakot ako sa nakita ko.
"A-a-a-alexxxa-and-d-dra..." nauutal na natatakot kong sabi.
Sino ba namang hindi matatakot, another her pero parang baliw, punong puno ng dugo, nakasmile na parang gustong gusto niyang nakikita kaming natatakot, sa right hand niya may knife, left hand puro laslas sa wrist at puno na ng dugo, at ang damit niya sira sira...
Namutla kami lalo sa sinabi ng isang Alexandra(yung punong puno ng dugo and stuffs.) "Shhhhhh... she's next." Pabulong niyang sabi habang kaming lahat napatingin sa tinutukoy niya...
"Bakit Millany?" Calm na tanong niya.
Nagulat ako dahil hindi ba niya narinig yun? Hindi ba niya nararamdaman? Lahat kami nakatingin lang sa isa pang Alexandra (alam niyo na) takot na takot sa susunod niyang gagawin.
"Hi-hi-hindi-di mo b-b-a na-na-nakita-ta?" Singit ni Em.
Binigyan lang kami ni Alexandra ng 'anong hindi ko nakikita' look at kumunot yung noo niya.
"Ano ba yun, Em?" Nagulat kami sa tanong niya. Tinuro ko ang likod niya para makita niya. Napabackward na lang si Alexandra na tila hindi din siya makapaniwala sa nakikita.
At biglang tumigil si Alexandra at tumayo ng tuwid. Doon naman ako lalong nagtaka, kanina hindi siya makapaniwala ngayon parang ang calm niya lang.
"We meet again..." sabi ng isa pang Alexandra.
"So, ito pala ang binabalak ninyo?" WHAT THE?!?!?! ANONG NANGYAYARI?!?!
Diana's POV
Ilang Weeks na lang bago gawin nina Austin at Liana ang mission nila, at kahapon ko lang nalaman na taty ni Liana aka Monika ang headmaster sa school na ito. Alam niyo kung pano ko nalaman? Siyempre binasa ko isip niya... hehe. Pero ayun na nga ilang weeks na lang bago namin magawa yung mission.
Sa tingin ko andami pang sikreto dito sa eskwelahan na ito ang dapat naming ibunyag. I'm so eager to know the secrets of this school, so I went to the library to search. And btw we have 2 hours vacant because our teachers have a conference and headmaster said that it will take about 2 hours or so.
Dumeretso na nga ako sa library. Pagkapason ko ng library bumungad saakin ang librarian at linapitan ko.
"Ma'am, saan ko po ba makikita ang history ng MSA?"
"Ah, nasa may left part sa dulo-ah then pasok ka sa-ah room and then-ah right ka naman-ah at-ah sa may bandang-ah gitna at-ah fourth shelve-ah." Sabi niya.
Ano raw?! Ang naintindihan ko lang yung puro ah niya ehh, psh. Sinunod ko naman kahit nalilito ako. Eh! Kasalanan ko ba? Hindi ko maintindihan ehh!!
Basahin ko kaya utak nito noh?! Umupo na lang ako sa bakanteng upuan at ipinasok ang utak. Narinig kong sabi niya "Tama ba? Dulo sa left tapos pasok sa kwarto, then right naman at bandang gitna, pang apat na shelf. Tama ba? Oo tama. Wag ko na nga yun isipin! Si headmaster na lang, yie!! Gwapo niya talaga!! Isang beses nga muntik ko na nakita yung kalalakihan niya sa ba-"
Itinigil ko na agad ang pagbabasa sa isip kasi nandidiri na ako! Yuck!! Pinag-papantasyahan niya si headmaster!! Kadire!!!! Nangilabot katawan ko doon ahh!!! So ibig sabihin muntik na niyang makita yung ano ni headmaster?? YUCK!! ERASE ERASE!!! BURAHIN MO YUN SA ISIP MO!!!
Pinunta ko na lang. Pumunta ako sa dulo, pumasok sa kwarto, pumunta sa kanang bahagi ng kwarto pumunta sa bandang gitna at naghanap sa pang apat na shelves.
May nakita akong libro na nakalagay "History of MSA" ayun na ata yun ehh. Pagkakuha ko nun, maalikabok pa, kaya pinagpag ko muna. Tumingin muna ako sa bakanteng space ng shelf na pinaglagyan ng librong kinuha ko. Maya nahagilap naman akong libro doon, kaya nagtaka ako at kinuha.
Pagkakuha ko nun, tiningnan ko yung title at binasa "The History of Mistique Silverado Academy" nagtaka naman ako. Babalik ko sana ang libro nang may nahulog na papel galing sa libro. Pinatong ko ang hawak kong libro at kinuha ang papel. May pagkaluma na ito kaya iningatan ko. Nagulat ako sa nakasulat sa papel. Hindi makapaniwala. Mommy ito ni Alexandra ah!!
-----------------------------------------
Hide this book Diana, this is the real history of Mistique Silverado Academy. You need to tell this to Alexandra...
-Emma Silverado Park
-----------------------------------------
Author's Note:
GULAT KAYO NOH!!!! Sorry nga pala sa late UD, sa typos and grammatical errors. Ulit, NAGULAT KAYO NOH!!! HAHAHAHAHAHA!!! Mysterious isn't it? Ito yung gusto ko ehh, HAHA!! Salamat dahil binabasa niyo pa rin ang story na ito at patuloy na sinosuporta, hehe tama ba yung spelling? Hehe, sorry kung ang dami kong satsat. Hehe, sorry at salamat po!! Love you all!!! Lovelots!!! :* :3 :D :P
Alam niyo ba (siyempre hindi) puro revisions yung lumalabas nung kiniclick ko yung PUBLISH
-___________- Panira ng araw!! Kung kailan maguUD doon na lalabas yung puro revision restored thingy, psh!! Love you all!!! :* :3~C R Z Y X H Y P R
YOU ARE READING
Dimension: Missing Pendant
Fantasía"My life is so Mysterious that I don't even know my past. But one day, something happens and that's how my adventure started." She's Alexandra Park, ONCE an ordinary girl, who had so many questions in mind. She always wonder about her past, she's al...