Agad akong bumalik sa cottage. Nandoon si Ville, tulala. Ano kayang nangyari?
"Ballsie!" sabi ko sabay tulak sa kaniya
"Bonsie naman eh -_-. Tara nga, doon tayo sa cafeteria." sabi ni Ville at hinila ako papunta doon. Ang tahimik namin. Hindi naman kasi kami ganito dati. Parang... ewan.
Umupo kami doon sa isang table. Saktong tumutugtog ngayon ang Vlox. Ugh! Hindi ko maitatanggi, isa ako sa mga may crush kay Kuya Vynx! Ang ganda ng boses niya. O_O WOOH!
"Hoy Bonsie! Aminin mo nga sa akin..." sabi niya habang nakacrossed arms.
"H-ha? Ang alin?" Alam niya ba ang contract?
"May gusto ka ba kay Vynxen?" tanong niya with a suspicious look. Eh. Hindi ko kayang magsinungaling sa kaniya... Paano kaya 'to? I took a deep sigh at nagsalita...
"Ah eh ang pogi kaya ni kuya Vynxen! Ang ganda pa ng boses." sabi ko
"So may gusto ka nga kay Kuya Vynx?"
"Ah eh... Ballsie, wag ka magaliiiiiit~" sabi ko habang hawak yung kamay niya.
"Ano ka ba balbon?! Boto ako sayo noh! Hahaha! Hindi ako papayag na hipon ang makakatuluyan ng kuya ko! Kahit na bakulaw yun at malaki ang tenga nun, mahal ko yun!" sabi ni Ville
"Eh nakakahiya kaya, Ville."
"Hahaha! Ano ka ba. Bonsie ikaw ba talaga yan?! Kailan ka pa natutong mahiya?! Gusto mo ba pumunta sa bahay?"
"W-wag na."
"HINDI! Sa ayaw at sa gusto mo, sasama ka!" Sabi niya at hinila nanaman ako. Mana sa akin. Hahaha. Manghihila, madaldal at siyempre MAGANDA.
Maganda... Magan--
TSS! Naalala ko nanaman yung bading na yun!
ARGH! I'll kill that gay! May oras ka sa akin, Harvee Kim.
By the way pumunta na kami sa kanila. Bagong bahay daw kasi hindi daw safe ang bahay nila dati. Ang ganda *u* Sila nang mayaman ToT Umupo kami sa sofa nila at nagpadeliver siya ng Fries. 30 large fries. O_O Mauubos ba namin yun?!