--Lizette's POV--
"Lizette, dito ka muna magstay kasama ni Hershee." sabi ni momsie. Isang araw pa kasi ako nagstay dito sa bahay nila mula nang magalit si Harvee
"Ayoko po. Wala na po akong dahilan para manatili dito sa bahay niyo." sabi ko
"Ate Lizzie, please stay nalang here. Sige na... I'm nakikiusap to you." sabi ni Hershee
"Wala po kasing tatao sa bahay namin. Uuwi nalang po ako. Salamat po sa pagpapa-stay niyo sa akin dito, momsie."
"Lizette. Fixed na ang scholarship mo. As a bonus, what do you want to have in exchange for your completion ng kontrata?" tanong ni popsie.
"Hindi na po. Okay na po ako. Makagraduate lang po ako, masaya na ako." sabi ko
"Wag ka nang umalis, dito ka nalang..." sabi ni momsie
"Momsie... Gusto ko po kayong makasama pero nakakabastos po kay Harvee kung dito pa rin ako. At saka... Natatakot po ako sa kaniya." sabi ko.
"Pasukan na next week ah... Saan ka magppracticum?" tanong ni momsie
"Hindi ko pa po alam. 'Yung dean po yata ang mag-a-assign ng place and clinic." sabi ko.
"Saan mo ba gusto? Ako na ang magrerecommend sa'yo." tanong ni popsie
"Kung saan po sana malayo dito sa Manila pero mukhang malabo po 'yun." sabi ko kay popsie
"Gusto mo bang ma-assign sa east asia? I can assign you to Japan. Or even Korea... O kaya sa Taiwan, Hongkong...." sabi ni popsie
"K-kahit saan po. Makalayo lang ako dito."
"Okay... Irerecommend nalang kita sa Korea. Doon ka nalang sa HK Veterinary Clinic sa Seoul branch." sabi niya
"T-thank you po! Salamat po talaga!"
"If this helps you achieve your dreams... Parang anak na din kita... 3 months lang ang practicum mo doon." sabi ni popsie
"Dad can I make lipat din to Korea??" tanong ni Hershee
"Diba sa Clyher ka nag-aaral. Bakit lilipat ka pa?" tanong ni momsie
"Tinransfer ako ni Harvee sa REULHS. Argh!"
"Tiis nalang... Last year mo naman na..." sabi ni popsie kay Hershee
"Pero popsie paano po yun, saan po ako magdodorm pag nagpracticum ako doon?" tanong ko sa kaniya
"May branch ang HK Hotel doon. You can stay there, akong bahala sa gastusin mo during your practicum." sabi ni popsie
"Ay naku, Lizette, sa akin ka nalang magstay. Medyo malayo nga lang ng konti ang bahay namin doon sa clinic. Magba-bus ka." sabi ni momsie
"Ayy wag na po. Nakakahiya na po." sabi ko
"WE INSIST." sabi nilang tatlo kaya napangiti ako.
"Lizette, pagkatapos mo pala sa practicum mo, ready to graduate ka na eh. Dr. Lizette Fuentes." sabi ni popsie.
"Oo nga po eh. Konting tiis nalang po. Sige po pala, mauna na po ako. Uuwi na muna po ako." paalam ko kay popsie
"Sasama kami sa bahay mo." sabi ni momsie
"UNFAIR! DAPAT KASAMA AKO!" sabi ni Hershee
"Eh di ako nalang magdrive." sabi ni popsie
--
Finally nandito na ako sa bahay namin. Pagkatingin ko sa pinto, bakit ganito yung pintuan?! Ang ganda! Hindi kaya nilooban ang bahay namin?! TEKA. KATANGAHAN NAMAN NG AKYAT BAHAY GANG KUNG PAPALITAN NILA NG BAGO ANG PINTUAN NAMIN.