Hello guys! Ako si Lizette fuentes. Madaldal. I'm taking up Veterinary Studies dito sa Clyher University. Scholar ako ng Science Guild. Medyo nanganganib nga lang ako dahil pinag-iinitan ako ng Chemistry Professor ko. -_- Hindi ko naman siya inaano. Kinontra ko lang kasi yung sinabi niya na Diethyl sulfoxide daw ang DMSO. Kaya nga M eh. Dimethyl sulfoxide. Tsk. Painumin ko siya nun eh! -_-
"Bonsie!" tawag sa akin ni Ville, Ang bestfriend kong mana sa kadaldalan ko. Rebelde yan eh. Charot. Kasi hindi niya naman gusto ang veterinary. Ang gusto niya fine arts. By the way, she is Ville Gonzales. (vil gon-za-les). Napaka-popular niya sa school of veterinary studies dito sa Clyher University. Leader kasi ng dance troupe. Kapatid pa siya ng lead singer ng bandang Vlox. (V-loks)
Speaking of kuya niya. >_< Crush ko si Kuya Vynx! His name is Vynxen Gonzales (Vin-sen gon-za-les). Pogi nun! Tangkad pa! Ang ganda pa ng boses! Wahhhh! Siya na talaga. Nakakainlove kaya si Kuya Vynx!
Back to reality muna tayo.
"Ballsieeee! Pumayat ka!" sabi ko. Bonsie at Ballsie kasi Bal at Bon. Balbon. Hahaha. Trip lang namin.
"Pumayat daw! One hour ago lang nung huli tayong magkita!" sabi niya sabay pout. Ang ganda niya naman kasi eh. Pag ako nagpout sasabihan pa ako ng masagwa mukha ko -_-
"Hahaha ikaw talaga Ballsie, binibiro ka lang naman e :P" sabi ko. Tapos ayun nagpunta kami sa catwalk ng Clyher U. Ang peaceful kasi dito. Best place to relax and to study sabi nga nila.
Siyempre, gagawin na namin ang orasyon namin, sasalampak sa parang cottage dito na may foam yung sahig. Hahaha. Relax. Relax. Chemistry ang next subject namin kaya kailangan kong kumalma. Nababadtrip ako sa mukha ni ma'am eh! -_-
*Ring-Ding-Dong* Calling the attentions of Mr. Aiden Chua and Mr. Fibb Chua, please proceed to Student's Affairs Office; Ms. Lizette Fuentes to the dean's office. *Ring-ding-dong*
Wew ang sarap talaga tumambay dito. Sana nandito din si Kuya Vynx. LANDIIIIIII :""> Hahahah! Eh sa ang pogi eh!
*Ring-Ding-Dong* Ms. Lizette Fuentes to the dean's office now. *Ring-Ding-Dong*
Wait, ano daw? Ako? PInapatawag? Ng Dean? Shocks. ito na nga ba ang sinasabi ko eh.Oh my god. Hindi ko na alam ang gagawin ko pag natanggalan ako ng scholarship.
NO.
MALI.
Hindi ako matatanggalan ng scholarship. Tiwala lang. Hindi ako papabayaan ni Lord..
Bumangon ako sa kinahihigaan ko at iniwan ko muna si Ballsie sa loob. Ang sarap ng tulog niya eh! Hahaha. She's snoring but hindi malakas. Maririnig mo lang pag dinikit mo yung tenga mo sa bibig niya.
Agad akong pumasok ng dean's office kasi four times na nasabi yung pangalan ko sa announcement. Ugh -_- Baka nireklamo ako ng prof namin sa Chem. -_-
"Good morning Sir Cervantes." sabi ko at umupo sa upuan sa harap ng desk niya.
"Miss Fuentes, have you read the email I sent you?" ha? e-mail? Ano yun? Hindi pa ako nakakapagbukas ng e-mail. O_O Busy kasi ako sa thesis.
"Po? Ano pong e-mail, dean?"
"The scholarship grant from the university president." OMG sinasabi na nga ba o_o
"Bakit po, may problema po ba?"
"Ah Miss Fuentes... Kasi hindi pumasa 'yung grades mo sa Chemistry sa requirement." Hindi lang naman pala ako pumasa. WHAT?! Chemistry ko pa talaga?! Argh! Sinasabunutan ko na sa imagination ko si Ma'am Penguin! Ugh! She looks like a penguin. I hate her!