22. VetCamp 2.0 : Forbidden

1.9K 40 2
                                    

--Lizette's POV--

Maybe it's wrong. Definitely this is sooooo wrong. Maling-mali. We're on the same room. Pero apat na tao naman sa iisang kwarto. Kasama namin ni Heaven 'yung isang taga-HPU at 'yung taga-REU na lalaki. Hindi ko siya kilala. Inter-schools kasi 'to kaya may kasama kaming ibang school.

"Cupcake, ako na magtatago ng susi diba?" sabi niya sa akin.

"Oo. Baka kasi ma-misplace ko eh." sabi ko naman.

"Magboyfriend kayo?" tanong nung taga-HPU.

"H-hindi. Boyfriend ko kuya niya." sabi ko sa taga-HPU

"Ow... Ako nga pala si Sherwin Fortalejo. You?" sabi niya

"Lizette Fuentes. Siya naman si Heaven Kim." sabi ko at nakipagshake hands sa kaniya.

"Ikaw, kuya, hello!" sabi ko sa taga-REU at lumingon naman siya sa amin.

"I'm Kristephen. From REU." sabi niya at nakipagshakehands.

Inayos namin mga gamit namin at maya-maya ay may dumating nang usherette.

"Good Morning Ma'am and Sir. I'm Pink Buenavista of Adelaine Hotel. Is this the room of Mr. Kim, Heaven. Ms. Fuentes, Lizette. Mr. Fortalejo, Sherwin Louis. and Mr. Wu, Kristephen?" tanong nung babae

"Yes. Why?" sagot ni Kristephen hahahaha Kristephen. Wala lang natawa lang ako sa pangalan niya.

"Pinapatawag na po kayong lahat sa pavilion for the opening program. I'll guide you po. I'll wait you here." sabi ng usherette. Ang ganda niya srsly. Kaso mukhang mataray. Hahaha. After namin mag-ayos, pumunta na kami sa pavilion and WOWWWWWWWWW ^Q^ Ang gandaaaaaaaaaaaaaaa!

Dahil nga boring ang opening program -_- inaantok ako. Holyfark. -_- Yuko nalang ako, tama. Yuyuko ako. Maya-maya may kumalabit sa akin.

"Liz, gusto mo mag-stroll along the beach?" sabi ni Kristephen. Hahaha.. Natatawa talaga ako sa pangalan niya ewan ko ba!

"Pwede ba yun?" tanong ko.

"Oo. Isama mo na din yang boyfriend mo."

"Hindi ko nga siya boyf--"

"Hindi mo boyfriend pero kung makatitig sa'yo halos matunaw ka na. Tsk. Ano, game kayo?"

"Game." sabi naman ni Heaven.

Kaya eto kami, imbes na nakikinig doon, naglalakad. Siyempre ang suot ko naman ay shorts na maong tapos t-shirt. Yung mga lalaki naman, naka shorts na mahaba tapos t-shirt. Hahaha. Ready to fight na eh noh. Habang naglalakad, nagkwentuhan kami ni Kristephen. HAHAHAHA!

"Ah Kristephen... May girlfriend ka na?" tanong ko sa kaniya

"Oo. Kaso, kakabreak lang namin." sabi niya

"Oh... Sorry... Pero curious lang ako... Anong dahilan?" tanong ko sa kaniya.

"Ito." sabi niya sabay pakita ng singsing na suot niya.

"Anong ibig mong sabihin?"

"I'm engaged. Kahit mahal ko siya, kailangan ko siyang pakawalan at ilayo sa akin. Habang tumatagal kami, lalo lang namin pinapahirapan ang sarili namin." sabi niya.

"A-ah... Pero siguro, ginawa mong makipaghiwalay sa kaniya para sa ikabubuti ng lahat diba?" tanong ko sa kaniya

"Oo. Hindi ako bibitaw kung hindi dahil sa ipapahamak siya ng pamilya ko. Wala eh. No choice ako. Ngayon, hindi pa kami magka-ayos. Ayaw akong pansinin. Sino bang hindi magagalit? Pero wala eh, ang unfair niya. Hindi niya ako pinaniwalaang ginawa ko ito para sa ikabubuti niya." sabi niya

"Mahirap pala talaga, ano?" sabi ko sa kaniya

"Bakit, hihiwalayan mo ba si Heaven?" tanong niya

"Hindi ko nga siya boyfriend. 'Yung kuya niya nga."

"So hihiwalayan mo yung kapatid niya?"

"H-hindi ko alam."

"Ano bang problema? Third party?"

"Hindi naman... Kasi... May malaki akong kasalanan" sabi ko sa kaniya at umabot na sa puntong naikwento ko na pati ang tungkol sa kontrata. Mapagkakatiwalaan naman siguro si Kristephen.

"Alam mo, hangga't maaga pa, itigil mo na. Tama na..." sabi niya sa akin

"Pero ayoko siyang saktan..."

"Kung ayaw mo siyang masaktan, sana hindi mo pinasok ang kontrata. Let's say dati, ayaw mo sa kaniya. Ngayong naging close kayo kahit papaano, kung ayaw mo siyang mas lalong masaktan, tama na... Itigil mo na." sabi niya

"S-salamat."

"Sus. Wala yun!" sabi niya sa akin

I've decided. Maybe after the camp, ibe-break ko na siya... Tama. After the camp.

"Cupcake, tara, upo tayo dito." sabi ni Heaven habang nakaupo sa pampang ng beach. Umupo kaming apat doon. Nagpicture pa nga kami eh. F3 daw sila. Ako daw si Shan Cai. Mga baliw talaga. Inupload agad sa instagram. -_-

Hinawakan niya ang kamay ko. Napangiti naman ako. >///< Ito ang tinatawag na kilig vibes eh. Nakwento ko na din pala kay Kristephen na gusto ko nga si Heaven. Ang payo niya sa akin? Wag mo nang ituloy yan Lizette. Hindi magandang kapatid pa mismo ng boyfriend mo ang syota mo. Pero nasayo pa rin ang huling desisyon. Kung bibitawan mo si Heaven bago pa kayo makabalik ng Manila. 

Totally, isang buong araw kaming hindi nagparticipate sa camp. Okay lang. Wala naman daw silang pakialam sa participation. Attendance lang kailangan nila. Eh sakto pa man ding isang araw lang ang activities at ang one day and two nights namin ay free time slash Happy weekend. Hapon na kaya bumalik kami ng room namin at naligo. Aba. Amoy araw na kami.

"Bar hopping tayo?" sabi ni Sherwin.

"Game ako diyan." sabi naman ni Kristephen. Akala mo walang jowa eh noh, Hahaha. Hindi niya daw kasi mahal ang fiancee niya. Baliw talaga.

"Kami din." sabi ni Heaven. 

"Hep hep hep! Lamon muna tayo ng dinner bago mag bar hopping!" sabi ko sa kanila at tumango naman sila. May nakaready nang pagkain sa hotel suite namin kaya kumain na kami. At nagsimula na kaming magbar hopping. Ang lalakas uminom ng mga to! 

Harvee Kokokrunch calling...

"Hello?"

"Nasaan kayo? Bakit ang ingay diyan?" tanong ni Harvee

"Ah nasa resort lang."

"Okay. Just called to check you. I miss you Honeystars" sabi niya. >//< 

"I-I miss you too."

"Sobrang ingay naman diyan. Pakausap naman kay Heaven." sabi niya

"Ah eh... Ano kasi..." sabi ko sabay baba ng call. Paano ko ipapakausap si Heaven kay Harvee eh lasing na lasing silang tatlo. Putek na yan. Sabihin ko nalang kay Harvee nalowbat ako. Tama. Nalowbat ako.... Umorder ako ng tatlong 1.5 na soda. -_- Papainom ko sa kanila yan mamaya! Aba! Sinusuwerte sila?! Papasok sila ng suite na amoy alak?! -_-

"Lishwette." sabi ni Heaven at nag-attempt siyang halikan ako pero natulak ko siya. Lasing na siya. Badtrip. Shet.

"Shut up. Amoy alak ka."

"Shige naaaaaa"

"This is wrong." sabi ko sa kaniya

"Sho what kung fforbidden..." sabi niya kaya binatukan ko siya. Wala siya sa sarili niya. Nababaliw na ba siya?!

"L-Lishwette. P-fakuh-ha ak-ko ng hangover m-medishin sa bulsa ko." sabi ni Kristephen.

"Saan? Sa kaliwa o kanan?"

"R-right." sabi niya kaya pasintabi po sa gummy bear niya at kinuha ko ang gamot. ABA! ISANG BANIG NG HANGOVER MEDICINE! ADIK SA ALAK! Pagkatapos noon ay ininom na nilang tatlo yung gamot at bumalik na kami ng suite upang magpahinga...

Ang Boyfriend kong Manly [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon