--Harvee's POV--
Teka. 9pm na pala. Kakatapos ko lang mag shower. Well, dahil nakasanayan ko na to, chineck ko yung phone ko.
1 missed call from HoneyStars
Hala! Bakit kaya tumawag si Liz? Di kaya napindot lang? Hindi na nagtext eh. :/ Bahala na. Pero... Parang may mali eh. May mali talaga. Hindi ako mapakali dito kaya agad din akong lumabas ng bahay at nagdrive papunta sa kanila.
Teka. Bakit ang dilim dito sa kanila? Bakit puro kandila? Malamang, brownout.
*knock knock knock*
A-ano yun? Parang may umiiyak.
"Liz!" sigaw ko habang kinakalabog yung pintuan nila.
"Liz?! Are you alright?!" sigaw ko habang kinakalabog yung pinto. Nakiusyoso na din ang mga kapitbahay nila.
"Iho, sirain mo na yung pinto nila. Naku baka ano nang nangyari dun. Siya pala yung nag-iiyak. Akala namin pusa lang." sabi ng kapitbahay. What the heck! Pusa?! Mukha bang pusa ang HoneyStars ko?!
Binalibag ko ang pinto. JOKE. Sinipa ko ito ng malakas. Nasira ko pa yata. Pagkapasok ko, wala man lang ni isang kandila o flashlight.
"WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHH!" sh*t! I'm sure it's Liz. Ginamit kong flashlight ang phone ko at sinundan ang pinanggagalingan ng iyak.
"Liz!!!" sabi ko nang makita ko siya sa sulok ng kwarto niya.
"Heaven!!!" Sigaw niya at napatakbo siya papunta sa akin at... >///< Ano ba Harvee, nagawa mo pang kiligin sa sitwasyon! Niyakap niya ako. She must be really scared. Hindi siya maghi-hysterical ng ganito kung takot lang siya sa dilim o sa multo.
"Shh, enough... I'm here." sabi ko habang hinahaplos yung likod niya.
"K-kasi.. WAAAAAAAHHHHHHHHHHHHH!" sabi niya. Is she Nyctophobic?
"Shh... No one can harm you, nandito ako sa tabi mo." sabi ko at inalalayan siya hanggang makalabas ng bahay nila. Matatalim ang tingin sa amin ng mga tao. Wala silang pake. Pinaupo ko siya sa shotgun seat pero hindi agad ako sumakay.
"Sino po bang kaibigan dito ni Lizette? Mag-iiwan ako ng 15 thousand. Pakigawa nalang yung pintuan. Salamat." sabi ko at sumakay na.
Habang nagdadrive ako, napatingin ako sa kaniya. She's shaking and tulala na nakaharap sa bintana. Pagkadating sa mansion, pinaupo ko muna siya sa sofa ng living area.
"L-Liz anak, ayos ka lang ba?" tanong ni momsie. Hindi pa rin kumikibo si Liz. She's still shaking.
"Mom, i-akyat ko lang saglit si Liz sa kwarto ko." sabi ko at tumango naman si mommy.
"Honeystars... Okay ka na ba? Here oh, inom ka ng water." sabi ko pero tinitigan niya lang yung baso.
"H-honeystars. Pansinin mo naman ako." sabi ko pero wala talaga. Nakatingin siya sa kawalan. I immediately called a doctor to examine her. Wala naman daw sakit si Liz. Baka daw dulot lang ng sobrang pag-iisip, stress, at sumabay pa yung severe phobia niya sa dilim. Ininjection-an siya ng pampakalma kaya hindi nagtagal ay nakatulog din siya. Nilagyan din siya ng IV dahil madaming fluid ang nawala sa katawan niya. I sat on the other side of the bed. Malaki naman yung kama. I just watched her magdamag. Until may kumatok.
"Kuya, magpahinga ka na, kami na ni Hershee magbabantay." sabi ni Heaven na may bitbit na mga unan.
"If you want to stay here, sa lapag kayo matulog." sabi ko.
"Ha, if you think na ikaw matutulog sa kama, sa floor ka mag-sleep." sabi ni Hershee. Sinamaan ko siya ng tingin at na-gets niya na din agad ang gusto kong sabihin.