5. Weekend Getaway 4.0 : Torpeaven = Torpe + Heaven

1.7K 46 7
                                    

A/N:

Namiss niyo ako noh?! Ay hinde? Sorry naman po feeler lang ako. Hahahhaa. Naks naman nagbabalik si future engineer (tiwala lang gagraduate din ako) hahaha! Love you all. Hahahaha.

--Heaven's POV--

Long time no paramdam diba? Hahahaha. Dito kasi ako sa Subic lumipat para asikasuhin 'yung hotel ko. Hahaha. Oo, ako na ang may-ari and I'm planning for an expansion. Maglalagay ako sa Bulacan dahil nanalo na ako sa bidding ng lupa. Siyempre hindi ko malilimutan ang profession ko as a veterinarian. Nagvovolunteer ako sa hospital sa Japan pero almost twice every three months lang ako pumupunta dahil busy ako dito.

"Love, bilisan mo nga kumilos. Anong oras na oh!" sabi ko sa kaniya habang nakaupo ako at nagbabasa ako ng mga biodata dito sa desk ko.

"Tsk. Kala mo kung sino kang unggoy ka! May pa-secretary secretary ka pa! Secretary-hin ko yang mukha mo eh!" sabi niya. Kita niyo tong babaeng to. Pasalamat siya dahil may utang na loob ako sa kaniya kundi kanina ko pa to nabatukan -_-

"Tsh." sabi ko nalang at napasmirk siya. Akala niya siguro na-take over niya ako. Ayoko lang talagang dumaldal.

"Teka nga. Kaano-ano mo yung lalaki kagabi?" tanong niya

"Madaming lalaki sa kwarto kagabi." sabi ko

"Ano bang pangalan nun?" sabi niya at nagkamot pa ng ulo

"Huwag ka nga magkalat ng kuto dito sa opisina ko." sabi ko

"Hah! Kuto ka diyan! Excuse me, kung may kuto lang ako, malamang nilipat ko na lahat sa ulo mo." sabi niya

"Ewan ko sayo! Teka sino dun? Si Chance? Si Fen? Si--- Ah.... Yung naka-eyeliner na pula ba?" sabi ko. Si Burn kaya yun?

"Ah oo. Ano nga ba pangalan nun?" tanong niya sa akin.

"Bakit mo inaalam?" tanong ko sa kaniya

"Eh nakalimutan ko eh.. Nung nagpakilala siya kagabi... Shawn ba yun? Jon? Donn? Bon? Bert?" sabi niya kaya nagpipigil ako ng tawa habang nakatakip sa mukha ko yung folder.

"Bert. Bert itawag mo sa kaniya." sabi ko sa kaniya at tumango-tango naman siya.

"Ohhh.. Okay Bert pala..." sabi niya

"ARAY! TANGINA! ANO BA!?" sigaw ko. Hinampas ba naman ako ng iPad sa ulo eh.

--Love's POV--

Hello po. I'm Love Raine Zamora. Pang Korean drama lang ang pangalan ko. Hahaha. Ako ay isang businesswoman. Isa ako sa mga major stockholders ng hotel na to. Pero yung conceited CEO kasi ng hotel na to, pinakilala akong sekretarya niya. Medyo gago 'di ba? Eh kung ibenta ko kaya sa kompanya ng mga Buenavista ang shares ko? Tsh. Pero siyempre hindi ko gagawin yun. Mabait akong bata. Hahaha.

"Bert. Bert itawag mo sa kaniya." sabi sa akin ni Hell. Hell kasi ang tawag ko kay Heaven. Di kasi bagay sa kaniya ang pangalan niya. Hahaha. Uy secret lang natin yun ha! Teka. Ginagago yata ako ni Hell ah! Bert ka diyan?! Naalala ko na! Burn! Burn ang pangalan niya!

"Ohhh.. Okay Bert pala..." sabi ko at lumapit sa kaniya tapos hinampas ko ng mahina sa ulo niya yung iPad ko. Pero... Medyo napalakas yata o_o Shit!

"ARAY! TANGINA! ANO BA!?" sigaw niya

"Minura kita?!" sigaw ko sa kaniya at inirapan siya

"Tangina ikaw pang may ganang magalit! Shit! Ang sakit talaga. Hayup ka!" sigaw niya sa akin habang hawak ang ulo niya.

"O-oh my god..." sabi ko at nilapitan ko siya. Gosh! Bakit ganun?!

"A-ang s-sakit... H-hindi ko na kaya..." sabi niya habang hawak yung ulo niya. Hinawakan ko ito at medyo hinilot ko ng konti. W-wala namang bukol pero bakit masakit?! Hindi kaya...

"Oh my--shit! Kasalanan ko to. I'm sorry! I'm really sorry! Wait! Tatawag ako ng medic." sabi ko at hahawakan sana ang phone pero bigla niya akong hinila ng malakas na dahilan para mahulog ako sa ibabaw niya.

"D-don't... I-I think... I-I'm dying." sabi niya O_O Fck!

"W-wag! Oh my god! No! Teka. I'm going to call---" sabi ko pero mas hinigpitan niya ang pagyakap sa akin na dahilan para magkadikit ang ilong naming dalawa.

"L-let's stay like this for a while." sabi niya sa akin

"Wait. I need to--" sabi ko pero bigla niya akong...

"WHY DID YOU DO THAT?! BASTARD!" sigaw ko at iniwanan siya doong mag-isa.

--Harvee's POV--

Kasama ko si honeystars na bumalik sa suite at ang galing, mga kababayan, tulog pa po silang lahat. -_- Pero wala si Heaven at yung Love. Naligo kami saglit at pumunta sa 5th floor. Papasok sana kami ng office ni Heaven ng biglang lumabas si Love ng umiiyak galing sa office niya at pinupunasan yung bibig niya ng tissue.

"What happened?!" tanong namin ni honeystars kay Love

"N-nothing." sabi niya at tumakbo papuntang elevator. Hinawakan ko yung doorknob at binuksan ko yung pinto ng office at..

"Fck! Fck! Ang tanga tanga ko! ARGH!" sigaw ni Heaven kaya pumasok kami sa office niya ng tuluyan.

"Hey." sabi ko at umayos siya ng upo.

"What brings you here?" sabi niya at inayos ang sarili.

"Bakit umiiyak yung secretary mo?" tanong ko sa kaniya.

"What brings you here nga?" tanong niya sa akin.

"Sagutin mo nga ako ng maayos, Heaven! Ano nga nangyari?!" sabi ko pero medyo napagtaasan ko siya ng boses kaya pinisil ni honeystars yung kamay ko.

"Hinalikan ko." sabi niya.

"Girlfriend mo ba?" tanong ko.

"H-hindi."

"Mahal ka ba niya?"

"M-may iba siyang gusto." sabi niya

"Mahal mo ba?" tanong ko at nanlaki ang mata niya at tumingin sa akin. I knew it. Hahaha.

"H-hindi no!!! Ano siya?! Sinusuwerte?!" sabi ni Heaven

"Alam mo, kung kapatid ko lang si Love, sinapak na kita kasi napaka-gago mo. Hindi mo mahal, hindi ka mahal, hinalikan mo. Ano palang dahilan mo? Unless kung denial ka." sabi ko sa kaniya.

"W-wala nga akong gusto sa kaniya." sabi niya.

"Bakit nag-s-stutter ka kung wala? Tsk. Malala na yan bro. Umamin ka na sa kaniya. Nabastos mo yung babae, bro." sabi ko sa kaniya.

"Oo nga pala, Heaven... Babalik na kami ng Manila. May pasok na si Haruki bukas eh." sabi ni Honeystars kay Heaven.

"Maiiwan ba si mom at dad?" tanong ni Heaven

"Nope. Babalik daw yata sila ng Qingdao kasi may aattendan daw na kasal." sabi ko.

"Eh si Hershee at yung boyfriend niya? Mga Vlox?" tanong niya

"Ah sila Hershee at Winter, uuwi na din. Yung vlox, hindi pa yata. Bakit?" tanong ko

"Ah n-nothing. I wanna go back to Manila too." sabi niya

"Sige pala mauna na kami. Ingat kayo ha. Good luck bro." sabi ko at niyakap niya ako. Akmang yayakapin niya si Honeystars pero kinarate ko yung kamay niya

"Possessive ka masyado bro. Hahaha." sabi ni Heaven at sinamaan ko siya ng tingin at tinaas niya yung dalawang kamay niya

"Oh bro, suko na ako. Suko na oh. I surrender." sabi niya habang tumatawa pa.

"Oy gago ka bro, umamin ka na dun kay Love." sabi ko.

"I'll think of it." sabi niya

"Huwag mong isipin. Gawin mo." sabi ni honeystars kay Heaven at bumalik na kami sa suite para ibaba na yung mga gamit at makapagcheck out na.

Ang Boyfriend kong Manly [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon