--Lizette's POV--
Ang ganda talaga dito sa Korea. I'm living with momsie dito sa bahay nila. Nakakahiya nga eh. Okay naman ang flow ng practicum. Masaya. May papables everywhere. Landi ko diba? One month na din pala mula nang umalis ako sa Pilipinas. Dalawang buwan nalang... Babalikan ko si Harvee. Kakapalan ko na ang mukha ko. Nabalitaan ko kay popsie na nabasa na daw pala ni Harvee yung sulat ko. Hinahanap daw kung nasaan ako. Wala daw siyang choice kaya sinabi niya kay Honeystars na nandito ako sa Korea. Gusto daw makipag-usap sa akin ni Harvee pero natatakot pa ako. Hindi pa ako nakakapag-ipon ng lakas ng loob na harapin siya.
Puro Koreano kasi mga kasabay ko dito sa HK Veterinary clinic. Except sa isang Chinoy na kasama ko dito. Hulaan niyo kung sino!
Hindi si Heaven kasi sa Japan siya naka-assign. Si Ville naman sa Taiwan.
Eh di si Mr. Galing-sa-REU. Si Kristephen. Kinausap niya ako kahit na pauwi na sana ako.
"Hoy Lizette! Okay ka lang?!" sigaw niya sa akin tapos kinapa yung noo ko.
"Okay lang ako. Humihinga pa ako." sabi ko sa kaniya
"Adik ka kamo. Namumutla ka kaya." sabi niya sa akin.
"T-talaga?"
"Tignan mo pa sa salamin." sabi niya. Tinawag niya din si Stella. Si Stella Choi, kasama namin sa clinic, pure Korean siya. English name niya lang yung Stella. Lumapit naman siya sa amin
"Oh? Are you alright? You are pale." sabi sakin ni Stella. Nagpasama ako sa kaniya sa cr para tignan yung sarili ko. Shit! Namumutla nga ako. Bakit parang wala namang masakit sa akin... Bukod sa ulo ko na araw-araw sumasakit dahil siguro sa migraine.
"Lizette, do you feel bad?" tanong ni Stella sa akin.
"No... I'm oka--" sabi ko at napayuko ako sa sink sa harap ng salamin. Hinaplos haplos naman ni Stella yung likod ko. Nasusuka kasi ako pero walang lumalabas. Nakulam yata ako. -_- O baka naimpatso ako kasi kumain kami kagabi sa eat-all-you-can restaurant. Hindi yata ako natunawan.
"What do you feel? Have you eaten something bad?" tanong niya at sumenyas lang ako ng wala. Hindi ako makasalita dahil kanina pa ako gani---
--Kristephen's POV--
"Omona!!! KEURISEU! Help!" sigaw ni Stella sa loob ng cr. Napatakbo naman ako papasok. Hawak niya si Lizette na walang malay. F*ck! Anong nangyayari?! Agad ko siyang binuhat at dinala namin siya sa emergency room. General Hospital kasi 'to. Parang Veterinary department lang kami.
"Stella, wait for me here, I'll get her phone on the clinic." sabi ko kay Stella at pumayag naman siyang magpaiwan. Tumakbo ako pabalik ng clinic at hinanap yung phone niya. Teka. Asaan kaya ang guardian niya dito? Puro number ng nasa Pilipinas. Teka. Alam ko na. Pinindot ko yung 010. At lumabas yung number na nakalagay Momsie. Yung nanay niya yata to. Tinawagan ko ito habang naglalakad pabalik ng Emergency room.
"Hello?"
"Good Afternoon, Ms. Lizette. This is Secretary Yoon. Senator Kim is eating at the moment. How may I help you?" Senator kim?! ANAK SI LIZETTE NG SENATOR?! SERYOSO!?
"Ah, This is Lizette's colleague from HK Veterinary Clinic. She's at the Emergency room of the HK General Hospital because she fainted."
"Oh, is that so? Okay I'll report this to Senator Kim immediately." sabi ng Secretary
"Okay thank you."
Hanggang ngayon wala siyang malay. While waiting for the results of the test, may mga bodyguards na dumating.