--Lizette's POV--
It's been a week after that memorable sleepover. Memorable nga ba? Haha. Isang linggo... Isang linggo na pala akong nililigawan ni baklang Harvee. Well... So far... Hindi ko maramdaman.
Nanliligaw nga. Hindi naman siya nagpaparamdam. Kahit man lang Good Morning sa text wala eh. Tch. Bahala siya!
Binuksan ko yung bag ko at kinuha ang isang A4 size ziplock.
The contract. Hayy. Mr. Kim.
1. Be his girlfriend
2. Refrain from letting him wear make-up.
3. Please bear with his attitude.
4. Make him fall for you.
5. Make him love you all his heart.
6. Split up.
Sa number 1 eh nililigawan niya na ako.
Number 2 eh wala naman siyang gaanong make up na.
Number 3 tiis tiis lang naman eh.
Number 4 sinabi niya sakin he loves me daw.
Number 5 eh malay ko ba.
Number 6 dadating din tayo diyan.
Mahirap din pala.
Tiwala lang. Kakatapos lang ng 15th term at binagsak talaga ako ng prof ko. Aba! Papatalo ba naman ang isang Lizette Fuentes? Ibabagsak ko lang naman sana siya sa evaluation ng professors. KASO, DIGITAL NA ANG KARMA! Harvee's dad fired her. KARMAAA.
Sa 16th term, I mean, sa Sixth year first term... Last term na namin dito sa Clyher University. Magsisimula na akong magreview for the licensure exam! Apir! Hahaha! Pag pumasa ako, lilibre ko kayo ng ice cream. Hindi DQ ah! Di ko marireach yun. Hanggang McDip lang tayo. Hahaha!
*unknown number calling*
"Ateeeeeeeeee!" so muntik ko nang mabato yung cellphone ko sa lakas ng boses niya. Sino pa nga ba ang maingay? Eh di si...
"Ate OMG dad just asked me to call you. He wants to make kausap to you right now. Oh dad! Catch!"
"Jusko kang bata ka! Ibato ba naman ang telepono sa akin! Ah eh hello!"