ADL #26: T or A?

36 2 0
                                    

Sam's POV

Siya na naman ang bumawi. Hay! Kinuha ko na 'yong bag ko tsaka lumabas ng classroom. Mabagal ang lakad ko papunta sa gate. Kung anu-ano ang pumapasok sa isip ko. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ako. Galit ako sa sarili ko. Nagmahal ako ng iba pero tutol ang puso ko. Akala ko ba may iba na siya? Bakit sinasabi ng mga mata niyang ako pa rin? Tsk, ang yabang ko naman ata. Pero 'yon talaga eh. Alin ba talaga?

Nakalabas na ako ng gate pero si Trixie pa rin ang nasa isipan ko. Bakit nga ba ako nagkagusto ni Ann? Dahil ba maganda siya? Maputi siya? Yon ba talaga ang dahilan kung bakit gusto ko siya? Bakit kay Trixie, lahat gusto ko sa kanya? Wala akong pipiliin pagdating kay Trixie at wala akong pakialam kung hindi man siya mabait na tao. Puso ang nagturo sa'king magmahal e, at si Trixie ang nakakuha nito. Pero bakit napunta ako kay Ann? Bakit nagkagusto ako sa kanya?

"Hoy! Grabe ka na makapantasya ha! Mana ka talaga sa ex-crush mo." nagulat ako sa biglaang presensya ni Leigh sa likod ko.

"Ex-crush?" kunot noong tanong ko. Tumango naman siya.

"Bakit hindi ba? May iba ka na diba? So, ex-crush. By the way, narinig kong liligawan mo raw si Ann?" natahimik ako. Gusto kong sumagot ng oo pero mas gusto kong isagot ang salitang 'hindi' .

"Hindi dahil mahal ko pa rin ang kaibigan mo...."

"May sinabi ka?" napatingin ako kay Leigh tsaka umiling.

"Wala. Sabi ko, sabay na tayong bumalik sa loob. Tapos ka ng bumili diba?" aish! Buti bulong lang 'yon. Pa'no na kaya kung nasigaw ko?

"Mahal mo pa ba siya?" tanong ni Leigh sa'kin. Naglakad na kami pabalik sa classroom. Lumabas lang siya para bumili ng softdrinks.

"Bakit mo naman natanong 'yan?" tanong ko.

"Hindi mo masasagot ang tanong ng isa pang tanong Sam." sabagay tama siya. Sa halip na magsalita, nagkibit balikat lang ako.

"Wag ka ng magmaang-maangan pa. Alam ko namang mahal mo pa rin siya eh. Aamin ka man o hindi. Magkatinginan lang kayong dalawa alam kong may koneksyon pa rin ang mga puso nyo. Si Trixie man ang unang babawi, alam kong sa loob niya, gusto niyang tumagal ang titig nyo hanggang sa huli. Alam kong mahal mo pa ang bestfriend ko Sam, pero ayaw ka niyang makulong sa kalungkutan kaya pinasabi niyang, pinapalaya ka na niya.

Alam niyang si Ann ang kaligayahan mo kaya hindi na siya nag-atubiling pakawalan ka. Siguro naman naiintindihan mo ang kaibigan ko. Bagay kayo ni Trixie, oo, pero agree ako sa balak niyang palayain ka. Pasensya sa biglaang pagkasabi ko Sam pero ayaw ko na kasing ipaligoy-ligoy pa ang kabigan ko. At mas lalong ayaw ko siyang makitang masasaktan dahil lang sa pag-ibig. Ayaw kong may masaktan sa mga kaibigan ko lalo na't si Trixie 'yon. Mahal namin siya Sam kaya habang maaga pa, papakawalan ka na niya. Malinaw naman siguro ang pagkakasabi ko sa bawat salitang lumabas sa bibig ko diba? Kaya, una na 'ko ha? Gutom pa kasi ako e. Annyeong!" napatigil ako bigla sa paglalakad. Ngayon lang napasok lahat sa utak ko ang mga sinabi ni Leigh.

Mahal niya 'ko? Pero bakit siya bumitaw? Siya nga ba ang bumitaw o ako? Ano ba 'yan! Trixie, mahal pa rin kita!

Trixie's POV

Nag-uusap lang sila habang naglalakad pabalik dito sa silid. Sana nasabi na ni Leigh. Ayaw ko na talaga eh. Ayaw ko ng masaktan. Pagod na rin ako. Mahal ko pa siya pero may iba naman na siya diba? Kaya ano pa bang rason ko para manatili pa sa buhay niya? Tsk.

Pumasok na siya. Umupo siya sa tabi nina Kylie. Paniguradong si Ann na naman ang topic. Pssh. Napairap ako ng wala sa oras.

"Hoy! May kaaway ka ba dyan?" tanong ni Leigh.

A Dim Love (Sequel Of Diary Confessions)Where stories live. Discover now