ADL #52: I Hope So...

16 2 0
                                    

Strangers with memories...

Strangers with memories...

Strangers with memories...

Tsk!

"Hoy!" gulat na napatingin ako kay Veronica. "Ano na naman ba 'yang iniisip mo ha?" hindi ko siya sinagot. Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa sofa tsaka lumabas ng bahay. Sinundan naman niya 'ko. "Ang aga-aga, gagala ka?" hindi ko ulit siya pinansin at pinaandar na ang kotse.

Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Wala akong maisip na lugar.

*rrrrrrrrrrriiiiiiiiiiiinnnnnnnnngggggggg.......*

Sinagot ko ang tawag..

"Oh?"

[Umagang-umaga, nagtataray ka?] narinig kong tumawa si Khariele sa kabilang linya. Nasa resort na sila. Dun na sila until sa wedding nina Ate Veca. Only 1 week left bago ang kasal ni ate. Nakakaiyak at the same time nakakalungkot. Ewan ko ba. Parang kinakabahan ako sa kasal nila. Hindi ko lang alam kung bakit.

"'Nubang kailangan mo?" pagsusungit ko.

[Kakatawag ko lang sa bahay.]

"O, tapos? Paki ko?"

[Taray! Tsk! Wala! Nabanggit lang nilang umalis ka kaya ikaw na lang tinawagan ko.]

"May kailangan ka ba o nangungulit ka lang?! Bilisan mo! Baka mabangga ako dito!"

[Magdahan-dahan ka kasi..]

"Ano na?!"

[READY NA LAHAT DITO! KAYO NA LANG ANG HINIHINTAY!]

"Masakit sa tenga ang boses mo, alam mo 'yun?"

[Ah.. heheh... sorry.. Kailan ba kasi kayo pupunta dito?]

Napaisip ako sa tanong niya. Kung ngayon kaya ako pupunta dun?

----------L💔VE----------

"Pa'no na ang clearance mo? Hindi ka pa cleared diba?" umiling ako. "Konti na lang naman ang wala pang pirma ate.. Sisiguraduhin ko na lang na ma-cleared na ako bukas. Besides, I can't be absent on your wedding day. It means a lot to me. Lalo na't alam kong, medyo malayu-layo ka na sa'min dahil, you'll have your own family soon. So, I better make the remaining days left much more special and memorable." napangiti naman siya.

"Kahit na. Tsaka alam nyo namang, hindi ko kaya kayang iwanan. Kaya kahit magkakapamilya na ako, you're still my babies." nakangiting sambit niya. "Ew ate.. Ang corny!" singit ni Veronica. Inirapan lang siya ni Ate Veca. Natatawang napailing na lang ako. Mamimiss ko talaga si Ate Veca. Ewan kung bakit. Siguro sanay ako na kami lang ang inaatupag niya maliban sa pamilya niya. Ngayong magkakaroon na rin siya ng kanyang sariling pamilya, may kaagaw na kami. Hindi sa nagseselos ako, pero ganun talaga eh. Mapipigilan ko ba 'tong nararamdaman ko?

"Let's eat? It's lunch time!" sabay naman kaming naglakad papasok sa resort.

----------L💔VE----------

"Papasok ka na bukas?" nandito pa rin kami sa resort. As usual, nakaharap ulit ako sa dagat. The sea has always been my friend since my childhood days. No wait, let me rephrase that.. Since birth. Sa tuwing kailangan ko ng makakausap, ang dagat ang lagi kong pinupuntahan. Kahit alam kong sa tuwing kinakausap ko ang dagat, wala akong makukuhang sagot, pero sa paraan ng paglakas ng hampas ng mga alon nito, napapangiti ako. Napapangiti ako sa tuwing naamoy ko ang amoy ng tubig-dagat.

A Dim Love (Sequel Of Diary Confessions)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang