Madilim pa sa labas nang magising ako. 4:25 pa lang ng umaga. Ang lakas ng aircon pero naiinitan ako. Lumabas ako ng kwarto at nagpunta sa pantry. Kumuha lang ako ng tubig at umakyat agad pabalik sa kwarto. Nanood lang ako ng tv nang biglang tumunog ang messenger sa cellphone ko. Kinuha ko 'yon at binuksan ang message.
*Ethan Cruz*
ETHAN: Good morning!
Sorry kung hindi kita pinansin ng ilang araw. Sorry talaga. Ewan ko nga kung bakit bigla na lang akong hindi namamansin eh. Basta ang alam ko lang, miss na kita.. Bati na tayo please?
Naglog-out ako sa messenger pagkatapos kong basahin 'yon. Akala nila sila lang ang marunong mang-seen? Pwes, ako marunong din. Saktong 5 am natapos ang pelikulang pinanood ko. Pinatay ko lahat ng night lamps sa bahay at switch on lahat ng ilaw pati ang chandeliers. Nagluto ako ng agahan tsaka naligo.
Gising na sila nang matapos akong maligo.
"Anong oras kang nagising?" tanong ni Leigh sabay subo.
"4.. Why?" tanong ko.
"Wala lang. Narinig ko kasi sa kwarto ko ang ingay ng tv mo." napailing na lang ako. Pumunta ako saglit sa garden at pinagmasdan ang mga isda sa fish pond.
Saktong pagbalik ko sa loob, naka-ready na sila lahat. Lumabas na kami tsaka sumakay. 15 minutes rin ang byahe papunta sa school kaya makakatulog pa ako kahit konting oras lang.
*****
Nagising ako sa ingay ni Leigh. Inirapan ko na lang. Palagi naman akong sinisigawan nyan e. And speaking of sigaw, siguradong ubos ang mga boses namin mamaya dahil laro na ng basketball.
Pagdating sa classroom, nilagay ko agad ang bag sa upuan ko at nagpunta sa classroom nila Ana tsaka natulog ulit. Bakit ba kasi ang aga kong nagising e, 'yan tuloy ang antok pa..
-----------L💔VE------------
"Mukhang napasarap ang tulog mo ah?" ngumiti lang ako kay Camille.
"Antok pa nga eh." sagot ko matapos humikab.
"Anong 'antok'? 6 hours nga ang tulog mo, inaantok ka pa? Hindi ka nga um-attend ng flag ceremony tapos ang mga laro na-miss mo. Buti wala kang laro kaninang umaga." 6 hours? Ibig sabihin, kaning alas 6 ng umaga pa ako natulog? Anong oras ba kaming dumating dito?
"Anong oras tayo dumating dito kanina?" tanong ko kay Camille na kasalukuyang ngumunguya.
"5:55, bakit?" ah, kaya pala. Umiling lang ako tsaka kumain.
"Bati na kayo?" biglang tanong ni Leigh.
"Bakit mo naman natanong?" tanong ko naman.
"Alam mo bang hindi masasagot ang tanong ng isa pang tanong, Trix?" ngumiti ako saka nagkibit balikat.
"LQ pa rin? Tsk tsk.. Magbati na kasi." sabi naman ni Jeannica.
"Ikaw na lang kaya ang makipagbati kambal?"
"Nanloloko ka ba? Kayo ang may LQ kambal, hindi kami.. Duh!" napailing ako habang nakangiti.
"Ngingiti-ngiti tapos iiyak mamaya dahil masakit.. Tsk." sambit naman ni Joseph.
"Hoy, lalake! Wala kong ginawa sa'yo ha! Tsaka natural lang namang umiyak 'pag nasaktan ah? Bakit ikaw, kung papaluin kita hindi ka ba iiyak?" ngumiti na lang siya tsaka nagpatuloy sa pag kain.
Mula sa kinauupuan ko, nadatnan kong nakatitig sa'kin si Sam. Napataas ang isang kilay ko tsaka umirap. Ba't ba ganyan siya makatingin?
Sam's POV
VOUS LISEZ
A Dim Love (Sequel Of Diary Confessions)
Roman pour Adolescents"Just for once, I wanna be someone's first choice." Bakit gano'n? Bakit palagi akong talo sa pag-ibig? Bakit ako ang palaging bigo? Bakit ako ang nasasaktan ng sobra? Wala na ba akong panahong magpakasaya sa buhay? Sa buhay pag-ibig ko? Palagi na...