Someday, I know this pain will drift away...
Napabalikwas ako ng bangon.
"Aish!" natampal ko ang sariling noo. "Pati ba naman sa panaginip ko, buhay ka pa rin!? Tsk." napailing akong pumasok sa banyo.
Matapos mag-ayos, bumaba na 'ko.
"Yaya, asa'n sila?" tanong ko nang mapansing kanina pa tahimik ang buong kabahayan.
"Sa mall, anak. Sabi nila, sumunod ka na lang daw doon. Mukhang napasarap ata tulog mo ah?" ngumiti lang ako tsaka naglakad na palabas. Sa haba ng panaginip na 'yon, sino ba ang hindi gigising ng tanghali?
Nakangiting umiling ako tsaka sumakay na sa kotse.
*****
"Ano ba?! Kanina pa 'ko ikot ng ikot dito, wala pa ring Shanize ang nakikita ko! Niloloko mo ba ako Shen!?" bwiset! Para na 'kong tangang umiikot-ikot dito sa gitna ng mall! Kanina pa rin ako pinagtitinginan ng mga tao dahil sa pagsisigaw ko.
[What!? Tsk. Umakyat ka nga dito sa 3rd floor!] now, she's talking! Tsk.
"Bakit pa!? Kayo ang bumaba dito at harapin nyo ko! Kanina pa 'ko ikot ng ikot dito, tapos malalaman kong nasa 3rd floor lang pala kayo!? Aba! Marunong ka din ah!" sigaw ko ulit. Narinig kong napabuntong hininga siya bago nagsalita.
[Fine! Fine! Ewan ko sayo!] agad niyang pinutol ang linya.
Di naglaon, nakita ko na siyang paparating sa pwesto ko.
"Siguro naman kumain ka na?" sambit niya tsaka hinalikan ako sa noo. Napairap ako.
"Sino bang hindi magugutom kakahanap sa inyo sa GROUND floor?!" ngumisi siya tsaka umiling. Kinaladkad niya 'ko papuntang 3rd floor.
"Good afternoon Zen! Ba't ang tagal--"
"Don't start!" putol ko kay Veronica. Nagpeace sign lang siya tsaka hinalikan ako sa noo.
"So, what to do next?" nakangiting tanong ni Belle.
Natahimik kaming lahat. Kanya-kanyang iniisip.
"Treat me." utas ko. Napatingin naman lahat sakin.
"May sinabi ka?" tanong ni Windy na alam ko namang narinig niya. Tss.
"Iniwan nyo 'ko dba? You spent 3 hours of shopping without me, so, lahat ng pinamili nyo," sabay turo sa mga shopping bags na bitbit nila, "Bibilhan nyo rin ako. Your treat." sabay kindat.
Bumukas ang bibig ni Khariele para magsalita pero agad niya rin itong tinikom. Sabay-sabay silang bumuntong hininga tsaka tumango. I smirked.
"You owe me, angels." sabi ko sabay kindat.
"Can you stop winking? It's annoying." napatawa ako.
"Quit it, Sandy." sabi ko.
*****
"Yan na lahat? Sure kang wala ka ng ibang bibilhin?" umiling ako sa tanong ni Shanize.
"Iba!? Eh halos lahat na ng tinda dito sa mall, nabili niya eh!" sita ni Khariele na ikinatawa namin.
"You're just being childish, Keli." sambit ni Cindy sabay iling.
"Duh! The hell I care. Let's go home. It's past 5 pm." tumango kami.
A day with them? Not bad.
----------L💔VE----------
YOU ARE READING
A Dim Love (Sequel Of Diary Confessions)
Teen Fiction"Just for once, I wanna be someone's first choice." Bakit gano'n? Bakit palagi akong talo sa pag-ibig? Bakit ako ang palaging bigo? Bakit ako ang nasasaktan ng sobra? Wala na ba akong panahong magpakasaya sa buhay? Sa buhay pag-ibig ko? Palagi na...