ADL #40: Let it be

44 3 0
                                    

4 am nang magising ako. Balak ko sanang mag jogging pero pagod pa akong tumayo.

"Ang aga-aga, tulala ka na naman." sambit ni Veronica.

"As usual." sabi naman ni Ian. Bumuntong hininga ako. Kanina pa maingay yang dalawang 'yan, sakit sa tainga.

"Jogging tayo?" tanong ni Veronica. Tanging tango lang ang sinagot ko. Tumayo siya tsaka naunang pumasok sa walk-in closet.

"Hindi ka ba magbibihis?" tanong ni Ian. Umiling ako.

"Siya lang naman ang magjo-jogging eh." sabi ko.

"Ayaw mo?" tanong niya.

"Magpapahangin lang ako sa dalampasigan."

"Ikaw bahala." sabi niya sabay kibit balikat. "Don na muna ako kina Zea. Ingat kayo." sabi niya sabay halik sa noo ko. Tango lang ang sinagot ko. Tumayo ako nang makalabas na si Ian sa kwarto. Sakto namang lumabas na rin si Veronica.

"Ba't hindi ka pa nagbihis?" tanong niya. Napataas naman ang kilay ko.

"Pa'no ako makakapagbihis, eh lahat ng damit ko nasa loob ng closet."

"Kaya nga. Bakit di ka pumasok?"

"Pa'no ako papasok kung ni-lock mo 'yong pinto?"

"Automatic yan diba?" tanong niya. Umiling ako.

"Ay, sorry." ngumiti lang ako sa kanya.

"Sabay na lang tayo lalabas. Magpapahangin lang ako sa dalampasigan. Puntahan mo 'ko don 'pag tapos ka na mag jogging. Kung ayaw mo, okay lang." sabi ko sabay labas ng pinto.

"Ite-text lang kita." sabi niya. Tumango lang ako tsaka sumakay na sa kotse.

"Teka.." pigil niya kaya napalingon ako.

"May kailangan ka pa?" tanong ko.

"Hindi ka maglalakad?" umiling ako.

"Lalakarin ko yong ikalimang baryo?" tanong ko.

"Ah oo nga pala.. Heheh.. Teka, uuwi pa 'ko dito bago kita pupuntahan don?" tanong pa niya.

"Gusto mo lakarin?"

"Hindi."

"Edi kunin mo kotse mo mamaya." tsaka sumakay na. Matapos kong magpaalam, pinaharurot ko na ang kotse paalis.

----------L💔VE----------

Tahimik na nakamasid ako sa dagat. Nag-iisip ng kung anu-ano.

Walang ingay...

Walang kausap...

Walang away...

Walang bulakbol...

Walang manlalait...

at

Malamig ang simoy ng hangin...

"Kung ganito lang sana katahimik ang buhay ko.."

*****

Ilang minuto na ang nakalipas, tulala pa rin ako. Hindi ako nag-iisip masyado, sadyang maganda lang tignan kaya walang rason para iiglap.

A Dim Love (Sequel Of Diary Confessions)Where stories live. Discover now