ADL #33: Level One

34 3 0
                                    

"Ate!" gulat na napatingin ako sa kapatid ko.

"Ano?!" iritang tanong ko.

"Kain na." pinitik ko ang noo niya.

"Kakarating ko lang, kakain na? Atat ka lang talaga! Baboy!" sabi ko. Hindi ko na hinintay ang hirit niya kaya naglakad na 'ko papuntang kwarto ko.

*****

Bagsak agad ako sa kama nang matapos na 'kong magbihis. Kapagod. Kahit wala akong masyadong ginawa kanina, parang pinapatay ang sistema ko.

Nasa malalim akong pag-iisip nang biglang nag-ring ang cellphone ko.

"Ano?" bungad ko kay Leigh.

[Anong 'ano'? Bumaba ka dito. Palagi ka na lang nagmumukmok dyan sa kwarto mo.]

"Kung ikaw na lang kaya umakyat dito. PAGOD AKO!"

[Alam mo bang nakakarinig 'tong kausap mo? Hoy, Trixie! Hindi ako bingi ah! Wag mo kong sigawan!]

"Bakit? Sumigaw ka rin naman ah?" narinig kong bumuntong siya sa kabilang linya.

[Chat kayo?] ilang sandali rin bago ako sumagot...

"Hindi kami close." sabi ko na lang.

[Nanloloko ka ba? Halos araw-araw na nga kayong nagpapalitan ng message, sasabihin mo pang hindi kayo close?]

"O."

[Wow! Buti hindi mataas 'yong sinabi ko.]

"Hmm.."

[Hoy!] agad kong nilayo ang cellphone ko sa tainga.. Grabe talaga 'tong babaeng 'to.

"Oh?"

[Ba't ba ang tamlay mo?]

"Pagod ang tao."

[Chat na kasi.]

"Ayoko."

[Chat na!]

"Ayoko nga sabi eh." tigas rin ng ulo nito eh.

[Chat nga!]

"Eh kung ikaw na lang kaya!"

[Ayoko nga. Kayo ang close, ako ang pinapa-message mo.]

"Kanina pa 'yang tigas ng ulo mo eh."

[Bakit hindi ba matigas 'yong ulo mo? Mana ka naman sakin ah?]

"Bye!" sabay end ng call.. Loka! Pagod na nga ang tao, sinisigawan pa. Tsk.

*****

"Chat na kasi!"

"Ayoko nga sabi eh!" hinampas ko siya ng unan sa mukha.

Matapos kong in-end ang call, mga ilang minuto rin, bigla na lang napadpad 'to dito sa kwarto ko.

"Bakit nga? Kasi hindi kayo close? Ay hindi magandang excuse 'yan." sabay iling.

"Heh! Tumabi ka dyan! Manonood ako."

"Ayoko nga."

"Edi wag. Hindi kita pinipilit." pagkasabi ko non, tumayo siya tsaka lumabas ng kwarto.

"Sinabi ko lang tumabi, nag-walk out agad?" napailing na lang ako.

Nanonood lang ako nang sumulpot na naman ang loka-loka kong bespren.

A Dim Love (Sequel Of Diary Confessions)Where stories live. Discover now