ADL #48: Sunset

17 2 0
                                    

I love you... And it will always be you..

It will ALWAYS be you..

It will ALWAYS be you..

Napabalikwas ako ng bangon at habol ang hiningang natampal ang noo. "Argh! 'Ba naman 'yan!" inis na tumayo ako at naglakad papasok ng banyo.

----------L💔VE----------

"Ang tahimik mo na ata?" dahan-dahan akong napalingon kay Marie. Tinitigan ko lang siya saglit at umiwas agad ng tingin. "Alam mo," tumango ako kaya nagpatuloy siya. "Simula nung pagbalik mo after your 3 weeks vacation," tumango ulit ako. "Ang tahi-tahimik mo na." mahinahong sambit niya kaya napatingin ako sa kanya. "Talaga?" walang gana kong tanong. Malungkot na tumango siya. Nagkibit balikat lang ako tsaka tinuon muli ang atensyon sa labas ng bintana.

Tahimik lang akong nakamasid sa labas. Pansin kong natahimik si Marie kaya nilingon ko siya. Nakatulog ka pala. Hindi ko na siya inistorbo at tinuon ulit ang atensyon sa labas. Habang busy akong nakatingin sa kawalan, biglang may dumaan sa harap kaya tumingin ako sa likod para tingnan kung sino 'yon. Muntik na akong mahulog sa pagka-indian sit ko sa silya nang malaman kong siya 'yon. Tsk. Inis na ginulo ko ang buhok ko tsaka nagmuni-muni ulit. Dumaan ulit siya sa harap kaya napakurap ulit ako. This time, hindi na ako nainis. Ewan ko ba kung bakit. Ang alam ko lang, nakangiti na ako: ngiting malungkot. Napatingin ulit ako sa labas ng bintana hanggang sa napako ang paningin ko sa canteen.

I smiled as memories came flashing back😊💔 Ang mga ala-alang kahit kailanma'y hinding-hindi ko malilimutan.

Dahan-dahan akong tumayo at lumabas ng classroom. Malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko bago pumikit at ninamnam ang malamig na hangin. Nasa ganung posisyon ako nang biglang may tumabi sa'kin.

"How's sleep?" ngumiti lang si Marie sa'kin tsaka hiniga ang ulo sa balikat ko. Ngumiti lang ako tsaka napatingin ulit sa may canteen.

"Why are you smiling?" hindi ko siya sinagot. Nanatiling nakatingin lang ako sa canteen. "You're reminiscing those days huh? The first day when you both first met each other." malungkot na napangiti ako. Yes, I'm still affected and at the same time, I'm still in pain. "Sa lugar na 'yan mismo. The place may not be romantic, but you both, made it romantic enough." lalo akong nalungkot sa sinabi ni Marie. I stood still and listened to every word she said. Hinayaan ko lang siyang magdaldal dyan. "Sinabi mo sa'min, na dyan mismo sa lugar na 'yan, nabuo ang closeness nyo. Sa lugar na 'yan kayo nagkakilala. At sa court na 'yan?" nilipat ko naman ang tingin ko sa court. "Is the place where you realized, he's the one." biglang kumirot ang dibdib ko pagkasabi niya nun. "September 28, 2016. 6 o'clock in the evening." napayuko ako. I thought that memory is the best, but I thought wrong. It is the saddest memory I had in my life: when I realized I already fell for him.

"Unnie..." tawag niya pero tinanguan ko lang siya. "Kahit palagi mong sinasabing, walang kathrill-thrill ang love story nyo, para sa'kin, para sa'min, it's the best love story we ever heard maliban sa parents natin/namin." I smiled bitterly. "If you thought that day was the worst, then you thought wrong. Ikaw pa nga ang nagsabi sa'ming pinakadabest yun eh. Pero ngayong nasaktan ka na, binawi mo. Hindi porket nasaktan ka, Unnie, eh babawiin mo lahat ng sinabi mo. Kahit baliktarin natin ang mundo ng paulit-ulit, we know deeply in your heart, nakatatak na ang araw na 'yon as the best! The day when you realized you already fell for him? That was the best day of your life! Pero binawi mo dahil nasaktan ka. And you even felt sorry for yourself dahil pinaasa mo ang sarili mo ng paulit-ulit. Don't be, Unnie. Nasaktan ka lang, hindi ka nawalan." nanlumo ako sa huling sinabi niya pero hindi ko ito pinahalata. "Kahit sumuko ka, hindi siya mawawala. Dahil sumuko ka lang, hindi ka bumitaw." gusto kong umiyak pero wala talagang luha ang lalabas. Ni isang patak man lang, wala. Kaya imbes na umiyak, niyakap ko siya at malungkot na inalala lahat ng mga pangyayari. Kung kailan nagsimula, at kung kailan din magwawakas.

A Dim Love (Sequel Of Diary Confessions)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant