Back to school na! Wohoo! Magkikita-kita na ulit kami! Grabe miss ko na talaga sila.. Asa'n na kaya----
"Trixie!!" napalingon ako sa likod ko. Waaaah!! Agad ko silang niyakap.
"Ba't umiiyak ka?" nakangiting tanong ni Michelle nang kumalas na ako. Nakaiyak pala ako. Hahah!
"Tears of joy lang. Hahah!" sabi ko. Napakunot ang noo ko nang malamang wala ang isa.
"Si Nicca?" tanong ko. Napayuko naman sila.
"Transfer." 'yan ang hindi ko alam.
"Tsk. Okay lang. AT least magkasama pa tayo. Siguraduhin niya lang talagang bibisita siya dito." natawa naman sila. Yumakap ulit ako saka kumalas. Miss ko na talaga sila. Now, my longing for my bestfriends is done.
"Anong section ka, Trixie?" tanong ni KC.
"Tangina! Maawain. Kayo nasa Matulungin. Ang unfair ah?" natawa ulit sila.
"Okay lang 'yan. Magkatabi lang naman ang classroom natin eh." napatango ako.
"Si Ana? Asa'n? 'Wag nyong sabihing pati 'yon nag-transfer?" kunot noong tanong ko. Nagkibit balikat naman sila.
"Baka late lang 'yon. Wala namang sinabi." saad ni Camille.
Naglakad na lang kami papuntang classroom. Kami lang dalawa ni Leigh ang naiba ng classroom sa aming magkakaibigan. Haay.. Sana naman may magawa rin akong grupo dito kahit hindi bago sa'kin 'tong mga mukhang 'to.
Mga kaklase ko rin dati ang mga kaklase ko ngayon, pero 'yung iba may taga-kabilang section. Siguro naman sa dami namin, may magagawa ulit akong bagong grupo? Hahaha! Pero hindi ko papalitan ang una kong mga kaibigan. Special kaya 'yon! Hahahaha!
Umupo agad ako pagpasok namin sa classroom. Gusto ko sanang pumunta sa kabilang classroom kaso, hindi ata pwede. Kahit magkatabi lang ang classroom namin, mami-miss ko pa rin sila.
"Hoy! Grabe pa rin ang pagpantasya mo! Hahaha!" sigaw sa'kin ni Leigh.
"At ikaw naman, grabe pa rin ang paninira mo!" sabi ko sabay pitik sa tainga niya.
Nagtawanan lang kami at nagkwentuhan tungkol sa bakasyon namin hanggang sa pumasok na ang guro.
----------L💔VE----------
"Kamusta ang araw nyo?" natapos ang araw ng walang ibang ginawa kundi ang magpakilala sa mga kaklase. Kainis rin. Alam naman na nila ang pangalan ng isa't-isa, nadamay lang talaga kami sa transferees.
"Now I hate GTKY activity." sambit ko.
"Ah,, 'yong, Getting-To-Know-You activity? Hahaha! Oo nga." pagsang-ayon naman ni Camille.
Nagkwentuhan lang kami sa labas ng classroom namin nang may nahagip ang mga mata ko.
"Sam! May alcohol ka ba?" he's here. Hinarap niya si Joseph.
Gano'n pa rin. Walang nagbago. Same old, same old. Pero, 'yong feelings niya, nagbago ba? Kung tanungin ko kaya,., AKO PA RIN BA?
"Miss mo na siya 'no? Ba't hindi mo kausapin?" napalingon ako kay Michelle.
"Hindi nga 'yan lumalapit sa'kin, ang kausapin ko pa kaya?" napatango naman si Michelle.
"Walang nagbago sa kanya 'no?" tinanguan ko si KC.
"How about his feelings for you, Trix? Do you think, ikaw pa rin?" ewan ko kung bakit pero pagkabanggit ni Leigh no'n, parang may kumirot sa kaliwang dibdib ko.
KAMU SEDANG MEMBACA
A Dim Love (Sequel Of Diary Confessions)
Fiksi Remaja"Just for once, I wanna be someone's first choice." Bakit gano'n? Bakit palagi akong talo sa pag-ibig? Bakit ako ang palaging bigo? Bakit ako ang nasasaktan ng sobra? Wala na ba akong panahong magpakasaya sa buhay? Sa buhay pag-ibig ko? Palagi na...