Have I fallen for him already?
"Aish~! Ano ba 'yan, Trixie! Dapat ikaw ang sumasagot nyan eh!" kanina ko pa sinasabunutan ang sarili ko. Kanina pa rin ako kinakatok ni Ian sa pinto ng kwarto. Wala akong planong lumabas. Busy pa ako sa pagsabunot ng sarili ko.
Bakit ba hindi ko magawang sagutin 'yang tanong nga 'yan? Mahirap eh. Ano namang kahirap-hirap nyan? Wala naman eh. Argh! Para na akong tanga dito. Kung magtapat kaya ako? Takot akong mabusted, takot akong ma-reject na naman. Ano bang gagawin ko? Siguro, behave lang muna ako. Haist...
*****
*Charles Everett*
TRIXIE: Hi bakla!
CHARLES: Manahimik ka dyan, hayop!
TRIXIE: Ang sakit mo namang magsalita, bakla!
CHARLES: Saan ang masakit dyan?
TRIXIE: Wala! Ewan ko sa'yo.
CHARLES: 👍
TRIXIE: Sagabal!
SEEN✔: 5:54 PM
TRIXIE: Aray! Seenzoned?
CHARLES: Haha kulit mo!
TRIXIE: Palagi :)
SEEN✔: 6:07 PM
TRIXIE: Aray! Ouch! Grabe ka!
CHARLES: Busy ako
TRIXIE: Pssh...
SEEN✔ : 6:09 PM
TRIXIE: Na naman ba?!
CHARLES: Busy sabi e!
TRIXIE: Edi busy! Pssh. Log out nako!
Busy niya 'yang mukha niya! Tsk. Ngayon nga lang nakapag-surf ulit ng net, seen pa! Argh! I hate this!
"Hoy! Badtrip agad? Busy sabi diba?"
"Tse! Isa ka pa!"
"Hahaha! Busy lang ang 'bakla mo' Trixie.."
"Palusot lang 'yon. Tsk. Bahala siya sa buhay nya. Lika na uwi na tayo. Argh! Mapapadali ang buhay ko nito." narinig kong tumawa si Leigh, inirapan ko na lang.
Humiga agad ako pagdating ko sa bahay. Kainis! 'Pag ako di makatiis sa mga pa-seen seen nila, tataniman ko talaga ng bomba ang mga bahay nila.
Kung sila na lang kaya ang i-seen ko? hmmm....
----------L💔VE----------
"Hoy! Ano ba, gising na! Jusko! Ang hirap mo palang gisingin! Sana, hindi na lang ako pumayag. Hoy, Trixie! Gumising ka na! Buhay ka pa ba? Baka hindi ka na humihinga dyan ah? Ano, patay o buhay?" agad kong sinipa si Leigh tsaka hinampas ng unan. Tumawa naman ang gaga.
"Good morning!" bati niya..
"'Good morning' mo 'yang mukha mo!" sabi ko saka siya nilagpasan.
"Ay, bad mood lang?" sino bang hindi? Pssh.
Pumasok na 'ko sa banyo tsaka naligo.
"Hoy! Bilisan mo ah? 5:30 a.m. na! Ang tagal mo kasing gisingin e! Napagkamalan tuloy kitang patay!" ewan ko sa'yo!
YOU ARE READING
A Dim Love (Sequel Of Diary Confessions)
Teen Fiction"Just for once, I wanna be someone's first choice." Bakit gano'n? Bakit palagi akong talo sa pag-ibig? Bakit ako ang palaging bigo? Bakit ako ang nasasaktan ng sobra? Wala na ba akong panahong magpakasaya sa buhay? Sa buhay pag-ibig ko? Palagi na...