ADL #30: Start Over

26 2 0
                                    

It's a good morning for me!

"Someone's inlove.." sumimangot ako.

"Crush pa lang 'yon." sabi ko kay Camille.

"Pssh. As if naman hindi ka aabot sa puntong 'yon. From crush to love 'yan, baby Trix." sabi niya.

"This is the first time you supported me, ma. Thank you!" sabi ko. Mama at baby ang tawagan namin. Aside from being a friend of mine, she also stands up for me and acts like my mother. She has everything I need. And she provides me anything.

"Your welcome. No offense pero sa lahat ng naka-'MU' mo raw, si Charles lang talaga ang iba. Isipin mo nga baby, maldito siya, maldita ka rin. Perfect match!" poker face ako!

"Wow ha!" sarkastiko kong sigaw.

"What? It's true naman. Pero I hope this time baby, you'll prove to me that you'll never fail again. Make sure not to hurt yourself again, or else, there's no choice left."

"What choice?"

"None of that matters....for now." singit ni Leigh.

"We better go. It's quarter to 7." sabi pa niya sabay labas ng bahay.

------------L💔VE----------

Nakamove on na nga ba talaga ako? Bakit masakit pa rin pakinggan sa tuwing binabanggit ng iba ang pangalan niya? Bakit nasasaktan pa rin ako kung nakakamove on na 'ko? Siguro, hindi pa. Sa tuwing makikita ko siya, hindi ko alam kung bakit tutulo bigla ang luha ko. Ang tanging alam ko lang, mahal ko pa rin siya. Mahal na mahal.

Pero kailangan ng bumitaw diba? Kailangan ng bumitaw dahil hindi naman pala siya nakakapit sa'kin. Sa iba na siya nakakapit eh. Masakit man pero kinakailangan din. Mahirap bumitaw sa taong mahal mo pa rin. Mahirap pakawalan ang taong nagparamdam sa'yo ng sobrang pagmamahal. Pero ang tanong: Minahal ka nga ba niya talaga? O sadyang naawa lang siya sa'yo kaya ganon ang dating niya sa'yo?

Ayaw kong kinakaawaan ako pero at least alam kong sa konting panahon na nagsama kami ni Sam, may konting lambing at pagmamahal rin naman akong naramdaman. Oo, magkasintahan na sila ni Ann, pero may magagawa ba ako? Alangan namang ako ang lalabas na kontrabida sa kwento nila 'no? Ang pangit naman ata. Pero kahit na masakit, tatanggapin ko na lang talaga ang katotohanang, hinding-hindi na siya magiging akin. It's game over. Pero diba sabi nila, "There's always a first time for everything." at iyon ang first heartbreak ko. Kung may 'First time for everything', meron ding 'Let me start all over', for me, I'm going to START OVER.

Sam's POV

Recess na pero wala akong ganang kumain. Weird. Hindi naman ako ganito noon, bakit parang nawala lahat ng gana kong kumain?

"Sam.." tawag ni KC. Ilang linggo na rin silang hindi nagsasama ni Trixie. Nadala kasi 'tong si KC sa sobrang OA ni Kylie. Buti hindi nawasak ang grupo nila Trixie, di katulad noon nung humiwalay sa kanila si Mikaela. Nawasak ang grupo nila, pero nakabuo rin naman agad ng bago.

Si Trixie daw ang leader nila. Hindi nga sila binigo dahil marunong rin namang magdala ng grupo si Trixie. Hindi katulad ng iba, nagkawatak-watak agad dahil puro away lang ang laman ng utak. Tsk tsk. Ngayong nalaman kong nalayo si KC sa kanila, akala ko nga watak na ang grupo nila pero sabi ni Leigh, pinatatag daw ni Trixie ang grupo at napunan ng tatlo pang miyembro: si Ella, Nicole at Gerald. She's really good at entertaining people. She've changed a lot. Hindi na siya gaanong mahiyain, dire-diretso ang pasok niya dito sa classroom namin, samantalang noon, dinaig pa ang daga kung tumago dahil sobrang napakamahiyain niya.

A Dim Love (Sequel Of Diary Confessions)Where stories live. Discover now