ADL #51: Strangers with Memories

25 2 0
                                    

Nandito kami ngayon sa tambayan. It's Tuesday already :)

Masayang nagkwe-kuwentuhan hanggang sa ...

"Uy, Unnie! Kilala mo si Jaica?" gulat na napalingon ako kay Mikaela. Umiling ako bilang sagot. Ngumiti naman siya ng malungkot. "Crush daw niya." nanlumo agad ako. Tsk. Ang hina ko na 'no? Wala pa ngang binanggit na pangalan si Mikaela, alam ko na kung sino yung tinutukoy niya. Nasaktan ako; gusto kong umiyak pero naunahan ako ng curiousity ko kaya nagpanggap akong hindi affected at nagtanong tungkol sa kanilang dalawa kahit masakit na.. "T-talaga?" napapikit ako ng mariin dahil sa pagkaka-utal ko. Tumikhim ako bago nagpatuloy, "I m-mean.. sa'n nag-aaral yung babae?" tanong ko.

"Hindi nila sinabi eh. Jaica lang ang alam namin." sagot naman ni Nikki. "Sinulat kasi nila sa blackboard kanina ang pangalan niya at kay Jaica. Akala nga namin, dito nag-aaral eh pero sabi nila, sa ibang paaralan daw." tumango lang ako. Sakto namang dumaan si Ashley sa tambayan namin. Tinawag siya nina Marie at Kieth tsaka nakipagdaldalan. Classmate siya nina Nikki. Kami lang kasi ni Marie ang magkaklase sa barkada namin.

"Ashley, may Jaica ba sa grade 7?" wala sa sariling tanong ko kaya nagulat na lang ako anng sumagot si Ashley. "Wala. Girlfriend 'yan ni Charles..." di ko napigilan ang pangingilid ng mga luha pero napigilan ko naman ang pagtulo nito. "Ay mali.. MU lang sila. Sa ibang paaralan nag-aaral ang babaeng 'yun. Grade 7." that was it!

"Sige, salamat." sambit ko. Umiwas ako ng tingin. Habang nakatingin sa kung saan, hindi ko natakasan ang mga malulungkot na mukha nina Marie. Sakto namang tumunog ang bell kaya naglakad na kami pabalik sa classroom. Nasa gitna ang classroom namin kaya sa tuwing lalabas kami, madadaanan namin ang classroom nina Nikki. Tahimik lang akong naglalakad habang sila daldal pa rin ng daldal.

"Uy, okay lang yan. Marami pang iba dyan." hindi ko na pinansin si Camille at nagpatuloy na lang sa paglalakad. Pumasok na sila sa classroom nila habang kami ni Marie papunta pa sa classroom namin. Habang tinatahak ang daan papuntang classroom, ramdam kong may nakatingin sa'kin kaya sa di inaasahang pangyayari, napatingin ako sa loob ng classroom nina Nikki. Nahagip ko ang pares ng mga matang kanina pa ATA nakatingin sa'kin. Ang mga mata niya :( Umiwas agad ako ng tingin at dali-daling pumasok sa classroom.

"Trixie! Bibili ka ng clay mamaya?" tanong ni Leigh pagpasok ko sa classroom. Abot-taingang ngumiti ako. Nakangiting tumango ako sa kanya. "Sabay tayo mamaya." tumango ako ng paulit-ulit habang suot pa rin ang ngiti. Umupo na 'ko tsaka tumingin sa labas ng bintana. Nakita ko siya habang naglalakad papuntang computer lab. Kasama niya ang mga barkada niya; as usual -_- Agad akong tumalikod at tumungo. Halu-halong emosyon ang nararamdman ko; galit, lungkot at sakit. Nagagalit ako dahil ang tanga-tanga ko sa pag-ibig, nalulungkot ako dahil nag-iisa na naman ako; nasasaktan ako ng dahil na naman sa kanya.

----------L💔VE----------

"Sa'n ka na naman pupunta?!" hindi ko na sinagot si Shanize. Diretso lang ang lakad ko palabas ng bahay. Sumakay na 'ko sa kotse at walang prenong pinatakbo ito papunta sa di malamang lugar. Masyadong masakit ang ngayong araw na 'to kaya hindi ko na napigilan ang pagkamaldita ko. Kanina pa 'ko tahimik. Matapos marinig yung tungkol sa kanila ng ka-MU niya hanggang sa matapos ang practice namin sa sayaw, tahimik lang ako. Pero ang puso ko? Humihikbi na sa sobrang sakit. Napakahapdi ng nararamdaman ko. Bumukas at nagbukas ulit ang mga sugat na sarado na sana. Nagbukas na naman ang mga sugat sa puso ko.

*****

Nang makarating na 'ko sa kung anong lugar man 'to, umupo ako. Laking gulat ko nang mapagtantong nakaupo ako sa buhanginan at ngayo'y nakaharap sa dagat.

A Dim Love (Sequel Of Diary Confessions)Where stories live. Discover now