ADL #36: Forgotten

22 2 0
                                    

Saturday.

Walang pasok.

Pero may practice.

Punyeta! -__-

*rrrriiiiiinnngggg*

[Hoy!]

"Ano?!" sigaw ko pabalik kay Leigh.

[Anong 'ano?' May practice tayo bes, wag kang tanga!]

"Tumahimik ka! Nasaktan na nga ako, nag-special mention ka pa sa katangahan ko!"

[Aba! Malay ko bang nasasaktan ka pala! Details mamaya ah? bye!]

"Details mo 'yang mukha mo!"

[Damot neto!]

"Tse!" tsaka inend ang call.

Nagtalukbong ulit ako ng kumot tsaka nag-isip ng kung anu-ano. Di naglaon, nag-ring na naman ang cellphone ko. Tamad ko itong kinuha tsaka sinagot.

"May kailangan ka?" tanong ko sa tumawag.

[Ano kamo?] agad akong napabalikwas ng bangon.

"S-sino ka?" narinig ko syang tumawa sa kabilang linya.

[Wow ha! Ilang buwan lang tayong hindi nagkita, kinalimutan mo na 'ko.]

"Bwiset! IAN!!!!" tumawa na naman siya.

[Hindi po ako bingi. Haha! I miss you too insan.]

"Eww.."

[Sungit mo talaga! May good news at bad news ako.]

"O tapos?"

[Taray.]

"Edi waw. End ko na 'to may practice pa kami, ang ingay mo! Pinapakulo mo dugo ko!"

[Uy, teka lang!]

"Ano?!"

[May good at bad news nga ako eh!]

"Ang tagal mong magsalita eh!"

[Oo na eto na!]

"Bilis!" tumahimik naman ang kabilang linya. 5 secs....

[Anong gusto mong mauna?]

"Wala -_-"

[Okay, Good!] -___-

[Babalik na kami dyan bukas!!! Wohoo!]

"O tapos?"

[Ay grabe ka insan! Hindi ka man lang natuwa kahit isang porsyento lang?]

"No."

[Tsk. Sige sa bad news naman.]

"Ano?"

[A-ano...uhmm..] napataas ako ng isang kilay. Parang bading 'tong lalaking 'to.

"Ano?"

[S-si...]

"Sino?"

[D-dala...]

"Pag ako di makatiis dyan sa--"

[DALAGA NA SI ZEA!]

"O tapos? Anong meron?"

A Dim Love (Sequel Of Diary Confessions)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum