Every end is a new beginning...
Bumuntong hininga ako. Tsk. Pang ilang beses na ba 'yon? Nakahiga lang ako, walang planong bumangon. Kanina pa 'ko nakatitig sa kisame, walang planong lumingon. Argh! Bakit parang pagod ako? Wala pa naman akong ginawa ah?
"Hoy!" sigaw ni Veronica. "Oh?" walang ganang sambit ko. "Anong 'oh'? Haay nako! Tinatamad ka na naman!" sambit nya sabay lapag ng tray sa mesa. Bumangon ako tsaka umupo sa sofa na kaharap ng mesa. Kukunin ko na sana ang gatas pero tinabig niya ang kamay ko. "Ano?" tanong ko.
"Kumain ka muna, bago uminom ng fresh milk." nakangusong sinunod ko naman siya.
*****
"Mamimiss mo siya, panigurado." nakangiting tumango ako. "Sino ba namang hindi?" ngumiti naman si Shanize. "I'm sorry if you had to let go.." umiling ako tsaka ngumiti. "It's not your fault, Shen. It's mine. Sometimes, you need to let go of something even if it's a precious stone." nakangiting sambit ko.
"What do you mean?" kunot noong tanong niya.
"Sa buhay, kahit ilang beses ka na niyang nasaktan, kahit mahal mo pa siya pero may mahal na siyang iba, matuto kang bumitaw. Tandaan mo, kahit ang mga bagay na nakakapagpasaya sa'yo, ay siya ring nakakasakit sa'yo. To be happy, is not a mistake nor a disgrace, to be happy is always a responsibility." sabi ko sabay lagay ng bag sa loob ng kotse. Ngumiti naman siya tsaka niyakap ako. "Tatandaan ko yan." ngumiti rin ako tsaka niyakap siya pabalik. Hinigpitan niya ang yakap, "You sure you'll be okay there? Medyo matatagalan pa kami dito dahil hindi pa tapos ang klase nina Khariele." kumalas ako tsaka tumango.
"Okay lang. Tsaka bahay naman natin ang titirhan namin dun. Hindi naman kami mag-che-check in sa isang hotel." tumawa naman siya.
"Yah.. Bohol is our home." nakangiting tumango ako. Niyakap niya ulit ako. "Take care, okay? Tawagan mo 'ko kapag nasa barko na kayo." tumango ako tsaka kumalas. Nagpaalam na kami ni Veronica kay Shanize tsaka sumakay na. Binuksan ko ang bintana, "Ikaw na ang magpaalam sa kanila. Late na kami. Mahirap na baka maiwan pa kami ng barko." tumawa naman siya tsaka tumango. "Ingat kayo!" ngumiti ako tsaka sinara na ang bintana.
*****
-Nasa barko na kami. Ingat kayo dyan! Wag magpapagutom ah?-
Tinext ko agad sina Shanize pagpasok namin ni Veronica sa barko. Nagreply naman agad sila.
-Kayo ang mag ingat dyan. Kumain na ba kayo? -Shanize.
-Ingat rin kayo sa byahe! Kumain kayo, wag magpapagutom :) -Cindy.
-Susunod kami agad sa inyo. Dalawang linggo nalang, matatapos na rin ang klase namin :D -Khariele.
-Ingat kayo dyan! Wag kayong magpapagutom ah? -Windy.
-Walanjo! Mang-iiwan na rin kayo!? Bakit hindi nyo 'ko sinama?! Tsk. Di bale, susunod agad ako dyan! Ingat kayo insan ha? -Belle.
-Ingat kayo, Venize! Tawagan nyo kami pagdating nyo dun ah? -Sandy.
Napangiti ako habang binabasa ang mga reply nila. Ayaw ko pa sanang umuwi dun sa Bohol, kaso, ewan.. Gusto ko lang makalanghap ng sariwang hangin. Gusto kong makasalubong ng panibagong araw sa isang magandang lugar. Gusto kong maglakad sa isang bagong paligid. Gusto kong gumawa ng panibagong ala-ala. At gusto kong iwan ang sakit sa gitna ng dagat. Magsisimula ulit ako. Ngingiti ulit ako. Pangako.
----------L💔VE----------
"Von..." tawag ko.
"Hmm?"
KAMU SEDANG MEMBACA
A Dim Love (Sequel Of Diary Confessions)
Fiksi Remaja"Just for once, I wanna be someone's first choice." Bakit gano'n? Bakit palagi akong talo sa pag-ibig? Bakit ako ang palaging bigo? Bakit ako ang nasasaktan ng sobra? Wala na ba akong panahong magpakasaya sa buhay? Sa buhay pag-ibig ko? Palagi na...