"Wake up, Venize! Time for school!" inis na bumangon ako. I hate waking up early! Bwiset!
"Hinanda ko na ang mga kakailanganin--" hindi ko na narinig ang mga satsat ni Shanize dahil naligo na 'ko. Wala akong ganang makinig sa mga words of wisdom niya. Pagod ako. Palagi naman eh.
----------L💔VE----------
Buong araw, wala akong ginawa sa kundi ang magmukmok sa isang gilid ng room. Lahat ng kaklase ko busy sa pakikinig, pagsusulat, pagchichika, pagtatawa, seatworks, etc., habang ako, nakatungo lang sa isang gilid. Nag-iisip ng kung anu-ano. Hanggang sa pagdating ng lunch, vape lang. Hindi kumain at mukmok ulit.
Dismisal na at wala pa ring bago. Mga barkada ko? Kasama ko pero nasa isang gilid lang ako. Nakaupo, nag-iisip, nalulungkot, nasasaktan pero ni isang luha walang lumabas. And I'm glad for that. Ubos na nga ang luha ko.
"Trix?" nakangiting nilingon ko si Camille. "Feel ko, si Jeannica 'yung crush ni Charles." sht! Hindi pa nga nabuo, hindi pa nga naayos 'tong puso ko, nawasak na naman?!
"Bakit mo nasabi ma?" tanong ko. Umupo siya sa tabi ko.
"Kanina kasi, may hinawakang bola sina Lloyd. Tapos nilapat niya 'yun sa bibig ni Jeannica tapos binigay kay Charles. Ngayong dismisal naman, nung matapos kaming maglinis ng room, pumunta kami sa likod ng room para maghugas. Tapos nandun din sina Charles. Si Charles 'yung humawak ng hose. Tapos napalingon ako nang sinabi ni Lloyd, na "Huy insan! Ayusin mo ang pagkahawak nyan. Si Jeannica ang kaharap mo oh! Mahiya ka naman!"" medyo matagal bago nagsink-in lahat ng sinabi ni Camille sa'kin.
"C-crush niya s-si, J-jeannica..?" nauutal na tanong ko. Dahan-dahan namang tumango si Camille. "Aish! Wag kang ma-disappoint, pwede? Marami pa namang lalaki dyan eh!" umiling ako. Siguro naman, marunong pa rin akong magpanggap dba? "Okay lang. Hindi naman---ano--uhm--ma-ma-m-masakit." pinilit kong pakalmahin ang sarili ko.
Tumayo na 'ko tsaka lumabas. Kinuha ko na ang bag tsaka nagpaalam at umalis. Pagpasok ko sa kotse, agad ko itong pinaharurot pauwi.
Ayoko ng masaktan, pero bakit nagpatuloy pa rin ako?
*****
"What happened to you?" kunot noong tanong ni Veronica. Hindi ko siya pinansin at diretsong naglakad papuntang kwarto. Nilagay ko lang ang bag sa gilid ng kama tsaka lumabas sa balkonahe.
Bakit ba kasi minahal kita agad eh? Ni hindi nga tayo close nung nagkakilala tayo, tapos, ganito ang aabutin ko sa'yo? Bwiset! Ang swerte mo dahil minahal kita. Kung ano naman ang ikinaswerte mo sa pag-ibig, siya namang ikinamalas ko! Tanginang yan!
"Argh!!! Bwiset!" sigaw ko sabay hagis sa mga gamit sa loob ng kwarto. Agad namang pumasok sina Shanize at Veronica. "Anong problema? Venize?" alalang tanong ni Shanize sabay lapit sa'kin. Lumayo agad ako.
"Wag mo 'kong lapitan!" singhal ko. Kumunot naman ang noo niya tsaka umiling. "You can tell us, Venize. Nandito kami." umiling ako. "Ayoko na! Pagod na 'ko!" dahan-dahan siyang lumapit, dahan-dahan rin akong lumayo. "Ayoko ng masaktan kaya pwede ba?! Lumayo kayo?!"
"Nandito kami para damayan ka! Bakit ba gusto mong ayusin 'yang problema mo mag-isa? Alam mo bang mas madali kapag marami tayong aayos nyan?! Why are you being so selfish?!"
YOU ARE READING
A Dim Love (Sequel Of Diary Confessions)
Teen Fiction"Just for once, I wanna be someone's first choice." Bakit gano'n? Bakit palagi akong talo sa pag-ibig? Bakit ako ang palaging bigo? Bakit ako ang nasasaktan ng sobra? Wala na ba akong panahong magpakasaya sa buhay? Sa buhay pag-ibig ko? Palagi na...