Chapter 8

4.3K 61 3
                                    

Chapter 8

Mirae's POV

ISANG malaking kwarto ang pinasukan naming dalawa ni erico, nang muli kaming makarating sa pangalawang palapag... Isang Napaka simpleng kwartong.

Maliban sa king size bed na sa gitna, tangging ang nagiisang binta lang na nakukurtinahan ng kulay puti At maliit na cabinet sa tabi ng kama ang makikita sa kwartong iyon. Pero kahit ganun, napakamaaliwalas naman ng paligid, nababalutan ng wallpaper na may disenyong rosas ang bawat pader ng kwarto, kung titignan masyadong feminine ang style.

Nagtaka ako kung bakit may ganitong kwarto sa bahay niya, pero hindi ko magawang magtanong.

Lumapit ako sa nagiisang bintana ng kwarto. Animo sumasayaw ang manipis na kurtina nun dahil sa malakas na ihip ng hanggin na pumapasok sa silid. At dahil papadilim na rin, Mangilan ngilan ng mga mumunting ilaw mula sa mga bahay ang matatanaw dun.

Nasa pinaka dulo ng pribadong subdivision ang bahay ni erico. Medyo may kataasan din ang kinatitirikan, kaya naman kitang kita ang magandang view mula sa bintana, Dinaig pa nito ang painting sa sobrang ganda.

"You liked the view?"

Napalingon ako sa kaniya na sinasara na ang pinto. Narinig ko pa ang pag lock niya sa doorknob.

Ngumiti ako at tumango. "Ang ganda. Hindi nakakasawang tumayo dito magdamag kung ganito kagandang tanawin ang makikita ko." Muli akong tumanaw sa labas ng bintana.

Naisip kong lalapitan ako ni erico at yayakapin sa likod. Ganung mga eksena ang madalas nangyayari hindi ba? Tapos kasunod na mangyayari yung. . . alam niyo na.

Nakiramdam ako pero di ko na muli narinig ang mga yabag niya kaya naman muli ko siyang nilingon; Para lang makita na Nakasandal siya sa nakasarang pinto at nakahalukipkip habang nakatingin sa akin.

Tumatama ang sinag ng papalubog na araw kay erico. Di ko napigilang mapangiti.

"You look like a flower under The sunbeam. . . It's makes you perfect." Mahinang sambot ko. Dahil para sa akin erico is the most beautiful thing that i ever seen. Pero Sandali siyang hindi kumibo sa sinabi ko bago dahan dahang umiling.

Unti unti namang nawala ang ngiti sa mga labi ko dahil dun at napalitan ng pagtataka.

Bakit? May nasabi ba akong mali?

Narinig ko ang malalim niyang pagbuga ng hininga bago nagsimulang maglakad papalapit sa akin. Napasandal ako sa bintana nang itukod niya ang dalawang kamay sa magkabilang gilid ko at pinagmasdan ako ang mabuti.

Sa totoo lang hindi ko gusto ang kakaibang kaba na nararamdaman ko tuwing titigan niya ako ng ganun, tila ba meron yun gustong ipahiwatig sa akin na hindi kayang sabihin ng mga salita.

May mga pagkakataong gusto kong malaman kung ano nga ba ang tumatakbo sa isip niya.

Hindi ko alam kung natuwa ba siya sa sinabi ko o hindi. Parang ang hirap yatang basahin ang isip ng isang erico villuna.

Yumuko siya at inilapat ang labi sa akin. Ngunit Sandaling sigundo lang iyon bago siya nagsalita.

"Shall we begain?" Tanong niya.

Tumango nalang ako sa kawalang masabi. Muli niya akong hinagkan sa labi, kasabay ng mga kamay niyang sumapo sa pisngi ko.

Tuluyan ng lumubog ang araw at Unti unti nang binalot ng dilim ang buong silid.

Inangat ko ang mga kamay at humigpit ng yakap sa kaniya.

Kailangan ko na bang ihanda ang sarili ko? Eto na ba iyon?

🔞 Let's Play Secret GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon