Chapter 2

4.6K 65 5
                                    

Chapter 2

Mirae's POV

"I told you, you're really insane! Baliw na baliw sa kahahabol sa erico villuna na yan!" Napapantastikong saad ni ashley habang hinihilot ang sintido niya.

Kasalukuyan kaming Nasa loob ng sasakyan at tahimik na pumarada sa tapat ng bahay ni erico. Kagaya ng sinabi ko kay ashley ay agad ko siyang pinuntahan sa restaurant na kinaroroonan niya. Saktong pagdating ko ay paalis na si erico habang may babaeng naka angkla sa braso niya.

Nagngingit ako sa galit dahil sa nasaksihan ko. I still can't belive that he just easily founded a woman in a blingk of an eye? Grabe! Hindi ko na alam ang gagawin ko sa kaniya.

Muli kong sinulyapan ang bahay ni erico at matamang nakiramdam. Wala namang kakaibang nagyayari sa loob. Pero hindi ako mapakali. Nang makita kong namatay ang ilaw sa isa sa mga bintana ng bahay, agad akong napatuwin ng upo at mahigpit na hinawakan ang manibela. Ilang sandali pa ay walang sabi sabing bumaba ako sa kotse. Tinawag naman ako ni ashley.

"Hey, where are you going? Mirae!"

"I'm going inside. Sasama ka ba?"

"What? Of course not! At saka trespassing yang gagawin mo, ano kaba?! Bumalik ka na dito!"

"Look, ashley. Ayokong tumunganga lang dito at mabalewala ang lahat ng pinaghirapan ko. Paano kung pikutin ng babaeng yun si erico? Paano na ako?"

"Naiintindihan kita mirae, but don't put yourself in a trouble! Dilikado yang iniisip mo! Paano kung makarating ito sa kuya mo?"

Hindi ako sumagot sa sinabi niya at tinitigan lang siya. Mayamaya ay umiling ako na ikinataka niya. "He will not be know, if you won't tell him." Yun lang at agad akong tumalikod at gumawa ng paraan kung paano makakapasok sa bahay ni erico.

Narinig ko pa ang pagtawag muli sa akin ni ashely ngunit di ko na siya nilingon pa. Mabilis akong nakapagisip ng paraan at walang takot na inakyat ang medyo may kataasang gate ng bahay niya. Naipagpasalamat ko pa't hindi ako hagip ng CCTV malapit sa gate kaya naman hindi ako makikita.

Nang makapasok na ako sa loob, maingat akong lumapit sa bahay at iniwasan ang mga CCTV sa paligid. Napangiti ako nang magawa kong makapasok sa loob ng walang kahit anong aberya.

Tahimik kong binagtas ang hagdan. Bawat madaan ko ay panay ang lingon ko sa paligid. Malaki ang bahay ni erico kaya hindi naging madali sa aking hanapin ang kinaroroonan nila.

Muli akong umakyat sa hangdan na nakita ko banda sa dulo. Pagkarating sa taas. May isang pintong nakauwang akong nakita. Akmang lalapitan ko na sana iyon ng bigla akong mapatigil nang may maalala.

Ano nga palang sasabihin ko kay erico kapagpinuntahan ko na siya? Paano ko ipapaliwanag kung bakit ako nandito? Ni hindi ko man lang napagisipan ang mga gagawin ko at agad akong sumugod. Masyado kasi akong nadala sa galit.

Tumingin ako muli sa pinto at dahan dahang lumapit. Isinungaw ko muna ang ulo ko at sumilip sa loob, pero maling silid. Base sa mga nakikita kong mga gamit sa paligid ay halatang library iyon.

Naglakad ako papasok sa loob. Napapatingala pa ako habang pinagmamasdan ang kabuoan ng silid. Sa gitna nun ay may mahabang nara table ang nakapwesto dun. At isang malaking chandelier na nakasabit sa kisame. Punong puno rin yata ng libro ang pader ng silid. Pero kapansin pansin din na may mga figure ng iba't ibang style ng mga miniture cars sa isang stante. Well, i forgot to say that erico is a car racer. Hindi na ako magtataka kung makakita man ako ng  ganito sa bahay niya. Pulido at napaka linis ng lugar. Kaso hindi yun ang kwartong sadya ko. Walang oras para pagaralan ko pa ang silid na iyon.

🔞 Let's Play Secret GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon