Chapter 32
Mirae's POV
"MIRAE?"
"H-hello po tita vivian." Bahagya kong pinunasan ang mamasa masa kong mga mata dahil sa pagkaka iyak. Pagkagaling ko kina erico ay dito ako dumeretso, hindi ko alam kung bakit pero dito ako gustong dalhin ng mga paa ko. Para siguro sandaling makawala sa problema.
"Pumasok ka muna." Agad akong tumalima at yumakap sa kaniya ng mahigpit. "Ang aga mo yatang naparito. . . May problema ba hija?"
"Ah, wala naman po. Gusto ko lang bisitahin kayo." Pumasok kami sa loob. Iginala ko ang paningin sa mga painting na naka display. Ganun parin duon, walang pinagbago nang una akong magpunta.
"Siya nga pala, congratulation sa nalalapit mong kasal." Lumapit ito sa tea set na nakapatong sa lamesa at nagsalin sa baso. Muli siyang bumalik sa tabi ko at iniabot sa akin ang isang baso.
"Salamat po tita."
"Nagulat nga ako ng sabihin sa akin ni ate na ikakasal ka na. Naku parang kailan lang, ang liit liit mo pa noon." Bahagya akong ngumiti at humigop sa tasa. Nagsimula kaming maglakad lakad sa buong exibit hall habang naguusap.
"Kayo po ang gusto kong gumawa ng wedding portrait ko tita." Usal ko. Hindi ko alam kung bakit ko iyon nasabi.
"Oo naman." Muli siyang uminom ng tsaa. Pero sandali akong napatigil sa mabagal naming paglalakad ng mapadako ang paningin ko sa isang painting. Sa pagkakatanda ko ay hindi ang panting na iyon ang nakapwesto duon.
"Tita vivian."
"Hmm?" Hinto na rin siya at humarap sa panting na tinititigan ko. "Bakit hija?"
"Ah. . . Napansin ko lang, iba na po pala yung naka pwesto dito. Sa pagkakatanda ko po kasi yung painting na naka titled na beloved ang naka lagay po diyan noon."
"Yun bang painting na iyon? May nakabili na kasi kaya wala na siya dito. Hindi ko nga aakalaing may magkakainterest sa painting na iyon, eh."
"Kakaiba naman po kasi. Dalawang taong nagmamahalan kahit magkaibang mundong ginagalawan nila. That painting has full of love. . . And sadness."
Muli sumagi sa isip ko si erico, kahit ayaw ko ay pilit ko siyang naalala, dahil para na rin kaming nasa magkaibang mundo. Hindi pwedeng magsama.
Umiling iling ako para alisin sa isip iyon. Pagkatapos ay lumingon ako kay tita vivian ng bahagya siyang tumawa. "Alam mo bang lahat ng mga taong nakakita sa painting na iyon, iisa lang din ang mga sinasabi. Katulad ng sayo. But the true is. . . Hindi naman talaga ganun ang kwento ng painting na iyon."
"Po?"
Huminga si tita vivian ng malalim at inilapag ang baso sa katabing mesita. "Ang totoo. Love Sacrifice talaga ang meaning ng painting na iyon. Yung lalaki sa portrait, hindi naman talaga siya yung nasa madilim na bahagi, pero dahil mahal niya yung babae sinakripisyo niya ang buhay niya huwag lang makitang malungkot ang taong pinakamamahal niya. He took her place for the sake of her happiness." Nakangiting sabi ni tita vivian.
"For her happiness?" Mahinang usal ko.
"Yeah. Kaya ang sabi ko sa sarili ko, kung sino mang makakahula ng totoong kwento ng portrait na iyon, handa kong ibenta sa kaniya, dahil sobrang mahalaga sa akin iyon. Then Until that man figured out. Pareho kami ng naging description sa painting. Isa pa, gusto niya ring naman bilhin yun dahil may nagpapaalala daw nun sa kaniya." Nagkibit ng balikat si tita vivian "Sa tingin ko naman maiingatan niya ang panting."
Sandali akong nanahimik. Hindi ko naisip na ganun pala ang nilalaman ng painting na iyon. May mas malalim pang dahilan. At sa hindi ko maintindihan, bakat ako nalulungkot?
BINABASA MO ANG
🔞 Let's Play Secret Game
General FictionMirae watanabe is been in love with erico villuna. Matagal na niyang tinatago ang nararamdaman para dito, at dahil Alam niyang marami ang tututol, lalo na ang nakakatanda niyang kapatid na matalik na kaibigan ng binata ay nagkakasya na lamang siya s...