Chapter 14

2.5K 50 7
                                    

Chapter 14

Mirae's POV

"MIRAE, where are you?"

"I'm just on my way. Malapit na ako." Sagot ko kay ashley sa kabilang linya habang nasa kotse.
Hindi ko akalaing maiipit ako sa traffic. Anong oras na kasi natapos ang meeting ko kanina, kinailangan ko pang umuwi ng bahay para mag ayos. Ngayong gabi na kasi ng alumni night ng school namin.

Ngayon, itong traffic naman ang problema.

Bumusina ako sa kaharap na kotse, bahagya namang itong umusad.

"Ilang minuto ka pa magtatagal?" Tanong uli sa akin si ashley.

"Give me fifteen minutes. Malapit na ako." Sagot ko. Muling umandar ang mga sasakyan sa harap.

Yes!

"Ok, sige. Dalian mo."

Binaba ko na ang cellphone at nagfocus sa pagmamaneho. Duon ko lang nalamang Meron palang banggaan kaya traffic. Di ko na masyadong pinagtuunan iyon dahil nagmamadali na ako.

Kaya naman after ten minutes lang ay nakarating din ako kaagad. Marami ng mga tao, kaya marami na ring mga sasakyan ang nakaparada, nahirapan pa akong mag hanap ng slot.

Ano bang kamalasan to!

Nang sa wakas ay makahanap na ako ng parking area ay agad akong bumaba ng kotse at pumasok na sa loob ng gusali. Agad namang bumungad sa akin si ashley na naghihintay sa akin sa entrance.

"What its took so long?" Bungad sa akin ni ashley habang sabay na pumasok sa loob.

"May banggaan kasi. Late na ba ako?"

"Hindi pa naman naguumpisa, pero marami ng tao. Halika na." Inabot namin ni ashley ang aming invitation card sa front desk at saka kami nagtuloy sa loob.

Nasa school ground ang lahat ng mga dumating. Ang iba ay agad naming nakilala ni ashley, samantalang ang iba naman ay hindi ko na maalala ang mga pangalan kahit pa nakikilala ko sila sa mukha.

Nakita rin namin ni ashley ang mga naging profesor at dean namin noon kaya naman Walang katapusang batian at kamustahan na ang nagyari.

"Last week, nabasa ko sa business article na isa sa mga highest rank company ang sakura clothing line mo ms. Watanabe. Congratulation on that." Bati ng isa sa mga professor ko. Ginawaran ko naman siya ng ngiti.

"Thank you, ma'am."

"Mahirap sigurong mag handle ng isang companya."

"Medyo. Pero sanayan lang po."

"Naku, baka naman wala ka ng oras sa love life mo?"

Akmang sasagot sana ako ng maunahan ako ni ashley. "Ay, Naku, ma'am mas nahahasle pa nga po yan sa love life niya, eh." Anito. At humagikhik.

Nagtawanan naman ang ibang kakumpulan namin. Pasimple kong pinandilatan ng mata si ashley pero dead-ma lang ito. Ramdam ko kasi na namula ako, buti na lang at hindi masyadong maliwanag sa paligid.

Nagtagal pa ang pakikipagusap namin sa mga professor. Sandali lang nabalin ang aming atensyon sa iba nang may mga bagong dumating.

Si eurica. Agad akong lumingon kay ashely na mukhang na bad-mood na. Mainit talaga ang dugo ni ashely dito.

Bumaling sa amin ang tingin ni eurica, at pahkatapos ay nagmartsa palapit sa gawi namin. Balot sa makikinang na bagay ang kasuotan niya. Pati mga alahas sa katawan ay nagkikislapan tuwing matatapat sa mga nagsasayawang liwanag.

🔞 Let's Play Secret GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon