Chapter 23
Mirae's POV
NAKA masid habang nakatabing ang isang magazine sa tapat ng mukha ko. Sinusuri ang bawat taong lumalabas at pumapasok sa loob ng gusali ng kompanya ni erico. Umaasang makikita ko siya duon. Ngunit ilang minuto na akong nakatayo sa pinagkukublihan ko ay hindi ko man lang nakita ni anino niya.
Inilabas ko sa bulsa ang cellphone ko at sinubukan kontakin ang number niya. Pero answering machine lang ang sumasagot. Sigurado ako, kung nung isang araw ko pa siya naisip na tawagan ay wala ring sasagot sa akin. Ayoko man isipin pero, iniiwasan niya ba ako? Pero bakit naman? Dahil ba iyon sa nasabi ko nang huli kaming nagkita o meron pang ibang dahilan? May kinalaman kaya ang helena na iyon?
"Walang mangyayari sayo kung magaabang ka diyan kahit pa buong araw, erico is not here."
Agad akong napalingon sa nagsalita sa likuran ko. Si helena. Bakit nandito ang babaeng ito? Anong ginagawa niya sa kompanya ni erico? At saka tama ba ako ng pagkakarinig na wala si erico dito ngayon?
"Asaan siya?" Tanong ko. Inangat ko ang noo at tinapatan ang mapang uri niyang mga tingin sa akin. Talagang namumuro na ang babae na ito. Bakit ganun na lang siya makatingin sa akin? Para bang hindi niya gustong nakikita ang presensya ko. Well then, ganun din naman ako sa kaniya. Pasalamat siya't hindi ako pumapatol sa matanda!
"He had an out of country business deals. Three days siya duon. Mamayang gabi pa ang flight niya pauwi dito." Pahayag niya.
Muntik naman akong mapasinghap sa mangha. Bakit walang nasabi sa akin ni erico na aalis pala siya? At ang nakakainis pa, bakit ang helena na ito, alam na wala siya at kung kailan ito babalik niya. Alam kong handler siya ni erico, pero kung umasta ito daig pa ang nanay.
"Actually, you're so visible kahit magtago ka diyan sa likod ng halamanan, kitang kita ka sa cctv. Anyway, dahil andito ka na rin lang naman, i wanna talk to you about erico. Sumunod ka sa akin." Aniya at naglakad papasok sa gusali ng kompanya. Natataka man ay kunot noo akong napilitang sumunod.
Habang naglalakad kami, kapansin pansin na binabati siya ng mga empleyado. ang ibig sabihin lang, kilala ng lahat mga nagtatrabaho sa kompanya ni erico ang babae. Madalas na rin siguro itong naruon. Katulad na lang ngayon.
Nang sumakay kami sa elevator ay wala kaming kibuan, pero sa gilid ng mga mata ko ay sinusuri ko ng mabuti ang bawat kilos niya.
Nang bumukas ang elevator, agad siya muling nagpatiuna sa paglalakad. Tila kabisado na niya ang mga pasikot sikot sa kompanya. Huminto lang kami sa isang pinto bago niya iyon binuksan at pumasok sa loob. Sumunod din ako sa kaniya, na conference foom pala. Bakante ang lugar na iyon at walang tao maliban sa aming dalawa.
Naupo siya sa isa sa mga silya na naduon at humarap sa akin na tila siya ang boss ng lugar na iyon, Nanatili naman akong nakatayo. "You can take a seat, if you want."
"Never mind. i'm perfectly fine here. Ano ba ang gusto mong pagusapan natin?" Humalukipkip ako. Habang nakatingin sa kaniya.
Ipinatong niya ang dalawang kamay sa magkabilang arm chair at pinagkrus ang mga hita. Ewan ko ba pero nakaramdam ako ng inis, lalo na animo donya siya sa pwesto at any minute now ay yuyurakan niya ng unti unti ang pagkatao ko.
"Miss, watanabe, right?" At tumaas ang isang kilay niya at biglang nagiba ang aura ng mukha. Nalangkapan na iyon ng pagiging mataray. Hindi naman ako nagpalamang at Ginaya ko rin ang ginawa niya, itinaas ko ang kilay ko at humalukipkip. "Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa sayo. Gusto kong wag ka ng magpakita kay erico."
I knew it! "Why should i do that?" Mataray na sagot ko. Nabanaag ang sandaling pagdilim ng mukha niya na parang hindi nagustuhan ang sinabi ko. Pero saglit lang iyon at agad din siyang nakabawi at sarkastikong ngumiti.
BINABASA MO ANG
🔞 Let's Play Secret Game
قصص عامةMirae watanabe is been in love with erico villuna. Matagal na niyang tinatago ang nararamdaman para dito, at dahil Alam niyang marami ang tututol, lalo na ang nakakatanda niyang kapatid na matalik na kaibigan ng binata ay nagkakasya na lamang siya s...