Chapter 13

2.5K 39 3
                                    

Chapter 13

Mirae's POV

"KAMUSTA ang business trip?"

Mula sa labas ng bintana ng restauran na kinaroroonan namin ni ashley, lumipat sa kaniya ang pansin ko nang bigla siyang magtanong. Lunch break kaya nagaya siyang lumabas.

Mag iisang linggo na nang makabalik ako sa maynila, pero ngayon lang kami uli nagkaroon ni ashley ng oras para makapag kwentuhan. Busy din kasi siya sa sariling negosyo, pero di ko ini-expect na magtatanong siya tungkol dun.

Nasabi ko lang kasi sa kaniya na galing ako sa business trip.

Pero Ano kaya ang magiging reaksyon niya kung sakaling malaman niya ang totoong ginawa ko?

Sigiradong sesermunan niya ako at sasabihang 'nababaliw ka na talaga.' pero wala naman akong balak sabihin yun sa kaniya, kahit pa bestfriend ko siya. Isang matinding sekreto na lang iyon.

"O-ok naman." Tipid kong sagot sa kaniya. Inayos ko ang pagkakaupo ko.

Tumango tango naman siya. "Oo nga pala, natanggap mo ba yung invitation?"

"Invitation? Para saan?"

"Para sa darating na alumni night ng batch natin!" May kinuha siyang sobra sa bag at inabot sa akin.

"Nakuha ko na yung sa akin kahapon lang, baka ngayon ipapadala yung sayo."

"Siguro." Nagkibit balit kong Tinitigan yung sobre. Pero mayamaya lang ay muli ko ring iyong ibinalik kay ashley ng dumating na ang order namin.

Panansin ko naman na biglang kumunot yung noo niya. "Strawberry juice? Hindi ba laging peppermint ice cream yung ino-order mo?"

"Ha? Uhm. . . w-wala naman, para lang maiba. Nakakasawa rin kasi yun." Pagdadahilan ko.

"Kailan ka pa nasawa dun? Diba gustong gusto mo yun?"

Hindi na ako sumagot, alanganin na lang akong mgumiti. Hindi ko nga rin alam sa sarili ko. Bigla ko na lang inayawan yun dahil lang alam kong hindi gusto ni erico ang lasa ng peppermint. Gusto ko sana siyang tanungin tungkol dun pero binale wala ko nalang.

Bumintong hininga ako at lumingon sa labas ng restauran. Napapaisip tuloy ako, ano nga bang klaseng tao si erico? Ang dami ko pang hindi alam.


***

KINABUKASAN, natanggap ko na rin ang imbitation para sa alumni night ng school batch namin. Kaya naman nang magkita kami ni ashley ay agad ko iyong sinabi sa kaniya.

"I got mine." Sabi ko na winagayway pa ang sobre. Pero nangalumbaba lang si ashley. Napansin ko rin ang pagkasimangot niya. "Bakit parang di ka naman natutuwa."

"Sempre natutuwa. Meron lang akong kinaiinisan tungkol diyan."

"Ano naman yun?" Nagtaka ako. Parang kahapon lang kasi excited siya, tapos bigla nalang magiiba ang mood.

"Mirae, natatandaan mo pa ba si eurica boromeo?"

"Eurica?"

Parang pamilyar sa akin.

"Sino yun?"

"Ano ka ba? Hindi mo na siya natatandaan. Siya yung number one enemy natin dati sa school.  Lagi pa nga niyang sinasabutahe yung mga design natin. Hindi ba si eurica din ang sumabutahe sayo nun at pinagbintangan kang manggagaya ng design, pero ang totoo, ninakaw niya talaga yung mga design mo! Remember?!"

Parang flash back na bumalik sa alaala ko ang lahat ng mga sinabi sa akin ni ashely. Natatandaan ko na nga. Eurica boromeo. Paanong hindi ko makakalimutan ang bruhang iyon.

🔞 Let's Play Secret GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon