Chapter 33

1.9K 47 7
                                    

Chapter 33


Mirae's POV

NAPUTOL ang mahabang pagiisip ko nang bumaha ng palakpakan at hiyawan sa buong simbahan. Hindi ko namalayang tapos na pala ang seremonya ng kasal. Tumayo na ako sa pagkakaupo at alanganing nakipalakpak din.

Sinundan ko ng tingin ang mga bagong kasal habang nagmamartsa ang mga ito palabas ng simbahan. Hindi ko na napigilan pang mapangiti ng lumingon sa akin ang bride at kawayan ako. Halatang masayang masaya ito sa taong piniling pakasalan.

"Miraeeee!!" Tumitiling lumapit sa akin si ashley habang hawak hawak ang laylayan ng gown. Pagkatapos ay mahigpit akong niyakap.

"Congratulation, friend. O paano ba yan mrs. Quinto ka na." Sabi ko na gumaganti ng yakap sa kaniya. Siya lang unang kumalas at nakangiting hinarap ako.

"Thank you, mirae."

"Masaya ako para sayo." Ginagap ko ang mga kamay niya.

"Ako rin. Alam mo naman kung gaano ko kamahal si tristan. At sigurado akong hindi ko pagsisihan na siya ang minahal ko."

Napangiti ako sa sinabi niya, but at the same time ay may mumunting pangungulila ding naramdaman. Ngunit hindi ko na lang iyon ipinahalata kay ashley, ayokong makasira sa espesyal na okasyon ng buhay niya.

Nagtagal pa ang paguusap namin bago may tumawag kay ashley para sa tossing bouquet. Bigla niya akong hinawakan sa kamay at marahang hinila sa gitna kasama ang iba pang mga kababaihan na makikisalo sa bouquet.

"Gusto kong ikaw ang makasalo, friend." Mahinang bulong niya sa akin.

Nais ko sanang tumanggi. Ano naman kasing silbi kung ano ang makasalo ng bouquet? Pero hindi na ako naka piyok sa kaniya ng makarating nq kami sa unahan. Agad ng nagpunta si ashley sa gitna.

Ang mga ibang babae ay kanya-kanya ng pwesto, samantalang tumayo nalang ako sa likod. Hindi ko naman hanggad na masalo ang bulaklak, Para saan pa? Pinangako ko sa sarili ko na hindi ako magpapakasal kung hindi rin naman sa taong minamahal ko. O mas tamang sabihing wala na akong balak pang magpakasal kung hindi lang siya. . . ang magiging groom ko.

Umatras ako nang masipagatrasan ang mga babae sa unahan ko. Naihagis na pala ni ashley ang bulaklak at napalakas ang pagkakabato niya duon, kaya ang lahat at nagsimulang umatras sa pagkakatayo. Handa ko na sanang bigyan ng daan ang mga babae at lilihis nalang sa tabi nang mapatingala ako at automatikong umangat ang mga kamay ko para salihin ang punpon ng mga bulaklak na lumanding mismo sa pwesto ko.

Hindi na ako nakapag isip pa. Namalayan ko nalang na hawak ko na ang mga bulakalak at nakatingin na sa akin ang lahat ng mga bisita.

"Congratulation, friend!" Ani ashley na nilapitan ako at niyakap.

Nasalo ko ang bouquet?


***

HINDI natatapos ang pagtitipon ay nagpasya na akong magpaalam sa mga bagong kasal. Masaya ako para sa kaibigan ko. Pero habang nananatili ako sa ganung pagtitipon ay may naaalala lang ako.

Lulan na ako ng sasakyan. Ngunit imbes dumeretso ng uwi ay dumaan na muna ako sa shop ko. Wala ng tao dun dahil pasado alasnueve na rin ng gabi.

Ipinarada ko ang koste sa tabi at bumaba. Binuksan ko ang pintuan ng shop ko, pagkapasok ay muli iyong inilock. At kahit hindi ko na buksan ang ilaw ay maliwanag parin dahil sa ilaw mula sa mga lamp post na tumatagos sa loob ng shop ko. Dere-deretso akong nagtungo sa private office ko at naupo sa likuran ng desk. At dahil medyo madilim na duon ay napilitan akong buksan ang lamp shade na nasa ibabaw ng desk ko. Naglikha iyon ng mumunting liwanag sa buong silid.

🔞 Let's Play Secret GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon