Chapter 24

1.7K 29 3
                                    

Chapter 24

Mirae's POV

LIHIM akong nakamasid kay erico habang Nakasakay kami sa ferrie's wheel. Nakabaling ang mukha ko sa magandang view sa ere, pero ang mga mata ko ay matamang nakatitig sa kaniya. Nakaupo siya sa tapat ko at nasa labas din ang pansin, kaya malaya ko siyang napagmamasdan.

Simula ng matapos ang pinagsaluhan naming halik sa baba ay wala na akong maapuhap na sasabihin kaya naman nagyaya nalang akong sumakay ng ferrie's wheel. Pareho kaming tahimik lang. para bang may iniisip din siyang sobrang lalim at napapatulala nalang din sa kawalan.

Ano kaya ang iniisip niya?

Tanong ko sa sarili nang bigla naman siyang bumaling sa akin. Hindi na ako nagkaroon ng pagkakataon na makaiwas ng tingin dahil nahuli niya akong pinagmamasdan siya. Napapauwang nalang ang bibig ko.

"P-pagod ka na ba? Gusto mo nang umuwi?" Sa halip ay tanong ko.

"I'm fine." Aniya at muli nanaman nanahimik. Pinagmasdan niya akong. Ngunit hindi na katulad ng sa baba kami kaganina ay iba an ang klase ng pagtitig niya sa akin. Pagkatapos ay bahagya siyang umiling. "By the way, bakit mo nga pala nasabing paborito mo ang lugar na to?" Tanong niya. Nawala na ang mataman niyang tingin sa akin.

Ngunit nagkibit nalang ako ng balikat. "Hmm, Kaya ko nasabi na paborito ko ang lugar na ito, bata palang kasi kami ni i-chan, lagi na kaming dinadala ng magulang namin dito para mamasyal. At saka Ayokong ayoko na umuuwi nuon na hindi ko man lang nasasakyan 'tong ferrie's wheel." Sabi ko. At muling tumanaw sa labas. "Dito ako pumupunta kapag nakakaramdam ako ng pagod o problema sa trabaho." At saka tuwing nalulungkot kapag nakikita kitang may kasamang ibang babae.

Ngali-ngaling kong iduktong. Pero pinigilan ko ang sarili.

Tumango siya at tumingin muli sa labas. "Epektibo ba? Nawawala ba ang problema mo?"

"Hmm, nababawasan kahit papaano. Sa ganda kasi ng view dito, aalisin niya talaga ang bahagyang problema na nararadaman mo. Nakakawala ng stress ang mga ganitong breath taking views, katulad nalang sa paborito mong lugar."

"Oo nga." Pagsang ayon niya at saka Isinandal ang ulo at pumikit.

Muntik pa akong mapahagikgik nang mapatulala sa adams apple niya na tumaas at bumaba. Hindi siya nakakasawang pagmasdan kahit saang anggulo. Nakakainlove talaga. Para tuloy akong bumabalik sa pagka teenager ko. Parang dati rati lang ay sa malayo ko lamang siya napagmamaadan. But now, i could kiss him, hug him and we sharing more than that. If it was a dream, ok lang kahit hindi ako magising pa basta't siya lang ang kasama ko. I'm happy for it.

Ipinilig ko ang aking ulo habang nakangiti at mataman siyang pinagmamasdan. Hindi parin ako makapaniwalang aabot ako sa puntong ganito sa paghahabol ko sa kaniya. Pero piling ko naman ay magiging worth it ang lahat, dahil hindi nawawala ang pagasa kong mamahalin niya rin ako.

PAGKATAPOS namin sa ferrie's wheel, ay muli ko siyang niyaya na sumubok ng iba pang rides, pagkatapos ay sa mga games. Kaya naman medyo gabi na ng nagpasya na kaming umuwi. napapansin ko kasi na tila, pagod na siya at ayaw lang sabihin sa akin.

"Ten fifteen na pala. Umuwi na tayo. I'm sure you're really tired." Sabi ko. Tumango naman siya bilang sagot.

Kumapit ako sa braso niya at naglakad na kami palapit sa area na pinag-park-an ng kotse ko. Pero habang naglalakad kami, hindi ko napigilang mapasulyap sa kaniya, napansin ko kasi ang bilang pananahimik niya, nagsimula iyon nang bumaba kami sa ferrie's wheel. Hindi na siya masyadong naimik.

Inisip ko na baka dahil lang sa pagod at kailangan na nga niyang magpahinga. Ginabi pa kami.

Nagkibit ako ng balikat. Nang makararing na kami sa sasakyan ay agad na kaming sumakay. Pero habang inistart ko ang sasakyan, mas lalong nadaragdagan ang pagtataka ko sa pananahimik niya. Hanggang sa paandarin ko na ang sasakyan.

🔞 Let's Play Secret GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon