Chapter 11

2.6K 47 3
                                    

Chapter 11

Mirae's POV

Palihim at maingat ang bawat sulyap na ginagawa ko. Mula sa book store na kinaroroonan ko, tanaw sa open window nun ang katapat lang na istablisimento.

Mag tatatlong pung minuto na akong nasa loob ng book store habang nag mamasid sa gusali. At magtatatlong pung sigundo na rin ang nakakalipas ng pumasok sa loob nun si erico at ang mga kaibigan niya.

Iniingatan ko ang bawat kilos ko. Hindi ko alam kung bakit to ginagawa ni erico.

Can you make this game more exciting?

Eto ba ang klase ng 'exciting' na ibig niyang sabihin?

Pagkaalis namin sa hotel, sinabi niyang sundan ko siya kung saan siya pupunta. Nung una nag alangan ako at nagtaka sa sinabi niya.

"Wag mong hahayaang makita ka nila. This game is not yet over."

Ang ibig sabihin, bahagi pa rin ng 'laro' ang ginagawa ko?

Nagbuga ako ng hanggin. Ikinubli ko sa hawak na libro ang mukha ko nang may mamataan akong palabas sa kabilang gusali.

Masyado akong alerto, kaya hindi ko maiwasang nerbiyosin tuwing may lalabas sa gusaling yun. Pakiramdam ko ano mang oras mahuhuli ako.

Mariin akong napalunok ng makitang sila erico na ang lumabas mula duon. Isa isa na silang sumakay ng sasakyan.

Agad akong lumabas ng bookstore at maingat na tinungo ang sasakyan ko. Habang nag kakabit ng seatbelt, nakatanggap ako ng message galing kay erico, sinabi niyang sundan ko lang sila.

Sinimulan ko ng paandarin ang sasakyan at sundan ang kotse ni erico. Hindi ako masyadong dumidikit dahil baka makahalata ang mga kaibigan niya.

Mahigit thirty minute ang biyahe bago kami nakarating sa isang open resto. Nang pumasok sila sa loob nag hintay muna ako ng ilang minuto at saka ako sumunod sa kanila.

Ilan ilan pa lang ang tao sa loob. Pasimple ko nilibot ang paningin at hinanap sila. Nakita kong naka pwesto siya sa walang masyadong tao. Agad akong nag hanap ng pwesto di masyadong kalayuan sa kanila.

Inayos ko ang suot kong summer hat at sunglass. Kailangan kong makasigurong di ako makikita nila onii-chan.

Napansin kong nililibot ni erico ang paningin niya sa paligid marahil hinahanap niya ako.

Nang dumako ang paningin niya sa gawi ko, nakita ang ang isang tipid na ngiti sa labi niya. Di ako sigurado kung ngiti ba iyon. Hirap akong makita dahil malayo siya at may suot pa akong sunglass.

Pero napangiti na rin ako. Oo, nagagawa ko pang ngumiti sa sitwasyon ko. Kahit na alam kong pwede akong mahuli ng kapatid ko.

Kung andito lang si ashley siguradong sasabihan niyang baliw na talaga ako.

Mayamaya lang May lumapit na babaeng waiter sa lamesa nila erico. Napailing nalang ako nang mapagmasdan ko yung waiter titig na tirig kasi siya sa magkakaibigan. Pagkatapos ay bahagya itong ngumiti ng may sabihin si miguel dito. Hindi ko na narinig kung ano yun dahil malayo ang pwesto nila, isa pa, masyadong maingay ang grupo ng mga lalaki na naka pwesto malapit sa akin.

Napansin ko rin na napapatingin ang mga babaeng customer ng resto sa gawi niling lima. Hindi na ako magtataka.

Nakita ko ring panay ang ayos ng kapatid ko sa suot suot niyang baseball cap, nakayuko rin siya. Napanguso nalang ako at umiling.

"Ma'am, would you like to order?"

"H-ha?" Napalingon ako sa waiter na bigla nalang nagsalita sa likuran ko. Hindi ko napansing may nakalapit na pala sa akin waiter.

🔞 Let's Play Secret GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon