Chapter 16
Mirae's POV
mula ng manggaling ako sa study room ni erico, hindi na ako muling nakatulog pa. Hindi na rin bumalik sa kwarto si erico.
Napapaisip lang ako, mali ba ang mga sinagot ko sa kaniya? Pakiramdam ko kasi ay masyado akong nadala sa mga pangyayari.
Tumihaya ako sa pagkakahiga at tumitig sa kisame. Unti unti ng nagliliwanag sa labas.
Saglit akong pumikit bago nagpasyang bumangon na. May kutob akong hindi na rin nakatulog si erico kaya siguradong nasa ibaba na siya.
Nang akmang lalakad na sana ako palapit sa banyo, hindi ko naiwasang mapansin ang pulang mantsa sa kama. Aminado ako na bigla akong pinamulahan ng mukha.
Yun ang magpapatunay na naagkin na ako ni erico, At hindi ko pinagsisisihan ang bagay na iyon.
Wala sa sariling napapangiti na pala ako habang umiiling. Pagkatapos ay nagmamadali na akong pumasok sa banyo.
Nang matapos akong maligo, Muli kong ginamit ang damit na suot-suot ko kahapon. Siguradong magtataka ang mga kasama ko sa bahay kung bakit hindi ako umuwi kagabi. Naalala ko rin na hindi pala ako nakapagpaalam kay ashley bago kami umalis ni erico. Siguradong magtatanong yun kung saan ako nagpunta.
Lumabas na ako ng kwarto at bumaba. Agad kong nakita si erico na nakaupo sa mahabang sofa habang nagkakape. Mula sa tabloid na binabasa, lumipat sa akin ang pansin niya, pagkatapos ay binigyan ako ng matamis na ngiti.
Hindi ko rin napigilan ang mapangiti. Kung ganitong nilalang ba naman ang bubungad sayo araw-araw, sinong hindi mapapangiti.
"Hi." Sabi ko.
"Good morning, sabayan mo na akong mag-almusal." Aniya at hinawakan ako sa kamay. Hindi na ako nakasagot pa.
Dinala niya ako sa dinning area ng bahay. May mahabang lamesa sa gitna nun, habang may mga hilera ng upuan ang nakapalibot.
Inalalayan niya akong maupo bago siya naupo sa tabi ko. May mga pagkain na ring nakahain duon. Mukhang ako na lang talaga ang hinihintay niya.
"Dederetso ka ba ng uwi sa inyo." Tanong niya sa akin habang sinasalinan ako ng kape sa tasa. Sumulyap din siya sa akin.
"Yeah. Baka kasi nagaalala ang mga kasama ko sa bahay. Hindi pa ako nagpasabi na hindi makakauwi kagabi." Kinuha ko ang kape at humigop dun. Hinihintay kong sumagot si erico pero nakatitig lang siya sa akin.
"Sorry, kung bigla kitang dinala dito."
"No, no. It's. . . fine. Marami naman akong pwedeng idahilan. Ako pa." Sagot ko na tinuro pa ang sarili. Bahagya siyang tumawa sa ginawa ko.
Hindi ba pwedeng lagi nalang siyang nakangiti? Gumaganda ang atmosphere sa paligid eh.
Nagsimula na kaming magalmusal hanggang sa natapos iyon habang nagkukwentuhan kaming dalawa. Pero wala sa kahit sino sa aming dalawa ang nagusap tungkol kagabi. Ang akala ko siya ang magbubukas ng topic tungkol dun.
Parang ang iba niya ngayon di katulad kagabi. Pakiramdam ko may dawang katauhan siya, at isa ay misteryoso. Ganun ang naiilarawan ko sa kaniya tuwing nakakasama ko siya.
I want to learn more about him.
Pagkatapos mag-almusal, nagpasya na akong umuwi. Hinatid niya ako sa labas kung saan nakaparada ang sasakyan ko. Iniabot niya sa akin ang susi kanina habang kumakain.
Bago sumakay sa kotse ko ay muli ko siyang nilingon. Gusto ko siyang itanong kung kailan kami uli magkikita, pero nahihiya ako. Hindi kasi ako sanay na walang up date sa kaniya.
BINABASA MO ANG
🔞 Let's Play Secret Game
Fiksi UmumMirae watanabe is been in love with erico villuna. Matagal na niyang tinatago ang nararamdaman para dito, at dahil Alam niyang marami ang tututol, lalo na ang nakakatanda niyang kapatid na matalik na kaibigan ng binata ay nagkakasya na lamang siya s...