Chapter 9
Mirae's POV
"BAKIT ka nagtatago diyan?"
Mula sa pagkakatulala sa malayo, napalingon ako sa taong nagsalita sa aking likuran. Agad naman akong napasimangot nang makitang si hayde yun.
Naglakad siya palapit sa akin at tumayo sa tabi ko. Tumingala siya sa langit na punong puno ng mga bitwin at saka huminga ng malalim.
Pagkatapos ng hapunan kung saan kasalo namin si hayde at ang pamilya niya. Agad akong nag tungo sa veranda ng aming bahay para mapagisa. Ok na sana ang mood ko kung hindi lang lumapit sa akin si hayde. Ayoko lang kasi makaharap ang taong ito.
"They're beautiful, aren't they?" Tukoy niya sa mga bitwin. Pero Hindi ako sumagot sa sinabi niya, nanatili parin akong tahimik.
Hayde and i, were used as friend since we're child. Magkaibigan din ang mga ama namin kaya hindi malabong maging close kami.
Hayde are really such a nice man. Kaya di na ako magtataka kung maraming mga babae ang nagkakagusto sa kaniya. Maliban din kasi sa pagiging mabait at yaman, may itsura din naman itong maipagmamalaki.
Nang tumungtong ako ng high school, Nagtapat sa akin ng pagibig si hayde, habang siya ay nasa kolehiyo naman. Pero ng mga panahong iyon may namunuo na akong pagkagusto kay erico. kaya naman Tinanggihan ko ang pagibig ni hayde sa akin. And After that, hindi ko na siya uli nakita pa. Ang huling balita ko, bumalik na sila ng kaniyang pamilya sa japan. Kaya naman hindi ako makapaniwala ng malaman kong dito na uli magii-stay sa pilipinas ang pamilya nila hayde.
Pero bakit parang kinakabahan ako? Hindi ko maintindihan ang nararamdaman kong pagkabahala.
Sa gilid ng mga mata ko, nakita kong umisod siya palapit sa akin, pasimple naman akong usod din palayo sa kaniya. Para lang kaming mga sira. Kapag lalapit siya, lalayo ako.
Napatigil lang ako sa pagusod palayo ng mabungo ako sa isa sa mga halaman duon. Pagkatapos ay narinig ko ang mahinang pagtawa ni hyde. Nilingon ko siya at sinimangutan. Hindi siya nakatingin sa akin pero muli siyang umusod palapit hanggang nasa tabi ko na siya.
Wala na akong mauusudan, pwera nalang kung tumalon ako sa veranda namin, pero isang malaking kabaliwan iyon. Mapaghahalatang iniiwasan ko nga talaga siya.
"Wala ka ng uusugan." Pabirong sabi niya sa akin. Di ako uli sumagot. "Alam ko namang iniiwasan mo ako, eh."
Muli akong lumingon sa kaniya, at sa pagkakataong iyon may kasama ng irap. "Hindi PO! kita iniiwasan! Gusto ko lang mapagisa."
"Bakit? Broken hearted ka ba? Iniwan ka ng nobyo mo? Tsk! Tsk! Tsk!"
"Hindi! Saka ano bang pakielam mo?" Napipika na ako sa kaniya. Pero mukhang aliw na aliw naman ang lalaking to sa pangangasar sa akin. ang lapad kasi ng pagkakangiti niya. "Sinundan mo lang ba ako dito para asarin?"
"No. Of course not. Gusto ko lang makipag kwentuhan sayo. Ikaw lang tong umiiwas Tapos tinatarayan mo pa ako. Para naman hindi tayo naging magkaibigan yan." Aniya na nakangiti parin.
"Bakit ano naman ang gusto mong pagusapan?"
"Hmm, katulad nalang ng. . . may boyfriend ka na ba?"
Napalingon ako sa kaniya at tinitigan siya. Nakatingin din siya sa akin at hinihintay ang isasagot ko.
"Bakit mo gustong malaman? At saka Ano naman sayo kung may boyfriend na ako? At para sa kaalaman mo, opo! Meron na!" Derederetsong sagot ko. Ni hindi ko na siya hinayaang makapagsalita.
pagtataka at halatang di makapaniwala naman ang naging reaksyon niya. Para bang hindi siya naniniwala sa sinabi ko.
Ngunit ilang sandali lang, bigla siyang ngumiti.
BINABASA MO ANG
🔞 Let's Play Secret Game
Ficción GeneralMirae watanabe is been in love with erico villuna. Matagal na niyang tinatago ang nararamdaman para dito, at dahil Alam niyang marami ang tututol, lalo na ang nakakatanda niyang kapatid na matalik na kaibigan ng binata ay nagkakasya na lamang siya s...