Chapter 7

3K 67 4
                                    

Chapter 7

Mirae's POV

PAGKASARA ko ng pintuan ng kwarto ko ay duon ko lang pinakawalan ang malakas na tili. At pagkatapos ay nagpagulong gulong sa kama. Pero huminto rin ako saglit at tumitig sa kisame.

Pagkagaling ko kanina sa lugar kung saan naruon si erico ay di mawala wala ang kaba ko. Nung una kinakabahan pa ako sa mamaring maging risulta ng gagawin ko. Pero umayon sa akin ang lahat.

Di ko mamakalimutan ang itsura niya kanina habang papalapit ako sa kaniya, kung paanong natutulala siya sa akin. Kinabahan ako ng mga oras na yun at nanlambot ang mga tuhod ko. Ngayon lang ako nakagawa ng ganun sa tanang buhay ko, at sa harapan pa mismo ng taong gusto ko.

Kinagat ko ang ibabang labi at ngumit. Kung may makakakita lang siguro sa akin ng mga oras na to, baka pagkamalan na akong nababaliw. Hindi ko lang mapigilan.

"Nagawa mo mirae. . ." bulong ko habang nasa kisame parin ang tingin. Ngunit mayamaya lang ay naputol ang happy moment ko ng may sunod sunod na katok akong narinig sa labas ng kwarto ko. Agad akong napabangon sa pagkakahiga. inayos ko muna ang sarili bago ko binuksan iyon. Bumungad naman sa akin ang aking ina. May pagtataka sa mukha nito.

"Anak, ok ka lang ba diyan?"

"Y-yes, oka-san!"

"Hontou desu ka? (Are you sure) May narinig kasi akong parang may sumigaw dito, kaya agad akong pumanhik."

"I'm f-fine. May flying cockroches lang po akong nakita."

"Ow. . . ok, sige, bumaba ka na lang mamaya at malapit na tayong mag hapunan." Aniya. Bahagya pa siyang sumilip sa kwarto ko bago muling bumaba. Sinarado ko naman ang pinto ng kwarto ko at nakangiting sumandal dun.

Mayamaya lang biglang tumunog ang cellphone ko sa loob ng bag. Agad kong sinilip kung sino ang nag text. Unknow number lang. Pero hindi na ako nagtaka kung kanino galing iyon nang mabasa ko ang message.

~You naughty girl. Come with my house tonight~

Tinapat ko sa dibdib ang hawak kong cellphone. Mas lalo namang lumapad ang pagkakangiti ko sa nabasa, at the same time ay kumabog ng malakas ang puso ko.

***

KAGAYA ng sinbi ni erico sa text, nagtungo ako sa bahay niya bago pa tuluyang mag dilim. Nagdahilan nalang ako sa mga magulang ko na may pupuntahan lang, dahil siguradong mag tataka sila kung saan ako pupunta ng ganung oras. Buti nalang din ay wala pa si onii-chan sa bahay dahil siguradong hindi niya ako papayagan.

Bumusina ako ng ilang beses bago may kasambahay na nag bukas sa akin. Pagkapasok ko sa loob ng bakuran at maipark ang sasakyan ko, napansin kong andun na rin ang kotse ni erico. It means nasa uwi na siya.

"Pasok po kayo ma'am, kanina pa po kayo hinihintay ni sir sa study room."

"Salamat, pupuntahan ko nalang siya." Nakangiting sabi ko sa kasambahay at nagpatiuna ng umakyat. Hindi ko na kailangan magpasama pa dahil alam ko na kung saan ang study room. Kaya naman ng makarating ako din ay marahan akong kumatok.

"Come in." Erico's voice Echoing in surface of the wall all over the room. Pinihit ko naman ang doorknob at sumilip sa loob.

Nakatayo siya malapit sa open view ng bintana habang may kausap sa telepono. Sinenyasan niya akong pumasok at maupo. Tumalima naman ako at Sinunod siya. Sinenyasan niya rin akong maghintay sandali.

He using a french language while talking the person over the phone. Konti lang ang alam ko sa french pero nalamang kong tungkol sa negosyo ang pinaguusapan nila ng nasa kabilang linya. Nalaman ko ring babae ang kausap niya dahil tinawag niya itong zoe.

🔞 Let's Play Secret GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon