Epilogue
PARANG kailan lang panapangarap ko lang siya at palihim na sinusundan ng tingin mula sa malayo. Umaasa na sana isang araw, mamahalin niya rin ako. Na, hindi ko na kailagan pang itago ang nararamdaman ko sa kaniya, na buong puso ipapakitang mahal ko siya.Pero hindi na iyong sa panaginip at pangarap ko nalang magagawa, dahil alam kong siya na talaga ang binigay sa akin ng tadhana para makasama ng habang buhay.
Marami man akong pinagdaanan, nasaktan man ako ng ilang beses, pero hindi magbabago ang katotoohanang siya parin ang nilalaman ng puso ko. Kaya sa araw na ito, ipapangako ko sa kaniya ang panghabang buhay kong pagmamahal.
"Hey, bakit ka bumubungisngis?" Mahinang bulong sa akin ni erico. Bagamat parehong nakatutok ang paningin namin sa nagkakasal sa harapan namin.
Lumapad ang ngiti ko at sinulyapan siya. "Wala naman, eto kasi yung nakita ko sa panaginip ko. Ikaw at ako, sumusumpa sa harap ng diyos na habang buhay na magmamahalan." Mahina ko ring sabi.
"Well, that was a nice dream. Pero sisiguraduhin nating, marami pang magagandang mangyayari, hindi lang sa panaginip." Aniya at ginagap ang kamay ko. "I will cheris you, my love."
Mas lalong lumapad ang ngiti ko at pinisil ang kamay niya na hudyat ng aking pagtugon. Tumikhim na kasi ang pari sa harap namin, mukhang napapansing may sarili na kaming mundo.
"Now, i pronounce you, husband and wife. You may now kiss your bride." Anunsyo ng pari.
Humarap na kami ni erico sa isa't isa. Dahan-dahan niyang inangat ang belo ko at pinagmasdan ako. "Lovely." Bulong niya pagkatapos ay sinapo ang pisngi ko at ibinigay sa akin ang masuyong halik na tinugunan ko naman.
Palakpakan ang lahat ng sumaksi sa aming kasal. Nang bumitaw na kami sa pagkakahalik ay hawak kamay kaming nagsimulang lumkad palabas ng simbahan. Binati kami ng lahat ng bisita at kinamayan.
Ngayon masasabi kong maayos na ang lahat. Nakakapanghinayang nga lang at hindi na nakapunta si helena. Naiintindihan ko namab siya. Alam kong minahal lang niya si erico, pero masaya ako dahil natanggap na rin niya ang lahat. hanggad ko ang kaligayahan niya.
"Mirae! Congrats!" Niyakap ako ng mahigpit ni ashley at nginitian. Ganun din ang ginawa ng iba.
"Erico, take care of my sister."
"Of course, kuya." Tatawa tawang sabi ni erico. Nagtawanan narin ang iba.
"So, mauna na kami sa inyo guys." Hinawakan na ako ni erico at nalalayan pasakay ng wedding car. Ang kotse na mismong nabili niya sa auction. Pagkatapos ay sumakay na rin siya at pinaandar ang sasakyan. Tanaw pa namin ang pagkaway at walang katapusang pagbati sa amin.
"Wag na kayo tayong dumeretso sa reception?"
"Ikaw talaga." Pabiro ko siyang hinampas sa balikat. Pero ilang sandali pa ay humilig din ako duon.
"Ang saya ko."
"Ako rin, sweetheart." Aniya at sandaling sumulyap sa akin.
"Mister." Tawag ko sa kaniya nang muling katahimikan ang bumalot sa akin.
"Ano yun, misis?" Tanong niya sa akin. Napahagikgik ako at isiniksik pa ang sarili sa kaniya. Ang sarap lang kasi pakinggan.
"Meron sana akong sasabihin sayo. Ihinto mo muna yung kotse."
"Huh? Bakit?"
"Basta. Hinto mo muna." Pamimilit ko. Nagtaka naman siya pero napilitan na ring gawin. Pagkatapos ay humarap siya sa akin.
"Bakit kailangan pa nating huminto?"
"Eh, baka kasi magulat ka sa sasabihin ko."
"Na alin?" Tanong niya parin na tila naguguluhan. Pero hindi ako sumagot. Kinuha ko lang ang kamay niya at inilapat iyon sa tiyan ko. Pagkatapos ay makahulugan ko siyang tinitigan.
Panay ang pagpalit niya ng tingin sa mukha ko at sa kamay niya. Hanggang sa ilang sandali pa ay unti unti nang nalaki ang mga mata niya. "Y-your. . ."
"Yes, i'm pregnant." Maluhaluha kong sabi. Hinihintay ang isasagot niya, pero imbes magsalita ay kinabig niya ako at niyakap ng mahigpit.
"D-daddy na ako?"
"Oo, erico." Usal ko at namimikit na gumanti rin ng yakap, hindi ko na napigilan pang umagos ang luha sa pisngi ko. Ngunit alam kong luha iyon ng kasiyahan.
Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin at hinalikan ako sa labi. "I love you, missis." Bulong niya sa pagitan ng mga halik.
"I love you too, mister."
Sobrang saya ko na wala ng maihihiling pa, dahil ibinigay na sa akin ang matagal ko ng pinapangarap. At Sisiguraduhin kong Mamahalin at aalagaan ko si erico pati na rin ang pumipintig na buhay sa sinapupunan ko. . . Ang simbolo ng aming pagmamahalan.
-MsGlitterPen
WAKAS
NAKANGITING tinatanaw ko ang mga bagong kasal. Parang ang bilis ng mga pangyayari, pero alam kong wala namang imposible sa isang bagay. Kakaiba nga naman kumilos ang tadhana. But, anyway, i'm still happy for them.
"Kenji, anak." Napalingon ako sa mga magulang ko na tumapik sa akin sa balikat. Nakangiti ang mga ito na halatang masaya rin para sa nakababata kong kapatid. "Sa bahay ka ba dedertso ng uwi, hijo?"
"Ah, gomen ne, oka-san. I'm not gonna be sleep in our family house tonight. Maaga kasi ang alis ko. May shoot pa ako."
"Ganun ba?"
"Yeah. Kaya nga po. Magpapaalam na rin ako ng maaga." Humalik ako sa pingi niya at yumakap sa aking ama. "Sabihin niyo nalang po kay mirae na nakaalis na ako."
"Hindi na ba ikaw ang magpapaalam mismo?"
"Hindi na po. Siguradong pipigilan niya lang akong makaalis agad. Sige na po." Yun lang at tumaliod na ako. At nagtungo na sa sasaktan ko para umuwi.
Pakiramdam ko rin ay napagod ako at kailagan ko ng mahabang pahinga. Kaya naman binilisan ko na ang papatakbo ng kotse.
Nang makauwi ako sa condo unit na tinutuluyan. Agad akong dumeretso sa mini bar at kunuha ng alak at baso. Bago naupo sa sala at automatikong binuksan ang telebisyon.
I sudden feel relived when a someone familyar face popped up on tv screen. Napangiti akong nagsalin ng alak sa baso at dinala iyon sa bibig ko.
Isinandal ko ang likuran ko kasabay ng pagtanggal ng bow tie sa leeg ko, habang hindi inaalis ang mga paningin ko sa screen ng tv kahit ilang sigundo. Because all i wanted is to gaze her face, even only from the tv screen. Pakiramdam ko kasi ay nawawala ang pagod ko tuwing nakikita ang mukha niya.
"We will meet again soon . . . Freya." Mahinang usal ko at muling sumimsim sa alak habang nakangiti.
~~
BINABASA MO ANG
🔞 Let's Play Secret Game
Ficción GeneralMirae watanabe is been in love with erico villuna. Matagal na niyang tinatago ang nararamdaman para dito, at dahil Alam niyang marami ang tututol, lalo na ang nakakatanda niyang kapatid na matalik na kaibigan ng binata ay nagkakasya na lamang siya s...