Chapter 10

3K 46 1
                                    

Chapter 10

Mirae's POV's

HINDI KO alam kung paano sasalubungin ang tingin ni erico. Nahihiya ako. Ano kaya ang iniisip niya sa akin ngayon?

Pagkatapos kong sabihin ang mga salitang iyon, nakakabinging katahimikan lang ang namagitan sa aming dalawa. Pero bakas sa mukha niya ang pagkaaliw base sa pagtaas ng sulong ng kaniyang labi.

Napakagat naman ako sa ibabang labi ko. Ramdam ko ang pamumula ng akin mukha. Bakit wala siyang tugon na kahit ano? O baka naman wala talaga siyang balak na pumayag? Ako lang ba ang umaasa?

Hahakbang sana ako palayo sa kaniya pero mabilis niyang hinapit ang bewang ko at hinila ako papalapit sa kaniya.

"Fine." Mahinang sabi niya sa akin habang nakatingin sa mga mata ko. Napauwang naman ako ng bibig at nanlaki ang mga mata.

"W-what?" Halos pabulong na usal ko.

"Payag na ako."

"T-talaga?" Paninigurado ko pang tanong. Parang sasabog ang dibdib ko sa tuwa.

Tumango siya. Dahan dahan na rin niya akong binitawan.

"But of course we must to be careful. After all, I don't wanna catch by your brother." Bumubungisngis niyang sabi sa akin. "So, i prepair some rules."

"Huh? Rules?" Takang tanong ko.

Hindi nawala ang mapaglarong ngiti sa labi niya. Para bang may hatid yung kaba sa akin.

"Yes." Lumayo siya mula sa pagkakadikit sa akin at sumandal sa lamesa. Pero hindi niya inalis sa akin ang tingin. "Pumapayag ako sa gusto mo, pero kailangan mo ring sundin ang rules ko. . . sa larong to."

"L-laro?" Manghang untag ko sa kaniya. Mukhang alam ko na ang ibig niyang sabihin.

"Let's continue our first game. . . and i calling this a 'hide and seak'." Lumapad sa pagkakangisi ng mga labi niya at napalitan iyon ng ngiti.

Napailing nalang ako. But This time gumanti rin ako ng pilyong ngiti. "Sounds fun."


***


HANGGANG ngayon parang nililipad parin ako dahil sa tuwa. Hindi ako makapaniwala na nagawa kong mapapayag si erico, Kahit na alam ko mahihirapan ako sa gusto niyang ipagawa sa akin; ang walang makaalam ni isa sa mga kaibigan niya ang balak kong pagsunod.
Erico wants me to play it like a hide and seak. Oo, sa madaling salita hindi ako pwedeng mahuli nila onii-chan, kailang kong magingat.

Muli kong ibinalik ang pansin ko sa daan. Alas kwatro palang ng madaling araw ng umalis na ako sa amin. Nagdahilan nalang ako sa parents ko na may aasikasuhin tungkol sa aking business. Pero walang kaalam alam ang mga ito sa totoong pupuntahan ko.

Lubak ang mga kalsadang dinaanan ko. Medyo nahirapan din ako dahil madilim pa ang paligid. Pero pagkatapos ng mahaba at nakakapagod na biyahe, sa wakas narating ko rin ang lugar na pakay ko. Sigurado akong wala pa sila erico. Sinabi niya sa akin na alas nueve pa ang dating nila sa lugar na iyon.

Luminga ako sa paligid. Mangilan ngilan na mga tao sa kalsada. Napansin ko rin na maraming mga nakatayong istablisymento sa paligid, halos lahat ay puro hotel. Meron ding mga kilalang hotel ang makikita dun. Talaga ngang puntahan ng mga turista ang lugar na to. Hindi na ako magtataka kung bakit nila dito napiling magtayo uli ng business.

Sinipat ko ang wristwatch ko at Minabuti ng maghanap ng matutuluyan. Alam ko kung saan hotel mag che-check in sila erico. Pero mas pinili kong mag check in sa ibang hotel. Ngunit hindi kalayuan sa kanila. Mas mainam na rin iyon, kailangan kong ring makasiguro na wala makakakita sa aking.

🔞 Let's Play Secret GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon