Chapter 26Mirae's POV
"PLEASE, erico. Answer the phone!" Mahinang usal ko habang pabalik balik sa paglalakad. Hindi ko na mabilang kung ilang sigundo na akong naghihintay na may sumagot sa kabilang linya. Para bang gusto kong paghinaan ng loob dahil hindi man lang sinasagot ni erico ang tawag ko.
Muli kong inalis ang aparato sa tapat ng tenga ko at dinayal uli ang numero. Buti na lang at kabisado ko ang number niya.
Pagkatapos maidial ay tinapat ko nanaman iyon sa tenga ko. Lumingon ako sa kasambahay namin na nasa tapat ng pintuan ng kusina. Mababakas sa mukha nito ang pagkabahala habang magkasalikop ang mga kamay. Panay ang pagsilip nito sa labas at sa akin.
"Ma'am, mirae. B-baka po mahuli tayo ng ama niyo. Malalagot po ako duon kapag nalaman ho niya na pinagamit ko po kayo ng cellphone. Baka po, tanggalin niya ako sa trabaho." Kabadong usal nito. Naiintindihan ko siya. patago kasi akong nakiusap na makiheram ng cellphone nito para lang makausap si erico, pero ni hindi man lang sinasagot nito ang isa sa mga tawag ko.
"Manang, sandali nalang. Please. Kakausapin ko lang si erico." Pagpapakiusap ko. Muli nag ring ang kabilang linya. Umaasa na akong sasagutin na niya iyon, pero matagal na lumipas, ganun pa rin. Na bigo ako.
Inisip ko na hindi kaya nagpalit na siya ng numero Para lang hindi ko na siya matawagan kung sakali? O baka, pakana nanaman iyon ng babaeng si helena. Malakas ang kutob ko na may ginagawa na siya para harangan ako kay erico.
Ano bang problema ng babae na iyon? Hindi ba't kasal na siyang tao? Bakit parang hindi nito gusto na may umaaligid na iba kay erico?
"Come on!!" Inis ng usal ko habang mariing magkalapat ang nga ngipin. Humigpit na rin ang pagkakahawak ko sa apataro.
Nang muli akong maglakad at mapalingon sa kasambahay, ganun na lang ang gulat ko nang makita si hyde. Mataman siyang nakatitig sa akin habang nakahalukipkip at nakatayo sa pinto. Hindi pa pala siya nakakauwi.
"Patay." Rinig kong bulong ng kasambay namin at mabilis na tumalilis palabas ng kusina. Samantalang ako ay hindi man lang itinago sa kaniya ang lantaran kong pagcontact kay erico. Sa halip ay sinalubong ko rin ang tingin niya. Wala akong dapat ikatakot.
Walang kahit anong reaksyon ang mababakas sa mukha niya. Inisip ko na galit siya sa akin at isusumbong niya ako sa aking ama, pero sa halip na puntahan ang ama ko, Bumuntong hininga lang siya.
"Erico villuna pala ang pangalan niya. A one of a famous car racer and kenji's friend. . . Naririnig ko nga siya." Anito. Sandali siyang tumigil at yumuko. "I know you already knew that i still like you. Mag sisinungaling ako kung sasabihin ko sayong hindi ako pabor sa gusto ni uncle eiji na ikasal tayo."
"But i still don't. Hindi magbabago ang disisyon ko, hyde." Malumanay na paliwanag ko. Ngunit bahagya ding napakunot nang tumango siya na tila sumasangayon.
"Alam kong Hindi ito madali sayo."
"Then bakit gusto mo paring pakasalan ako kahit na alam mong meron na akong ibang mahal?" Sandali siyang hindi sumagot at Pinakatitigan lang ako ng mataman. "Hyde, pagiging kaibigan lang talaga ang kaya kong ibigay sayo." Mahinanag sabi ko. Para naman siyang nanlumo dahil dun.
Makikita ang lungkot sa mga mata niya. Hindi ko naman siya masisi dun dahil alam kong nagmamahal lang siya. Pero. . .
"Hyde."
"You're really love that guy?" Aniya. Bahagyang may mumunting ngiti sa labi niya pero walang sigla. Tumango tango naman ako ng walang pagaalinlangan. "Fine. Kung gusto mo, Tutulungan kitang makausap siya."
BINABASA MO ANG
🔞 Let's Play Secret Game
General FictionMirae watanabe is been in love with erico villuna. Matagal na niyang tinatago ang nararamdaman para dito, at dahil Alam niyang marami ang tututol, lalo na ang nakakatanda niyang kapatid na matalik na kaibigan ng binata ay nagkakasya na lamang siya s...