Chapter 30

2K 45 8
                                    

Chapter 30

Mirae's POV

"I WILL looking forwad to it next time miss, watanabe. Sana nga lang swertihin akong umabot sa mga bagong designed clothes na ilalabas ng companya mo."

Napangiti ako ng marinig ang sinabi ng ka-meeting client kong si mrs. Romessa. Kasalukuyan kaming nasa reataurant at katatapos lang makipag deal. Natutuwa ako at maganda ang naging kinalabasan ng pakikipag usap ko sa kaniya.

"Wag kayong mag alala, mrs. Romessa, pwede naman kayong mag pa reserve sa amin. Or, ii-e-mail na lang po naman kayo for updating."

"Aasahan ko kay ms. Watanabe." Nakangiting sagot nito. "Oh, by the way. Nakarating na pala sa akin ang balita, Congratulation for your upcoming wedding. Sinong maswerteng lalaki naman mapapangasawa mo?" Nakangiti niyang sabi.

"Ah, he's a family friend." Sagot ko. "his name his hayde aikawa."

"Ow. Is he the son of tamaraki aikawa? The ceo of aikawa group in japan." Paniniguro ni mrs. Romessa.

Nabigla naman ako sa narinig. "You know him, ma'am?"

"Of course, na meet ko na rin siya dati sa isang business party na dinaluhan ko sa japan. Well, i could say, you really found a nice guy. Ms. Watanabe. Hindi lang siya gwapo at mayaman. Mukhang responsable ring tao si mr. Aikawa. Sa tingin ko nga ay bagay kayo. Hay, nakakamis tuloy ang maging dalaga." Aniya.

Samantalang Alanganing ngiti at pagyuko lang ang naitugon ko sa kaniya. Wala kasi akong maapuhap na maisasagot sa mga sinabi ng ginang.

Bakit ganun? . . . Bakit hindi ko magawang matuwa sa papuri ni mrs. Romessa? Hindi ba dapat maging masaya ako sa mga ganung pahayag ng iba?

At bakit tuwing sasabihin ng ibang tao na nababagay kami ni hayde, Ibang imahe ang bigla nalang tumatakbo sa isip ko, na kahit anong pilit kong alisin, ayaw mawala.

Humigop ako ng kape at marahang umiling. Akala ko ba ay dapat ko ng ilugar ang sarili ko sa nararapat? Pero bakit may bahagi ng pagkatao ko ang  paulit ulit paring humihila sa akin. . . Pabalik sa dati? At alam kong Mali iyon dahil, Nagiging unfair ako lalo na kay hayde. Nangako ako sa kaniya. At paninindigan ko ang pangakong iyon.

Huminga ako ng malalim at Hindi na nagbigay pa ng komento sa ginang hanggang sa magpaalam na kami sa isa't isa. Pero nagsisimula ng guluhin ng kung ano anong bagay ang utak ko.

Una ng umalis si mrs. Romessa. Samantalang Nagpalipas pa muna ako ng ilang minuto sa coffee shop bago nagpasya na ring umalis.

Stop thinking of it!

Bulong ko sa sarili. Tumayo na ako sa kinauupuan at naglakad na patungo sa pinto. Pero ganun na lang ang pagkakahinto ko at pagkatulala. Nang sumalubong sa akin ang taong kanina lang ay gumugulo sa isipan ko.

Erico seems suprised too. Mukhang hindi niya inaasahang magkikita kaming muli. Pero naging saglit lang iyon dahil ang pagkabigla sa mukha niya ay agad ding nawala at napalitan ng tila galak at pag lapad ng ngiti.

Gusto ko sanang isipin na baka nililinlang lang ako ng aking mga mata. Pero hindi ko pwedeng pasinungalingan ang nakikita ko mismo sa harapan ko.

Ngunit Bakit naman siya matutuwang makita ako?

"Mirae?. . . It's nice to see you here. . . Mukhang pinagtatagpo yata tayo." Sabi niya at mas lalong lumawak ang ngiti.

"Baka nagkataon lang." Patamad na sagot ko sa kaniya. Pinahihiwatig kong hindi ako interesadong sa muli naming pagkikita. Pero mukhang hindi niya iyon napapansin.

🔞 Let's Play Secret GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon