Chapter 1: Introducing Me and Them

234 2 0
                                    

Prologue

Sabi nila love never dies. Eh yung sa akin nga, matagal ng patay. Patay sa puso (Chos). Di rin naman ako masyadong naniniwala dun eh kasi sabi nila kahit ilan pa ang mahalin mo, mananatili pa rin ang feelings mo sa first love mo. Nasubukan ko namang magmahal ulit pero nawala naman yung feelings ko dun sa lalaking yun. Ay ewan! Pero everytime I remember his texts, napapangiti ako at kinikilig ako. Kaya nga minsan, napagkakamalan akong may epilipsy at ewan eh. Kasi naman po, di ko maiwasang mapangiti lang bigla. Eh ikaw ba naman magkameron ng boyfriend na ubod ng sweet kahit sa texts man lang. At sad to say, di ko pa siya nakita kasi sa texts lang kami nagkakilala pero kaagad akong nahulog sa kanya. Ay ewan! Di ko rin alam kung bakit ko siya sinagot. Eh ang ugali ko kasi, ayokong nililigawan sa texts. Anong akala nila sa isang katulad ko, bata na pwedeng tanungin tapos sasagut agad? Naku, di ako ganun pero sa kanya, ewan, nabulag ako masyado sa kanya eh. Para bang siya lang ang lalaki sa mundo at that time. Kaya bigla ko siyang siyang sinagot. Pero remember, di ko pa siya nakita nung mga panahong yun kasi sa text nga lang kami nagkakilala diba? Ah basta, ganito kasi yun, ITO NA!

Chapter 1

Nandito ako ngayon sa starbucks ng isang mall dito sa manila with my friends. Pa'no ba naman eh gusto nilang maghanap ng mga ga-gwapong lalaki. Naku naman, ang mga babae talaga ngayon, ang aarte na. Tapos kung maging ina, iiyak. Ay ampupu, kagustuhan mo yan diba? Buti pa ako, simple lang at wala ng ibang pinangarap kundi magkameron ng boyfriend na matino. By the way, ako nga pala si Era Jane Castro, a 16 year old student from UP. Well, define Era, isang maputi, simple, matalino, mayaman at maganda syempre. Maganda nga ako pero wala naman akong manliligaw AS OF NOW kasi bawal pa daw sabi ni daddy pero gustong gusto ko na talaga magka-boyfriend. Kaya nga sinagot ko siya diba? Kasi gusto kong ma-feel kong paano magka-boyfriend..

"Girl, look at that girl, ang pangit. Pero ang lalaking kasama niya, naku, I'm melting." Malakas makapanlait diba? Palibhasa, siya ang pinakamaganda sa'min kaya maraming  manliligaw yan. Meet Shane Shi,  half korean, half filipino. Pure Laitera, Pure Maldita. Siya rin ang pinaka-maarte sa amin lahat. Korean nga naman.

"Oo nga. Naku, baka naman girl katulong lang." Sabat naman ni Ashley Chua, pure filipino pero pure inggitera at malakas sa mga lalaki... Ewan ko ba kung anong meron sa kanya na wala sa iba. Pero take note, LAHAT KAMI MAGAGANDA kaya wag ka ng magtaka, okay? At dahil sa pagiging inggitera niya, marami siyang nakaka-away na babae. Kasi naman po, inggitera siya sa lalaki hindi sa bagay.. Kaya kung ako sa'yo, wag kang magsama ng boyfriend mo na ubod ng kagwapohan kung ayaw mong mawala siya sa'yo.

"Kayo naman, grabe kayo kung makapanlait ha." Anghel ako ngayon. Pero ako ang pinakamaldita sa'ming lahat. Wala ako sa mood para makipag-malditahan ngayon dahil mabait ako. Bakit?

"Anong meron sayo ngayon at para kang anghel ha?" Tanong sa akin ni Shane.

"Guess it." Sabi ko sa kanya.

"I'm not a fortuneteller para gawin ko yun." Naka-taas kilay na sabi niya.

"Okay." Susubo na sana ako ng kinakain kong ice cream ng biglang magpa-OHMYGOD si Ashley.

"Oh My god! Girls, look, ang INIT!" Napasigaw siya kaya biglang tumingin ang mga tao sa kanya.

"Manners naman girl. Nakakahiya ka namang kasama." Maarteng sabi ni Shane.

"Eh sa susunod, wag ka ng sasama!" Inis na sabi ni Ashley.

"At bakit naman? Pinagsasabihan lang naman kita. Mahiya ka nga, nagsitinginan ang mga tao sa'tin." Naiiritang sagot naman ni Shane.

Mr. TextmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon