Nung natapos na ang klase, nagsitayuan na sila at isa isang lumabas. Naiwan kami nila Jane, Ashley at Shane. Nandito rin yung bagong katropa ko sila Drake, Luke, James, and Mark.
"Sige mga tol, alis muna kami ha." Paalam ko sa kanila...
"Sige, sige." Sabinaman ni James... Pinuntahan ko naman si Jane sa isang sulok at hinawakan ko yung kamay niya kaya naman napatingin siya sa'kin bigla.
"Yes?" Tanong niya sa'kin habang kita naman sa mukha niya yung pagtataka.
"Alis na tayo." Kumunot noo naman siya.. Wala pala sa usapan namin ang aalis kaming dalawa ngayon..
"Teka, wala naman tayong usapan ah." Sabi niya sa'kin. Kaya naman napatingin yung mga kaibigan niya..
"Tss. Pupunta tayo ng hotel.. Tara na.." Sabay hila sa kanya... BIgla namang nag 'GOOD LUCK" say yung mga kaibigan niya. Nung napadaan naman kami kina Mark, bigla nila akong tinapik sa braso at sinabihang "DAHAN DAHAN" sabay tawa nilang apat. Kaya naman binatukan ko sila, isa isa..
Nung nakarating na kami sa parking lot, di siya nagsasalita. Nakayuko siya habang hawak hawak niya yung keychain ng bag niya.. Ano ba to, parang di naman tama yung ginawa ko..
"Babes?" Di siya sumagot..
"Joke lang yun.. Pupunta tayo sa resto.. Tinawagan kasi ako kanina ni Mimi..." Di pa rin siya nagsasalita.. Teka, ano nga pala yung mali ko dun? Hotel lang naman ang sinabi ko ah.. Wait.
"Oy babes, gal-----"
"BITAWAN MO KO! Masakit na yung kamay ko!" Sabi niya habang nakasimangot sa'kin.
"Sorry.. Tsaka galit ka ba?"
"Hindi.. Naiinis lang ako.. Bakit ba sa HOTEL pa ang sinabi mo? Ang raming pwedeng i-excuse, HOTEL pa? Tss." Tapos tumingin siya sa left side..
"Sorry na.. Hehe. Tara na nga, baka hinihintay na tayo ni Mimi dun eh." Papasok na sana ako sa drivers seat ng nagsalita siya ulit.
"Sino pala si Mimi? EX mo?" Tanong niya habang nakayuko.. Nilapitan ko naman siya saka hinawakan yung dalawang kamay niya.
"Pagsinabi ko bang oo, magagalit ka? Tsaka nagseselos ka ba?" Di pa rin siya tumitingin sa'kin.
"Tara na." Akmang papasok na siya pero pinigilan ko siya.
"Sagutin mo muna yung mga tanong ko sa'yo." Tumingin siya sa'kin na parang inis na ewan.. Ano ba to, di ko ma-describe.. >_<
"Hindi.. Ba't naman ako magagalit? Tsaka ako? Nagseselos? Imposible!" Sabi niya habang ngumingiti, NGITING PILIT..
"Asus.. Halata namang nagseselos ka eh."
BINABASA MO ANG
Mr. Textmate
Teen FictionShe thought, she could find a man who will stand for her even in the text but she's wrong and finally be right..