Hindi maganda ang umaga ko dahil kay Jade at sa mga kaibigan ko. Akala ko, tatawag pa siya ulit pero hindi na pala. Pinaasa niya ako at pinaghintay niya ako. At mas lalo naman sa mga kaibigan ko na pupunta dito para lang makita si kuya. Pa'no nila nalaman? Syempre tinext sila eh. At anong akala nila sa kapatid ko, artista? Sabagay, eh sa kagwapohan ba nun di maging mukhang artista.
Natatakot lang ako para sa kapatid ko kasi baka landi-in ni Ashley. Alam mo na ang babaeng yun, di lang pagiging inggitera ang meron nun. Tsk.
Pagbaba ko, nakita ko si kuya sa pool, shirtless. Nage-exercise kasi. Kailangan niya kasing i-maintain yung ABS niya gaya ng sabi niya sa'kin noon. Naku naman. Mga lalaki rin ngayon noh, kahit malaman na, magpapa-lamani pa.. Ampupu talaga. Iba na talaga ang generation ngayon. (GIRL's BRING THE BOYS OUT XD)
Pumunta muna ako sa pool kasi wala lang. Trip ko lang pumunta dun.
"Oh ba't parang nakasimangot ka?"
"Wala."
"Ano yun, parang kang tanga, nagsisimangot ng walang rason."
"Ah basta, wala ka ng paki dun."
"Siguraduhin mo lang na pumunta yung boyfriend mo ngayon dito."
"Anong gagawin mo?"
"Mamatay siya kung di siya pumunta dito."
"Tsk." Speechless talaga ako pag si kuya ang kausap ko.
"Oh, nandito na pala mga kaibigan mo. Ayun oh." Naku naman, anong oras palang, 8 palang andito na agad sila? Di pa nga ako kumain ng breakfast eh. Kaagad akong tumayo at pumunta sa kanila.
"Gosh, girl, yan ba kuya mo?" Tanong sa akin ni Ashley.
"Oo bakit?" At naghiyawan sila. Nag-wave siya kay kuya at pagtingin ko, nag-wave din si kuya.
"Naku girl, baka di na ako makalabas dito sa bahay niyo mamaya." Maarteng sabi ni Ashley. Sabi ko na nga ba eh.
"As if naman di kita papalabasin." Mataray kong sagot sa kanya.
"Papasukin mo nga kami. Para namang di mo kami kaibigan." Sabat naman ni Shane. Pinagbuksan ko sila ng gate. Sosyal diba? Kailangan talaga ako ang magbukas eh sila ang may kailangan hindi ako..
Didiretso na sana si Ashley sa pool kaso pinigilan ko siya at pinasama ko siya sa loob kaya bigla siyang sumimangot.
"Girl, pabayaan mo nga ako. Minsan lang naman to eh. At kuya mo pa."
"Subukan mo lang landiin ang kuya ko, magiging malandi ka talaga sa gagawin ko."
"Ba't ba ang init ng ulo mo ngayon ha?" Tanong naman sa akin ni Shane.
"Eh nakakainis kasi si Jade. Sabi niya kagabi, tatawagan niya ako pero di na siya tumawag. Hinhintay ko lang naman siya hanggang 12."
"Oh really? Baka naman nakatulog lang?"
"Baka nga." Mataray na sagot ko.
"Yun lang?" - Shane
"Hindi. Kasi pinapapunta pa siya dito ni kuya kasi kakausapin niya."

BINABASA MO ANG
Mr. Textmate
Teen FictionShe thought, she could find a man who will stand for her even in the text but she's wrong and finally be right..