Chapter 19: New four lovely friends + Jade meeting my father

10 0 0
                                    

"Ito nga pala si Angela Allison, Pamela Gamboa, Shane Pellas, Lara Andrea Palumpon. Sila yung sinasabi ko sa inyong mga bagong kaibigan na imemeet.." Nag-hi naman sila sa'min at nagpalitan ng ngiti..

"Boyfriend mo teh?" Napatanga muna ako sa pagtanong sa'kin ni Angela..

"Uh, oo.." Nahihiyang sagot ko..

"Infairness ha, ang galing mo pumili plus, grabe kayo kanina ha, nagharutan talaga kayo diyan... " Tapos tawanan.. Ako naman, mas lalong hinigpitan ko yung hawak ko kay Jade.

"Yeah yeah. Ang swerte niya talaga diyan sa boyfie niya.." Sabi ni Ashley sa kanila.

"Pero ang malas ng boyfriend niya.." Sabi naman ni Shane.. anak ng!

"Hahaha" Tawanan nila.. Napasimangot na lang ako sa sinabi ni Shane.. Humanda ka mamaya.. Papatayin kita ng bonggang bongga..

Inalis ni Jade ang pagkakahawak ko sa braso niya at inagbayan ako..

"Sinong nagsabi sayong malas ako? Eh ang totoo niyan, ang swerte ko nga eh kasi lahat binibigay niya.."

"Talaga?" Di makapaniwalang tanong ni Lara.

"Oo..." Maikling sagot ni Jade.

"Katulad ng?" - Pamela

"Katawan niya.." Dahan dahan itong ngumiti ng malapad saka tumingin sa'kin. Siningkitan ko lang siya ng mata.. -_-

"Oh em... Really? Grabe.. Level up teh." Sabay level up ng kamay si Shane Pellas..

"Wahaha. Tara na nga.. Masyal muna tayo.."

Harutan sila ng harutan habang kami ni Jade, nasa likod lang nila.. Nakakatuwang tingnan yung ibang tao.. na nakatitig sa'min.. Hahaha.. Nga naman, kanina pa yan pero di ko sila pinapansin..

"Jade?"

"Yes?" Sabay tingin niya sa'kin.

"May dumi ba sa mukha ko?" Napakunot noo muna siya bago niya ako sinagot..

"Wala.... Bakit?"

"Hihi. Wala.. Bilisan na nga lang natin, nahuhuli na tayo sa kanila.." Tatakbo na sana ako ng hilain niya ako kaya naman, napasandal ako sa ahim, wait, malaki niyang........ chest...

"Ano ba?" Mahinahong tanong ko sa kanya.

"Iiwan natin sila dito. Ang boring.." Napatawa na lang ako ng mahina. Haha. Sino bang hindi mawawalan ng gana kung parang feeling nila, sila lang ang magkakasama? diba?

"Tara na.." Sabay hablot niya sa kamay ko at bumaba na kami...

Naalala ko bigla yung pinagusapan namin ni dad.

"Teka, babe?" Sabay ng paghinto naming dalawa at lumington siya sa'kin.

"Yes?"

"Punta ka sa bahay... Please?"" Humarap siya ng maayos sa'kin at tinaas ang kanang bahagi ng kilay niya.

"Why?"

"Ewan ko. Basta, Dad wants to see you..."

"Are you sure?" Kabang tanong niya. Tumango na lang ako sabay hawak sa kamay niya.

"C'mon. Let's go..' Dumiretso agad kami sa condo unit niya dahil magbibihis at magpapapogi daw muna siya.

Pagkadating namin sa bahay, nadatnan ko si mama na nakaupo sa may sala.

"Ma, si dad?"

"May binili lang anak. Pero pauwi na rin yun.. Bakit?"

"Wala po. Sige po, akyat muna kami sa taas." Nabigla naman ako nung biglang tumakbo si Jade papunta sa kwarto ko.. Pagkabukas ko, nakita ko siya sa may kama ko, nakaupo, takot na takot.

Mr. TextmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon