Maaga akong nagising dahil sa sikat ng araw na bumulaga sa mukha ko. Tumingin naman ako sa right side ko, si Jade, natutulog pa. Tss.
Tatayo na sana ako kaso bigla niyang hinablot yung kamay ko kaya naman napahiga ako ulit at napasubsub yung mukha ko sa chest niya...
"Dito ka lang muna babe. HIga lang muna tayo."
"J-jade a-ano ka ba.. Wait nga." Pero di niya ako pinansin... At mas hinigpitan pa niya yung pag-hug sa'kin kaya halos di na ako makahinga. Anong klaseng sweetness to? Eh mukhang pinapatay na nga ako eh.
"J-jade, di ako makahinga." I try to push him pero ang lakas niya.
"Jade, ano ba!" Mukhang napansin na niya siguro na hindi ako nagjo-joke kaya pinakawala niya yung hug niya sa'kin.
"Papatayin mo ba ako?! Di ako makahinga kanina!" Nag-smile lang ang mokong.. Walang hiya.. >_<
"Sorry mahal ko."
"Sorry ka diyan." Tapos nakangiti pa rin siya. Hinug na naman niya ako but this time, yung okay na hug...
"Alam mo bang pangarap ko to? Yung makasama yung mahal ko." Kumunot noo naman ako kahit alam kong di niya makikita yung mukha ko.
"Bakit?" Tanong ko sa kanya sabay tingin sa mukha niya.
"Wala lang. Gusto ko lang. Ang sarap kasi sa feeling eh." Tama nga naman siya,a ng sarap sa feeling na kahug mo yung taong mahal mo lalong lalo na kapag siya yung pinakunang taong makikita mo, paggising mo ng umaga. :)
"Wag mo na akong iiwan ha." Kumunot na naman ako.
"Anong wag kitang iiwan ulit? Bakit iniwan na ba kita?" This time tinanggal na niya yung hug niya sa'kin.
"I mean, wag mo kong iwan.." Tapos nag-smile siya sabay kiss sa forehead ko. "Akin ka lang ha." Nag-nod na lang ako sa kanya. Talagang pagmamay-ari niya na ako ah.. :D :D :D
Pagkatapos naming maglambingan sa taas (chos), dumiretso agad ako sa kusina niya at ipagloloto siya ng ulam.
"Jade, ano ba yung gusto mong ulam?" Tanong ko sa kanya habang nanonood siya ng tv.
"Ham na lang babe." Kaagad naman akong kumuha ng ham sa refrigerator. Ang daming stock. Kahit mga fruits.. Punong puno talaga yung ref niya. Yaman!.
Pagkatapos kong lutuin ang sampung ham, (oo sampu. Wag na kayong magtaka dahil pareho kaming matakaw sa pagkain) hinanda ko agad sa lamesa. Tatawagin ko na sana siya kaso may kausap siya sa phone. Nakinig naman ako.
"Oh Dad, napatawag ka?" Tanong niya dun. Daddy niya siguro. Dad nga diba?
"Kasama ko po yung girlfriend ko.......... Don't worry dad, we're going home later........sige, bye." Kunwaring may ubo ako tapos lumapit sa kanya at hinug siya.
"Yes baby?" Sabay kiss niya sa'kin sa noo. Ang sweet talaga..
"Kain na tayo." Nag-smile naman siya. Pero di ko inaasahan ang susunod niyang gagawin. Bigla niya akong binuhat na parang bagong kasal...
"Jade, ibaba mo ko.." Sabay palo sa dibdib niya.
"Ang bigat pala ng baby ko.. Tss." Tapos nag-smile siya. Pinipilit ko siyang ibaba ako pero ayaw niya hanggang sa dumating na kami sa kitchen.
"Don't tell me, di mo ko ibababa?"
"Tss. Bigat mo kaya. Oh ayan."
"Loko to." Sayang, di siya natamaan ng kamay ko kasi bigla siyang umiwas.
"Hahahaha. Graaaabe, ang epic ng face mo dun babe.. Hahahaha." Wow, talagang pinagtawanan niya ako sa walang hiyang ginawa niya. Bigla lang naman niya akong binaba kaya napauntog yung pwet ko.. Nakaupo na siya ngayon sa sahig habang hawak hawak niya yung tiyan niya. Ako naman, dahil sa inis, nag-walk out ako. Kaagad naman niya akong hinabol.
BINABASA MO ANG
Mr. Textmate
Teen FictionShe thought, she could find a man who will stand for her even in the text but she's wrong and finally be right..