Chapter 10: The Maldita is Back. ~_~

18 0 0
                                    

Matapos ang christmas at new year, pasukan na naman ulit. Gaya nga ng sabi ko, mabait lang ako noon kasi Christmas. But this time, ako na to. Yung totoo.

Taas noo akong naglalakad sa hallway ng may nakabangga sa'kin.

"My God, bagong taon na. Tumingin ka nga sa dinadaanan mo." Sabay taray sa kanya.

"Miss sorry."  Sabi nung lalaki..

"Tss." At umalis ako ng tuluyan. Buti na lang at may protection ang skin ko dahil kung hindi, baka nadapsan pa ako. Chos. OA ba? Wag ka ng pumalag!

Pagkadating ko sa taas, nadatnan ko sila Shane at Ashley.

"Girl. Musta ka na?" Maarteng tanong ni Shane sa'kin.

"Hmmm, ito okay naman."Sabi ko sa kanila habang hindi tumitingin.

"Alam mo ba girl, sinagot ko na si Carlo." Tumaas naman ang kilay ko. Wait, still recognizing. Napansin naman ata niya na di ko nakilala kung sino yung Carlo na pinagsasabi niya.

"Haay naku. Si Carlo. Yung pinakilala sa'tin ng boyfriend mo. Yung kapatid ni Bianca." Lumiwanag naman ang mukha ko. Okay, naaalala ko na siya. Tss. Siya yung sinasabi kong Mr. Handsome.

"Girl, di mo lang ba ako ico-congrats?" Malungkot na tanong sa'kin ni Ashley.

"Well, congrats." Sabay tingin sa kanya at balik kuha ng phone sa bag at text.

"Okay." Tumahimik muna kami ng nagsalita naman si Ashley.

"You're back?"

"Yeah, I'm back! At ako na to, yung totoo." Mataray na sagot ko sa kanila..

"Oh okay..." Maya-maya, dumating na rin yung walang kwentang teacher namin. Boring talaga ang mga nagtuturo dito kahit kailan.. Pssh!

-

Pagkatapos ng morning subjects namin, tinext naman agad ako ni Jade na sabay daw kami mag-lunch. In-accept ko na lang, treat niya eh. Mahirap ng ireject.

"Hi babe." Sabay kiss niya sa cheeks ko.

"Gosh Jade! Alam mo bang ang init dito kakahintay sa'yo?"

"Oh, sorry. Na-traffic kasi eh." Sabay kamot niya sa ulo niya.

"Traffic? Pssh! Kailan pa ba nauso ang traffic? Bwiset!" At pumasok na ako sa kotse niya. Kaagad naman siyang sumunod at pumasok na rin sa driver's seat..

-

Pagkadating namin sa KFC, umorder agad siya nagtag-dadalawang chicken for the two of us. Buti na lang at mayaman ang boyfriend ko dahil parati akong libre.. Pfft.

Dumiretso naman kami sa jollibee to buy sundae. Masarap rin kasi to eh, pampawala ng init ng ulo.

"Paborito mo rin naman pala." Natatawang sabi niya.

"Pssh!"

"Say ahhh." Kaagad naman niyang inabot sa'kin ang isang spoon of sundae. Nyaah! Anong akala niya sa bibig ko, ganun kalaki at ganun katibay para ipakain ang isang sundae?

"Like duh, isinubo mo na yan sa bibig mo. As if naman, gagamitin ko yan." Mataray na sabi ko sa kanya.. Tsk.

"Ang arte mo. Sinusubuan na nga kita."

"Ang arte talaga." At umalis ako sa kinauupuan namin. sinundan naman niya ako hanggang sa makarating kami ng parking lot sa mall.

"Oh, ba't nandito ka?" Tanong ko sa kanya.

"Malamang, ihahatid kita pabalik sa school mo." Natahimik naman ako dun. a little bit funny. Ako pa ang may lakas ng loob itanong sa kanya kung bakit siya nandito... Eh kotse niya lang naman ang ginamit namin papunta dito.. Masyado na akong nasanay na kotse ko parati ang ginagamit sa tuwing na umaalis ako sa bahay..

"Wag ka na ngang masungit, di maganda sa'yo tingnan." Sabay smile niya at hawak sa mukha ko. Gosh! He's smile makes my heart beats fast.. Chos..

"Pero ang ganda mo pa rin.. Kaya love na love kita kasi kahit anong anggulo ka tingnan, maganda ka.. Love you." Napa-smile na lang ako bigla sa sinabi niya. Hindi sa feeling ha pero halata kasi sa mga mata niya na super sincere siya sa sinasabi niya. It's either a joke or not, I love hearing those words from him.. He kiss my lips and forehead. nah, parang tinu-turn off niya yung pagiging maldita ko ah..

"Love you too." Sabi ko ng mahina pero narinig naman niya. Kaya buong biyahe, abot tenga ang ngiti ng mayabang kong boyfriend hanggang sa nakarating na lang kami sa school.

"Oh, pa'no yan babe, bye." Sabay hawak niya sa kamay ko.

"Makakaalis ba ako eh hinahawakan mo yung kamay ko?" Hinila naman niya ako ng mahina kaya napasandal ako sa dibdib niya.

"Pwede bang di ka na lang pumasok tapos magsama tayo buong maghapon?" Tanong niya sa'kin habang naka-hug siya sa'kin.

"Tss. Di pwede (iwas sa hug niya) Tsaka pumasok ka na, baka ma-late ka pa." Sabay pingot ko sa ilong niya.

"OO na. Love you. :) "

"Love you too." Hinintay ko siya hanggang sa maka-alis na siya..

Dumiretso lang muna ako sa canteen to buy some drinks. Nauuhaw na kasi ako eh. Nakalimutan kong magdala ng tubig..

Habang umiinom ako, may isang lalaking tumabi sa'kin. Tiningnan ko naman siya pero di ko siya kilala. Sorry ka na lang. Hahaha

"Hi." Bati niya sa'kin. Di ko siya pinansin. STRANGER!

"Uhm miss, sorry kaninang umaga ha. Nagmamadali kasi ako nun. I guess, di mo ko nakalimutan, right? Ako yung nakabangga sa'yo a while ago." this time, napatingin na ako sa kanya. Pinagmasdan ko yung mukha niya, di naman siya pangit, gwapo naman, may itsura. Halatang mayaman dahil ang mukha, ni isang pimple, wala akong mahanap. Matangos ang ilong at maputi. Tapos yung lips, o-oh, kissable? Yeah. Perfect!

"Mag-iingat ka sa susunod." Sabay irap sa kanya.

"Okay. By the way, I'm Nick. And you are?" Gusto ko siyang di pansinin pero sayang naman, mabait eh.. Ahahaha, nakaka-turn off! Kainis!

"I'm Era, Era Jane." Tapos inabot niya sa'kin yung kamay niya pero di ko yun pinansin. Kinamot na lang niya ang ulo niya. Oh, cute. ^_^

Tumayo na ako saka nagsimulang maglakad papunta sa room ko..

Makalipas ang ilang oras, uwian na. Tinext ko si Jade if he can get me here. Sabi niya, hindi daw dahil busy siya sa school at may ginagawa pa siya. Tss. Tinext ko na lang ang driver ko to pick me up. Ayokong mag-taxi!

Pagkadating ko ng bahay, nadatnan ko sila mommy at daddy sa music room, nanonood ng movie. Gusto ko silang disturbuhin pero wag na, baka di pa ako palabasin ni papa at pasamahin pa nila ako sa panonood nila ni mommy. Umakyat naman agad ako sa taas at nadatnan ko ang aking bruhang kuya na nagpapa-music ng rock. Pssh! Sakit sa tenga. Dumiretso na lang ako sa aking pretty pinky room.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

A/N: Hi readers! Oh ito na, babawi na ako. Hehe ^_^ Hope you like it guys.

Mr. TextmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon